Huwebes, Nobyembre 24, 2016

DROGA PANGUNAHING PROBLEMA !
Droga isang mapaminsalang bagay na nakakaapekto sa kalusugan ng katawan at pag-iisip ng isang tao kaya hindi nakapagtataka na laganap ang krimen sa ating bansa na ang panunahing dahilan ay ang paggamit ng ipinag babawal na gamot, marami na rin ang sinirang buhay at nagdulot ng masamang dulot sa karangalan ng buhay ng isang tao ang illegal na droga lalong lalo na ang mga taong kumakapit sa patalim para mabuhay para kumeta ng maraming pera. Bakit nga ba hindi matapos tapos ang pagsugpo sa illegal na droga na pangunahing problema ng ating bansa ?
Simula ng nailoklok sa piyesto ng pagkapangulo si pangulong Rodrigo Duterte isa sa mga pinangako niya ay ang paglaban sa illegal na droga na susugpuin niya sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, ngunit hindi ito nangyari sapagkat marami pang sangkot dito na hindi pa nahuhuli hanggang sa ngayon kasama na ang nagkalat na pusher at mga drug Lord na nagpapatakbo ng mga malalaking pagawaan o Laboratoryo ng  illegal na droga.
  Ayon sa maraming pagsusuri, popular ang pilipinas bilang “transit hub” dahil sa pangangalakal ng iligal na droga sa iba’t ibang bansa isa na rito ang shabu at ang marijuana na kung ipagbibili ay halos daan-daang milyong piso ang halaga ito ay kinasasangkutan ng multimilyonaryong mga smuggler at drug lord mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ginagamit ang mga karamihan sa mga OFW(Overseas Filipino Workers) na kapit sa patalim upang maipuslit ang droga sa ibang bansa, Ayon kay Priscilla Pamintuan (July 14,2016) kaya karamihan sa mga Nakikipagsapalaran na OFW ay napipilitan na isakripisyo ang kanilang mga prinsipyo makapagkita lamang ng malaking halaga ng pera.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang problema kontra droga ay dahil sa mga protektor nito na karamihan ay opisyal ng pulisya ng pinakamalalaking sindikato ng droga at mga kriminal sa bansa. Kamakailangan nga  noong July 5, 2016 ay isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan ng limang high-ranking officials ng Philippine National Police na sangkot sa illegal na droga. Sa kaniyang talumpati ika-69 na anibersaryo ng Philippine Air Force(PAF) binanggit ng pangulo sina PNP Deputy Director General Marcelo Galbo Jr. Dating National Capital Region Police office, Chief Director  Joel Pagdilao. Western Visayas Regional Director, Chief Superintendent Bernardo Dias Quezon City Police District, Director Chief Superintendent Edgardo Tinio at retired police General na si Vicente “Vic” Loot. lahat  ng mga opisyal na ito ay pinaimbestigahan ng Pangulo at kung sakali man na mapatunayan na totoo ito maaaring alisan sila ng tungkulin sa PNP at hindi na muling makapagsilbi dahil sa kasong bahid ng illegal na droga. Ngunit gayunpaman naniniwala pa rin si pangulong Duterte na mas marami pa ring mga tapat na pulis sa kanilang mga serbisyo kaysa mga tiwaling pulis na nag lilingkod sa ating bansa. (www.Philstar.com
Ngunit sa kabila ng lahat ng problema sa droga at kriminalidad palaging may naka akibat na solusyon upang ma iwasan ang paglaganap nito sa ating bansa gayunpaman magkaisa tayong lahat hindi lang ang pangulo ng pilipinas. Mag bago ang dapat magbago, Ang igawa sa masama gawin na lang itong kapakipakinabang sa kapwa. Itatak natin sa ating mga isipan na “Ang Prinsipyo at Karangalan natin bilang isang tao ay Kahit Kailan Hinding-Hindi matutumbasan ng maraming Salapi”.
Sangunian:
            Priscilla Pamintuan may akda(July 14,2016)
            (www.Philstar.com)

                                                                                    Isinulat ni: Angelica R. Sales


_




2 komento:

  1. Tama, dapat hindi lang pangulo ang lumulutas sa problemang kinahaharap ng bansa. dapat tulong-tulong at magkaisa para ikauunlad ng ating bansa.....

    TumugonBurahin