Sabado, Nobyembre 26, 2016

Ang Kanser Sa Baga

Ang baga ay isang organ na nagsasala ng hangin sa ating katawan upang tayo ay makahinga. Ngunit dahil sa kapabayaan minsan ng tao ay nagkakaroon ang baga ng iba't ibang sakit, na minsan o kadalasan ay nagdudulot sa kamatayan ng isang tao. Isa na rito ang kanser sa baga.
Ayon sa diksiyunaryo, ang kanser sa baga ay isang uri ng kanser na umaatake sa baga. Ito ay binigyan at mas pinaliwanag pa ng DOH ( Department Of Health ). Ayon sa kanila, ang mga selula ng kanser ay di-pangkaraniwang selula. Mas mabilis na tumubo at nahahati ang mga selula ng kanser kaysa malusog na selula. Maaring maging tumor ang ibang selula ng kanser. Ang kanser sa baga ay nangyayari kapag ang selula sa baga ay nag-iiba at nagiging di pangkaraniwan. Ang selula ng kanser ay maaaring maglakbay sa pamamagitan ng sistemang limpatika, papunta sa ibang lugar o organ ng katawan. Ang tawag dito ay metastasis.
Ayon din sa kanila, ang nangungunang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong sakit ay ang paninigarilyo. Higit na mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng kanser sa baga ang taong chain smoker. Ngunit hindi lamang ang mga naninigarilyo ang maaring magkasakit nito kundi ang mga taong nakapaligid dito na nakakalanghap ng usok mula sa sigarilyo. Tinatawag din itong passive smoking o second-hand smoking. Bukod sa paninigarilyo ay may ilan pang itinuturing na sanhi ng pagkakaroon ng lung kanser kagaya ng asbestos. Ang hibla ng asbestos  ay isang uri ng hibla ng silica, ang materyal na ginagamit sa paggawa ng salamin. Kapag nalanghap at napunta sa baga, maaring makapagdulot ng kanser sa baga, hindi ito  basta bastang nawawala kapag nakapasok at dumikit sa baga. Isa pa sa mga sanhi ng kanser sa baga ay ang randon gas, isa itong hangin na radioactive. Ang kanser sa baga ay namamana rin at nakukuha sa polusyon sa hangin.
Ang kanser sa baga ay may roon ding mga palatandaan, sa una, hindi kakikitaan ng anumang pala tandaan ang isang taong may kanser sa baga. Ngunit kung ika'y nakaramdam na ng ubong hindi gumagaling, pagsuka ng dugo, kakapusan ng hininga, pag - aaganas, pagkawala ng ganang kumain, at pagkaramdam ng sobrang pagod. Ito ang maaari gawin ayon sa DOH. Maaari kang sumailalim sa biyopsis.Ang maliliit na mga muwestra ng tomor na tinatawag biyopsis ay kinukuha upang malaman kung anong uri ng kanser sa baga ang mayroon. Ang impormasyong ito ay makaktulong sa doktor sa pag plano ng inyong lunas.Pag-uusapan ang mga opsyon ng lunas.Ilan sa karaniwang paraan ng mga lunas ay operasyon upang tanggalin ang tomor at kalapit na himaymay, teraping radiation upang wasakin ang selula ng kanser at mga gamot ng kemoterapi para wasakin ito.
                Kaya ang kanser sa baga ay nakakapaminsala. Ngunit kahit na ganoon ay ito ay madali lang iwasan. Pero kahit ito ay madali lang iwasan, marami pa rin ang mga taong nagkakaroon nito. Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nauuso na hindi natin na alam na nakakapaminsala na pala ito sa atin. Kagaya na lang ng paninigarilyo. Kaya di maipagkakailang kahit mga minorde edad pa lang ay pwede ng magkaroon ng ganitong sakit. Ang kalusugan ay kayamanan, dapat itong pangalagaan. Sa tamang pagkain, ehersisyo at pag-iwas sa bisyo, kalusugan ng ating katawan ang makakamit.



Isinulat ni: Rodshel Yogun A. Bayona
Sangunian: http://www.doh.gov.ph/search/node/lung%20cancer

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento