Linggo, Nobyembre 27, 2016

Ang Death Penalty


Ang Death Penalty sa Pilipinas
     Sa paglaganap ng krimen at di matapos tapos na drugs, mulin nabuksan ang isyu tungkol sa pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Itong mga krimen na siyang dahilan upang bumaba ang porsyento ng mga dumarayo sa Pilipinas ng dahil sa takot at pangamba. Isa sa mabisang solusyon ang muling pagbabalik ng parusang death penalty, ngunit ano nga ba talaga ito? Makakatulong nga ba ito sa pagpuksa ng lumalaking krimen sa bansa?
     Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Nauna na itong naipatupad taong 1521-1898 sa panahon Kastila. Ayon sa Codigo Penal ng 1848 ipinataw ang sestensyang kamatayan sa mga Pilinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Sa panahon ng Amerikano naman, ginamit ang parusang bitay sa kampanyang "pacification" ng mga Amerikano at upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga Pilipino. Sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Marcos ay muli naman itong ipinatupad at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan. "Detterence"ang naging opisyal na kadsahilanan sa pagpataw ng death penalty. Tinapos ang parusang sa ilalim ng Saligang Batas 1987 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino.
      Pinaniniwalaang ito ang mabisang solusyon upang mapuksa ang lumalalang krimen sa bansa. Ayon kay Bato sa isang report, kailangang maibalik ang Death Penalty na batas dahil kahit marami na ang namamatay at natutumba, nagdadala parin sila ng maraming drugs. Sa report naman ng GMA News Online, June 22, 2016, sinabi ni Duterte na ang death penalty ay hindi ipapatupad upang gawing panakot sa kriminal kundi pambayad sa mga kasalanan ng kanilang ginagawa.
     Sa isang post ng Resident Patriot sa the Pinoy site, sinabing kailangang maibalik ang death penalty sa bansa dahil sa ilang mga kadahilanan. Una ay dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal at mas dumarami pa ito na siyang dahilan upang magkulang ang mga pasilidad at nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan. Sunod ay hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit hatulan at hindi humihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila dahil lumilikha sila ng bagong kriminal. Nagagawa ring baguhin ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, maaaring hindi magiging epektibo ang death penalty sa bansa dahil ang mga pinuno mismo ang siyang nangunguna sa paggawa ng katiwalian.
     Walang nakakaalam kung talaga nga bang magiging epektibo ang death penalty. Nasa kamay parin nating lahat ang magiging kahihinatnan nito. Dahil kung patuloy parin na maghihirap at hindi matatakot ang mga mamamayan at kung ang ating mismong pinuno ay hindi sumusunod sa batas, wala rin namang mangyayari at patuloy paring darami ang krimen at bilang ng patayan sa bansa.

Sanggunian:
https://www.wattpad.com/14695710-death-penalty-solusyong-walang-epekto
http://asianjournalusa.com/ang-death-penalty-p10509-129.htm
http://philrights.org/ang-sestensyang-kamatayan-death-penalty-sa-pilipinas/
http://newsinfo.inquirer.net/84459/bato-wants-revival-of-death-penalty-sa-pilipinas
http://www.gmanetworks.com/news/story/570978/news/ulatfilipino/duterte-death-penalty-di-panakot-sa-kriminal-kundi-pambayad-sa-kanilang-kasalanan


Isinulat ni:
Christine Jean Panuelos

2 komento: