Linggo, Nobyembre 27, 2016

Ang Buhay ng Bitwin

By: Ralph F. Sabenorio


Tuwing tumitingala tayo sa langit, madalas nating makita ang mga bitwing kumikislap. Halos gabi-gabi na natin itong nakikita at nagiging ordinaryo na ang mga bagay na ito. Subalit, nagtataka ka ba kung ano ang buhay ng isang bitwin? Gaano ba ito nagtatagal? Namamatay ba ito?
Ang mga 'maliliit'na nakikita natin na para bang mga alitaptap na nakadikit sa langit ay hindi maliliit, kundi mga higanteng bola ng gas. Kasinlaki ba ng buwan? Hindi. Kasinlaki ba ng daigdig? Hindi. Ang mga bolang ito ay napakalaki na ang isang medium-sized ay di-hamak na mas malaki kahit pagsama-samahin pa ang mga planeta sa Solar System. Subalit nagmumukha itong maliit sa ating mga mata dahil sa sobra nitong layo. Ngunit tulad ng iba pang bagay sa sa kalawakan, ang mga bitwin ay may pinagmulan.
Ang buhay ng isang bitwin ay magmumula sa sa isang nebulae, isang ulap ng gas. Ang nebulae ay magsisimulang magsama-sama dahil sa atraksyon ng gravity, at ang magiging kalalabasan ay isang bitwin. Sa puntong ito, naipanganak na ang bitwin! Ang temperatura sa pinakaloob nito, sa core, ay napakataas na nagiging dahilan upang ang mga elemento ay magsailalim ng isang reaksyon, ang fusion. Ang fusion ay ang 'pagsanib' ng mga elemento upang makabuo ng iba pang elemento. Tuwing magkakaroon ng fusion, matinding dami ng enerhiya ang nalalabas. Ang mga enerhiyang ito ay nasa anyo ng init at liwanag. patuloy na magkakaroon ng fusion hanggang sa maubos ang suplay ng mga elemento, kadalasang mga hydrogen at helium. depende sa mass o laki ng bitwin ang itatagal ng buhay nito. Kapag mas malaki ang bitwin; kapag mas malaki, mas madaling mamatay. Kapag naubos na ang suplay ng hydrogen sa core, ang star ay lalawak o lalaki. Para sa mga bitwin na kasinlaki ng Sun o Araw, ang mga ito ay magiging Red Giant. Para sa mga mas malalaki sa Araw, ang bagong anyo ay tinatawag na Red Supergiant.
Ang mga bagong anyong ito, ang Red Giant at Red Supergiant, ay malapit ng mamatay. Kapag naubos na ang mga elemnto sa core, ang Red Giant ay maaring maging Wite Dwarf, isang  maliit na bitwin (halos kalahati ng araw) na hindi na nagsasailalim ng fusion. Ang Red Supergiant naman ay sasabog ng napakalakas. Matapos ang pagsabog, dalawa ang maaaring patunguhan nito: maaaring isang Neutron Star isang Black Hole. Ang Neutron Star ay isang bitwin kung saan ang electron at proton ay nagsanib upang maging neutron. Ang electron ay may negatibog charge at ang proton naman ay maypositibong charge kaya ang mabubuo ay walang charge or neutral. Ngunit, maaari pang magpatuloy ang neutron star sa pag-collapse at maging isang black hole. Ang black hole ay isang madilim rehiyon na may napakalakas na gravity na walang anuman ang nakakaalis sa pwersang ito, maging ang liwanag. Kayang higupin ng black hole ang numang bagay na malapit dito, maging ang mga bitwin.
Ang mga bitwin ay mga pabrika ng mga elemento sapagkat dito nabubuo ang iba't-ibang uri ng elemento dahil sa nangyayaring fusion. Ang mga nabuong elementong ito ay gagamitin upang maging mga baging bagaytulad ng bitwin, planeta, o maging mga nilalang. Ang mga bitwin ay nabubuhay at namamatay upang magbigay ng pagkakataon sa iba upang mabuo.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento