Sa
Facebook
Hindi na iba o bago sa
pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na kinahuhumalingan na
ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang
facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang
Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong dalawang
libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot
Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo
Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang
facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa
ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos
karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong
mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang institusyon, sa
mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon
pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social
networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang
pampublikong kompanya. Ditto, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post
tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa
aklat na papel (paper facebooks), na
isinasalarawan ang mga kasapi nito.
Ang
facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man ang
nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong
mundo ang litrato ng mukha na may #No
Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong
barkada na may #friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang
pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion,
#Birthday, #Anniversary, #Heartbroken,
#Just Anything, #walang forever
at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo
itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo
lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili
mo.
Facebook.
Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag
pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang
binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang
kanya-kanya nating #HASHTAG.
Lhemuel M. Belleza ABM-A
Well said😍
TumugonBurahin*dalawang libo't labing apat
TumugonBurahinGinagamit namin ng pamilya ko ang facebook sa pag kumunikasyon ng malalayong kamag-anak at kaibigan. kapakipakinabang ang applikasyon na ito pero meron din itong disadvantage lalo na sa mga pinopost dapat maging responsable tayo sa mga shinashare natin sa social media.
TumugonBurahinNegosyongPinoy.info
Pero bat noong 2010 nagka facebook ako sa una una kong account
TumugonBurahinIto ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
TumugonBurahinmayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.
Ginagamit po namin ito sa kuminikastion sa aming pamilya at ngayon sa pag aaral nadin po
TumugonBurahin