Linggo, Nobyembre 27, 2016

Myla P. Moreno "Bisyo ng Kabataan ,Paano Mapipigilan?"

Bisyo ng Kabataan ,Paano Mapipigilan?

 
          Sa panahon ngayon,karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling sa iba't-ibang bisyo na siyang nagiging dahilan ng paunti-unti nilang pagbabago.Ilan sa mga bisyong ito ay ang paninigarilyo,pag-inom ng alak,pagsusugal at mas masaklap ay ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.Bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa bisyong ito?Di ba nila inisip kung ano ang maaaring maidulot ng mga ito hindi lang sa kanilang sarili pati na rin sa kanilang kalusugan?Sino na lamang ang makakapag pigil sa kanila?
          Bilang isang estudyante at isang kabataan,nagtataka ako kung bakit ilan sa mga kapwa ko kabataan ay nahuhumaling sa mga bisyong makakasira sa kanila. Marahil sa problemang kanilang dinadala o kaya naman impluwensiya lang ng mga kaibigan nila.Gayunpaman kailangan din namang isipin nila at isaalang-alang kung ano ang kanilang kahihinatnan dahilan ng kanilang kahumalingan sa bawat bisyo.Halimbawa na lamang ang paninigarilyo.Ayon kay Roel Calma,mula sa survey,ang paninigarilyo ay ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming kabataan.Halos kalahating porsyento sa bilang ng ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang manigarilyo.Dito sa ating bansa,ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon.Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.Isang tao kada 13 segundo,o isang milyong katao taun-taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo.Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso,baga,kanser,diabetes,osteoporosis at marami pang iba.Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.
              
          Alam kong karamihan sa mga kabataan ngayon ay alam kung ano ang maaaring maidulot sa kanila ng masasamang bisyo.Bukod sa kahumalingan sa mga ito maaari ring maging dahilan ang kawalan ng suporta mula sa kanilang pamilya.Gaya na lamang nang gabay mula sa mga magulang na siyang pangunahing kailangan ng mga anak mula sa kanila,maaaring nawalan ng atensyon ang mga magulang kaya naman hindi na nila napapansin kung ano ang mga pinag-gagagawa ng kanilang anak,kaya't ang mga anak naman ay malayang nagagawa ang mga bagay na ito.Isa ring dahilan ang pagsama sa mga barkada o tinuturing na kaibigan.Naiimpluwensyahan ang bawat isa sa kanila lalo na't hinahayaan lang naman nila na impluwensyahan sila,kasabay na nito ang paglagay nila sa kanilang sarili maging sa kanilang buhay sa kapahamakan.Gayunpaman kailangan ng mga kabataan natin ngayon ng tamang gabay hindi lang mula sa kanilang pamilya pati na rin sa kanilang lipunan.
         Ang mga gabay na ito ay isa sa maaaring maging dahilan mg mga kabataan sa pagtigil nila sa masasamang bisyo.Ngunit sarili parin nila ang tanging makakatulong sa pag-iwas at pagtigil sa pagkahumaling rito Dahil sarili lang natin ang nakakakontrol at makakakontrol sa mga bagay na nagagawa at magagawa natin.Sabihin man nating matututo tayong umiwas sa mga bagay na maghahatid satin sa kapahamakan,isa-isip parin natin na lahat ng bagay ay may hangganan,hangganan kung saan maaari tayong maging masaya kung ito ay maaga nating naagapan o nasolusyunan ,maging malungkot kung ito ay di man lang natin nagawang solusyunan at iwasan.Sa madaling sabi sarili lang natin ang mismong makakatulong satin sa pag papaunlad ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili natin.
         Sa kabila ng lahat ng ito,nais kong ang bawat isa sa atin ay maging mabuting huwaran,maging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa iba't-ibang bisyo kabilang narin sa mga epekto nito,maging tapat,maging bukas ang kalooban sa bawat isa nang sa gayon ay hindi tayo mahihirapan sa pagtitiwala sa kahit sino man,pagtibayin rin natin ang ating relasyon sa ating pamilya na syang handang gumabay at sumuporta saatin sa anumang bagay na tatahakin natin.Huwag tayong mag padala sa tukso na nagbibigay ng masasamang epekto sa ating buhay.Huwag nating hintayin na humantong sa pinakamalalang kondisyon at masira ang ating buhay at mauwi sa kapahamakan.Huwag tayong matakot,ipakita natin sa ating henerasyon na nagsisilbing "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan." Sa ating pag babago at kung ano man ang ating tatahakin sa ating buhay,huwag tayong mawalan ng pag-asa.Isa-isip natin na "Habang may Buhay may Pag-asa."

Mula sa:http://roelcama.blogspot.com/?m=1
Ipinaskil noong 15:37am,Martes,Mayo 20,2014

 Myla P. Moreno ABM A

1 komento: