Martes, Nobyembre 29, 2016

Sa Facebook
Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
            Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Ditto, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi nito.
            Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may #friendship forever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
            Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.




Lhemuel M. Belleza ABM-A

TEKNOLOHIYA

                                 TEKNOLOHIYA
                       NI JOSHUA A. ORTINERO

                               Habang ang oras ay patuloy sa pag-ikot. At ang araw ay patuloy sa pag daan. Patungo sa bagong panahon. Na mumulat na ang mga tao sa mga modernong bagay na nag bibigay ng malaking tulong sa buhay ng tao. At sa mga pagbabagong ng yayari sa ating bangsang kinagisnan. Halimbawa na lamang nito ang teknolohiya na may malaking ambag sa buhay ng tao . Pati na rin sa pag unlad ng ekonomiya. Ngunit di maiaalis dito ang mga positibo na may kasamang negatibo na maidudulot sa pamumuhay ng isang tao. 
                       Ang teknolohiya ay napakaimportante sa lahat ng tao sa mundo, lalo na sa mga kabataan ngayon na siyang kinahuhumalingan at kinaaadikan ng mga tao ngayong panahon.Ngunit di maikakaila na ang paggamit nito ay may kaakibat na negatibo sa pamumuhay ng isang tao. hindi lahat nito ay mabuti ang naidudulot . kailangan parin nito ang masining na paggamit at maingat sa lahat ng bagay. sa paggamit nito ay kailangan alamin muna kung ano ba ang tamang proseso , paano ba ang gumamit nito magkaroon dapat ng limitasyon sa paggamit nito . Sapagkat ang lahat ng sobra ay nakakasama at nagsisilbing lason,na siyang hadlang sa pag kamit ng minimthi                                                      Ayon sa http.teknolohistang pinoy.wordpress.com na mula paman noon at hanggang ngayon marami nang mga tao na nagtatalo talo dahilan sa kung ang teknolohiya ba ay may masamang naidudulot sa pamumuhay ng isang tao.Hindi iyan mawawala sapagkat lahat ng bagay maganda man ito  may kapangitan ding tinatago. dahil sa teknolohiyang ito naipapadali ang mga gawain lalo na sa mga kabataan ngayon kapag sila ay may mga gawain na na aangkop sa mga pag aaral nila . ito ang pinagkukunan nila ng mga ibat ibang inpormasyon.At naipapaunlad din nito ang ating lipunan. Subalit laging tandaan ma ang teknolohiya ay nakakatulong ngunit gaano man ito nakatulong ay ganun ito nakakapahamak kung pabanayaan ang sarili at pag inabuso ito. Disiplina ang kailangan.
                                  Ayon naman sa cjefo1.blogspot.com na ang teknolohiya ay may napakalaki na ang naitulong nito sa mga tao at kabataan simula't sapol na naimbento ito .. Noon wala pana man masyadong masama naidudulot nito ngunit habang tumatagal umaabuso na ang ibang tao sa paggagamit nito kaya marahil ngayong panahon marami na ang gumagamit na walang disiplina sa sarili at walang limitasyon sa pagamit nito kaya naman napapahamak ang mga tao dahil sa sariling ginagawa.
                                May malaki nang naitulong ang teknolohiya sa buhay ng tao imbes na itoy abusuhin .Mas mabuti na ito'y payamanin. At alamin at piliin lamang ang mga positibong bagay na maidudulot nito sa pamumuhay ng tao.
                   

MAAGANG PAGBUBUNTIS (TEENAGE PREGNANCY) ni: Mary Johnette P. Piojo

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang 19 ay isang malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating naririnig sa mga nakakatanda. Palagi nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol ang isinisilang ng mga teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult Fertility and Sexuality(YAFS) strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may edad na 15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ng Southeast Asia. Maraming eksperto ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae sa ating bansa. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis ng mga batang babae.

Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya at kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang tahanan. Maraming eksperto ang nagsabing sintomas ng kahirapan ang teenage pregnancy. Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa rin sa pangunahing dahilan ng maagang pagbubuntis ng mga teenagers. Ang mass media lalong lalo na ang internet ang isa sa sinisisi sa teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th community Pediatrics Society of the Philippines (CPSP) annual convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo ay pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-2014. Ito ay dahil sa kanyang pag serbisyo sa mga nangangailangan.

Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan pito sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito ng world bank at sinasabing ang pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang ina. Malaking porsyento ng mga kabataang nabubuntis ay nabibilang sa low income generating group. Dahil wala pa sa hustng gulang karamihan sa mga kabataang maagang nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para sa mga sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga sanggol na isinisilang ng kabataang babae.

Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng gabay ang mga anak upang hindi maging ina sa murang edad. Gayunpaman, panahon na upang patatagin natin ang ating mga pamilya. Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng aksyon. Tayo na't magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Wala itong maidudulot na kabutihan saatin.
Joshua E. Zape  ABM- A
Iba't ibang Epekto ng Teknolohiya
           Teknolohiya, ano ang mga epekto nito sa atin? Sa ibang tao? At sa mga taong hindi na kayang mabuhay kung wala ang mga kagamitan ng teknolohiya. Ang tekstong ito'y naglalaman ng iba't ibang epekto ng teknolohiya sa ating buhay kung paano nabago ang ating buhay ng dahil lamang sa teknolohiyang ito at kung paano naorganisa ang iba't ibang uri ng teknolohiya maging sa mga applikasyon nito.

            Ang teknolohiya ay isang sistematikong kaalaman sa sining ng industriya at napapadali ang mga gawain ng isang tao. Nangangahulugang na ito'y isang kaalaman na maililipat mo sa makinarya o anumang bagay na nagagamitan ng kuryente. Mas malaking porsyento ang napapakinabangan ang teknolohiya sa araw-araw na gawain ng tao. Nakatutulong din ito sa larangan ng edukasyon dahil napapadali lamang ang pagsasaliksik ng mag- aaral sa kompyuter kaysa maghanap sa mga libro.

            Ayon kay Juan Dela Cruz sa kanyang Blog na Teknolohistang Pinoy, ang teknolohiya ay isang kagamitan na kung saan nasa saiyong mga kamaykung papaano ito gagamitin at paunlarin. Nailathala din nya ang mga posible at mga nangyari nang mga epekto sa kanyang blog ito ay ang mga sumusunod  na epekto na nahahati sa dalawang parte: Ang Positibo at Negatibong Epekto. Sa Positibong epekto'y naglalaman ng: Pag unlad ng antas ng libangan na kung saan nakawawala ng stress at nakakaenganyo pang gamitin. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan gaya nito ay ang mga CCTV na kung saan nagsisilbing ebidensya sa bawat krimeng nangyayari. Ikatlo ay Global Networking  na kung saan dito napag uusapan ang pakikipagkalakalan hindi lamang dito sa bansa kundi sa buong mundo. Sa ikalima at ika anim na epekto naman ay, Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan na komunikasyon gamit ang teknolohiya at Mas makakamura sa ibang paraan, na aking nakapahulugan na ang tinatawag na Social Medias gaya ng facebook, twitter, at anu pa mang bagay na magagamit sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao, at mas nakatitipid pang gamitin kahit saang lugar.

             Sa negatibong epekto naman ay nahahati sa anim na magiging gabay at babala sa paggamit ng teknolohiya. Una, nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao na magiging sanhi ng pag iisip ng hindi tama. Ikalawa, ay Maaring gamitin sa karahasan na magiging sanhi ng paggawa ng krimen buhat sa paggamit ng teknolohiya. Ikatlo naman ay technicism na nakapahulugang pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya. Ikaapat ay Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong sa mali-maling sitwasyon. At ang pang huli ay ang teknolohiya sa larangan ng gaming at internet access na maaring makasira o makaapekto sa pag- aaral ng kabataan gaya nito ay DOTA at COC.


            Kung pagsama- samahin ang mga epekto ng teknolohiya, mayroong itong mabuti at masamang epekto ang teknolohiya dahil sa marami sa kagamitan ng teknolohiya ay malaki ang kapakinabangan sa lipunan, at higit sa lahat nakatutulong ito ng malaki sa pag- aaral ng mga mag - aaral. Kung merong mabuti siyempre meron ding itong masamang epekto nito dahil natututo ang tao na maging tamad sa kanilang gawain  

Mga Sanggunian: Teknolohistang Pinoy sa Blog ni Juan De la Cruz

Lunes, Nobyembre 28, 2016

Kabagungtauhan
ni Lorens A. Pellejena 

           Ipinanganak tayo sa mundo hindi tumigil ang oras. Ngunit maaari para sa mga talisik na tao, kung aalisan ng baterya ang orasan. Subalit talaga bang napatigil ang oras? Hindi. Sapagkat ang panahon ay patuloy wala pa namang taong naka imbento ng "Time Machine" sa wikang ingles, isang makina na kung saan may kakayahan ang tao na bumalik sa nakaraan at pumunta sa hinaharap. Ang panahong lumipas ay mananataling isang alaala, alaala na parang isang larawan sa ating nakaraan kung saan ang maari na lamang nating gawin ay ang titigan pero di na natin maaaring balikan.
        "Kabagungtauhan" isang salitang sa tingin ko'y bago rin sa inyong pandinig
Ito ay ang lebel ng katauhan ng tao, ang lebel mula sa batang kaisipan patungo sa isang responsableng kaisipan. Ayon sa wikipideang tagalog, ang "kabagungtauhan" ay ang pagbibinata o pagdadalaga, isang proseso na pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami ng "sekswal" simula sa pagka-panganak, tayo ay mulat sa mga pagbabago na dumarating di lamang sa mental na aspeto, ngunit pati na rin sa pisikal. Kaugnay nito tayo ay dapat na makasabay sa paunti-unting pag-usbong ng ating isipan sa mga kaalamang nararapat lamang nating maunawaan. Subalit ang mga pagbabagong ito'y kadalasang hindi pa gaanong nauunawaan ng iilan sa atin. Kung kaya't madalas sa mga pagkakataon tayo'y napapasama. Kung minsan nama'y mulat na tayo sa mga usapin tungkol dito, pero di naman alam kung paano mapanghahawakan upang makasabay sa mga pagbabagong ito sa ating sarili. Ang kailangan natin ay magkaroon ng sapat nakaalaman upang sapat na makaunawa. Ayon parin sa wikipediang tagalog, ang pagbabago ito sa ating sarili ay pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak patungo sa gonad: ito ay ang mga obaryo para mga babae at testes naman para sa lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng hormones na nag uudyok ng libido kalamnan , dugo , balat , dibdib at ari. Ang pisikal na paglaki taas at timbang ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
           Patuloy nito , karaniwan ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11. Samantala ang mga lalaki ay nagsisimula namang sa gulang 11 hanggang 12 . Ang mga babae ay karaniwan ring dumadaan sa ganap ng pagdadalaga sa gulang 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na nagbibinata na 16-17. Isang  mahalagang hudyat ng pagdadalag ang menarche, ito ay ang panimulang regla, na karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13; para sa mga kalalakihan ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng simelya na karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika 21 na siglo ang karaniwang gulang kung saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan , na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung ihahambing sa ika 19 na siglo , kung saan 15 ang gulang ng babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay maaring dulot ng isang salik , kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa matuling paglaki ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya'y pagkababad sa endocrine disruptors tulad ng yenoestogens , na maaring dahil sa pagkunsumo ng pagkain o iba pang pangkapaligirang salik, Ang pagdadalaga o pag bibinatang na mas maagang magsimula ay tinatawag ding precocious  puberty. Samantala ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na delayed puberty.
           Mahalaga sa morpolohiyang pagbabago sa sukat , hugis , nilalaman, at pagkilos na lumaking katawan ang pagsibol ng pangalawang pansekswal na katangian ang "pagpuno" sa katawan ng bata mula sa batang babae  tungo sa kadalagahan, mula sa batang lalaki tungo sa pagbibinata. Nagmula sa latin puberatum(gulang nga pagbibinata o pagdadalaga), ang salitang puberty ay tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago  tungo sa pangsekswal na pagsibol, hindi ang sikososyal at kultura na paglaki na tinutukoy ng salitang "adolescent development" sa kulturang pang kanluran , kung saan ang adolescence ay ang panahon ng mental na pagbabago mula pagkabata patungo sa pagtanda na kadalasang nasasapawan ang panahong paglaki ng katawan.
              Ang mga pagbabagong nabanggit ay dapat nating sapat na maunawaan upang mas lalong maintindihan na normal lamang sa atin ang mga di madalas maintindihang pagbabago sa ating sarili sa tingin ko'y lahat naman tayo'y nakakaalam nasa mga ganitong bagay , subalit di alam kung ano minsan ang dapat na gawin. Di tayo dapat na mangamba sa mga inaasahang maisakatuparan natin sa ganitong edad , sapagkat kahit ang mga guro ay ipinapayo na ito ang pinakamahirap na lebel sa pagbabago sa sarili. Mula sa dating mga bata nilalaro patungo sa mga responsableng gawain na ating dapat naisasakatuparan. Di dapat matakot, imbis isipin natin ito sa positibong paraan. Upang sa positibo rin mag resulta at hindi sa mga masamang kinahihinatnan ng mga kabataan sa kasulukuyang panahon.



Rape Case sa Pilipinas
ni: Josie Valenzuela ABM-A

Ang panggagahasa, ayon sa Batas ng Pilipinas ay itinuturing na isang kriminal na pagkakasala sa lipunan ng mga Pilipino, ito ay isang kasuklam-suklam na kreming napaprusahan ng pag kakabilanggo habang buhay. Ayon sa American Medical Association 1995 ang sekswal na karahasan lalo na ang panggagahasa ay pinakamadalang maulat ng pang gagahasa kumpara sa ibang marahas na krimen. Ang panggagahasa ay maaring maging sahi ng pisikal na pinasala at karagdagang resulta ulad ng sakit na nakukuha sa pag tatalik o pagbubutis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa maaring harapin ng karahasan o pagbabanta sa biktima mula sa nanggahasa at sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag anak ng biktima.
Ayon sa istatistika ng Philippines National Statistical Coordination Board (PNSCB) ng taong 2002 ay may 7 kababihan ang napagsasamantalahan sa bawat araw. Ayon din sa pag aaral ng PNSCB ay mayroong 3,913 na panggagahasa ang naisampa sa korte noong Enero hanggang Septyembre nang taong 2003 lamang. Tinutukoy din sa istatistikang ginawa na sa bilang na 478 na isinampa sa korte ay may apat na pung porsyento (40%) nito ay nangyayari sa sarili nilang pamamahay, dalawangput-siyam na porsyento (29%) ay nangyayari sa sarili nilang pamamaha, dalawangpung porsyento (20%) ay kakilala ng biktima o ng mga magulang nito  ay salarin , labing limang porsyento (15%)ay sariling ama o tumatayong ama at walong porsyento (8%) naman ay kaibigan. Sinasabi naman ng Women’s Legal Bureau noong 1995 na ang pinakabatanng biktima ay 8 buwang sanggol at pinakamatanda naman ay 67 taong gulang .
Maliit na bilang pa rin kung tutuusin ang istatistikang lumalabas sa kadahilanang marami sa mga biktima ang nasasawalang kibo  na lamang. Ayon sa Asian Women’s Resource Exchange (AWORC)  iasng internet based service ay may datos silang lumalabas sa bilang na 794 na panghahalay ang naganap sa unang apat na buwan lamang ng traong 1997
Sa unang semester ng taong 1999 pa lamang ay may report si8lang 2,393 sa mga batang nakakaranas ng aktwal na kahalagahan, muntik ng panggagahasa, panghihipo o act of lasciviousness at prostitusyon. Sa taonng 2006 ay may datos na nakalap sa PNP na 685 bilang panghahalay at ilan  pa rito ay nangyayari sa presinto o pangangalaga mismo ng kapulisan. Mga kababaihanng nahuhuli sa maliliit na kaso tulad ng pagnanakaw, panluluko, prostitusyon o mga kababaihang may mababang antas ng kalagayan sa buhay.
Sa batas ng pilipinas  ang sinumang nasa posisyon ng pamahalaan, mga nagpapatupad ng bats tulad ng kapulisan at militar na mapapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa kababaihan ay mapapatawan ng pinakamabigat na parusa o kamatayan.
At kadalasan sa mga kababaihan ay hindi nabibigyan hustisya dahilan sa mas pinapanigan ng korte  ang mga suspek na may kakayahang kumuha o magbayad ng malaki sa kanilang abugado na mapatunayanna sila’y walang kasalanan sa ginawa niyang krimen at dahilan rin sa mga kababaihan ang kahirapan kaya nila kayang kumuha ng abugado para mapatunayan na siya ay hinalay o ginahasa.

http://www.filipinowriter.com/artikulo-sekswal-na-pang-aabuso-sa-mga-kababaihan

                                                                   "Martial Law"

                Ilang taon na ang nagdaan pero buhay na buhay parin ang alaalang naiwan ng Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon ng kaniyang pamumuno.Sa kabila ng pagpapatupad niya ng Batas Militar o Martaial Law.Anu-ano ba ang nangayri sa panahong Marcos sa ilalim ng Batas Militar?

               Ang Martial Law sa ilalim ng pangulong Ferdinand Marcos ay ipinatupad noong ika-21 ng Setyembre 1972.Ideneklara ni Marcos ang Proclamation no.187 o ang Batas Militar.Ang pagdeklara nito ay isinapubliko at napanuood ng karamihan.Matapos itonf ipatupad sa dalawang araw na pagpapatibay ng batas na ito ay ipinaaresto ang mga demonstrador,ipinsara ang telebisyon,radyo at ang palimbagan ng dyaryo.Naghigpit rin ang mga seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Sa ilalim ng batas na ito ay mas lalong mapanganib.Raid dito,raid doon, kahit sino pweding dakpin.Walang korteng paglilitisan dahil guilty sinumang lumaban kay Marcos.(Ito ay ayon kay Ricky Lee).
             Sa Batas Militar mas lalong tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ng komunista kaya maraming inosente ang namatay.Ang mga mamahayag ay napagbintangan na silay kasapi ng mga grupong NPA.Kaya marami ang kaso ng Extra Judicial Killing sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos.Maski ang mga ordinaryong tao ay pinagbintangan ang iba sa kanila ay pinatay,sinaktan a ipinahiya sa harap ng mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
        Sa panunungkulan rin ng pangulong Marcos hangad nito na ang Bagong Lipunan sa pagpapatupad ng Batas Militar.Nabago nga ang lipunan ng dahil sa takot ng mga Pilipino sa kanya. Maraming nabago sa kalagayang pang kalusugan at pang kalinisan, nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling maayos ito na mga Pilipino.Higit sa lahat nabawasan ang mga pasyalang ipinagbawal lalo na sa Maynila.Nagakaroon ng karapatan at katahimikan sa mga pook na dati ratiy may ligalig at karahasan.Sa ilalim ng Batas Militar ay napaloob ang programa ng reporma ng pamamahala ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay Peace and Order (Kapayapaan at Kaayusan)
Land Reform (Reporma sa Lupa)
Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan) Development of Moral Values Government Reform (Mga Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon ) Social Service ( Serbisyong Panlipunan).Ngunit ang repormang naipangako ay hanggang papel lamang.Nagdulot lamang ang mga bagong lipunan ng pangamba at takot sa mamamayan.
            
          Ngunit hanggang ngayon ang pamumuno ng Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng Batas Militar ay buhay na buhay parin sa alaala ng mga nabiktimang Pilipino.Ika nga magsilbi itong arak na kung saan ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.Higit sa lahat ay unawain ang mga sigalot na pamumuno ng gobyerno.Hindi lang para sa sarili kundi para sa bansa na na nabalot ng karahasan sa ilalim ng Pangulong Marcos.Na ito ay magsisilbing aral at ating imulat ang ating mata sa katotohanang nagaganap sa ating bansa sa pamamalakd ng gobyerno.

Mga Sangguniaan:  
Joel Lamangan at Ricky Lee
Inquirer Net.Com  




                                                                                Maria Roselyn G. Concina Abm-A

MARTIAL LAW


                                                                  "Martial Law"

                Ilang taon na ang nagdaan pero buhay na buhay parin ang alaalang naiwan ng Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon ng kaniyang pamumuno.Sa kabila ng pagpapatupad niya ng Batas Militar o Martaial Law.Anu-ano ba ang nangayri sa panahong Marcos sa ilalim ng Batas Militar?

               Ang Martial Law sa ilalim ng pangulong Ferdinand Marcos ay ipinatupad noong ika-21 ng Setyembre 1972.Ideneklara ni Marcos ang Proclamation no.187 o ang Batas Militar.Ang pagdeklara nito ay isinapubliko at napanuood ng karamihan.Matapos itonf ipatupad sa dalawang araw na pagpapatibay ng batas na ito ay ipinaaresto ang mga demonstrador,ipinsara ang telebisyon,radyo at ang palimbagan ng dyaryo.Naghigpit rin ang mga seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Sa ilalim ng batas na ito ay mas lalong mapanganib.Raid dito,raid doon, kahit sino pweding dakpin.Walang korteng paglilitisan dahil guilty sinumang lumaban kay Marcos.(Ito ay ayon kay Ricky Lee).
             Sa Batas Militar mas lalong tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ng komunista kaya maraming inosente ang namatay.Ang mga mamahayag ay napagbintangan na silay kasapi ng mga grupong NPA.Kaya marami ang kaso ng Extra Judicial Killing sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos.Maski ang mga ordinaryong tao ay pinagbintangan ang iba sa kanila ay pinatay,sinaktan a ipinahiya sa harap ng mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
        Sa panunungkulan rin ng pangulong Marcos hangad nito na ang Bagong Lipunan sa pagpapatupad ng Batas Militar.Nabago nga ang lipunan ng dahil sa takot ng mga Pilipino sa kanya. Maraming nabago sa kalagayang pang kalusugan at pang kalinisan, nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling maayos ito na mga Pilipino.Higit sa lahat nabawasan ang mga pasyalang ipinagbawal lalo na sa Maynila.Nagakaroon ng karapatan at katahimikan sa mga pook na dati ratiy may ligalig at karahasan.Sa ilalim ng Batas Militar ay napaloob ang programa ng reporma ng pamamahala ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay Peace and Order (Kapayapaan at Kaayusan)
Land Reform (Reporma sa Lupa)
Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan) Development of Moral Values Government Reform (Mga Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon ) Social Service ( Serbisyong Panlipunan).Ngunit ang repormang naipangako ay hanggang papel lamang.Nagdulot lamang ang mga bagong lipunan ng pangamba at takot sa mamamayan.
            
          Ngunit hanggang ngayon ang pamumuno ng Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng Batas Militar ay buhay na buhay parin sa alaala ng mga nabiktimang Pilipino.Ika nga magsilbi itong arak na kung saan ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.Higit sa lahat ay unawain ang mga sigalot na pamumuno ng gobyerno.Hindi lang para sa sarili kundi para sa bansa na na nabalot ng karahasan sa ilalim ng Pangulong Marcos.Na ito ay magsisilbing aral at ating imulat ang ating mata sa katotohanang nagaganap sa ating bansa sa pamamalakd ng gobyerno.

Mga Sangguniaan:  
Joel Lamangan at Ricky Lee
Inquirer Net.Com  

                                                                                Maria Roselyn G. Concina Abm-A

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

                 Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng lahat ng tao, isa ito sa mga mabibigat na suliranin ng ating bansa. Kahirapan! Saan nga ba ito nagmumula? Ano nga ba ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito? Sino ba ang dapat nating sisihin tungkol sa nararanasang kahirapan n gating bansa?

                Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa tulong ng internet, sa kasalukuyang panahon, madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, ngunit ang katanungan ay, “Sila nga ba an may kasalanan at dapat sisihin tungkol sa isyung ito o tayong mga Pilipino mismo?’’ sinasabi ng iba, kaya sila nakararanas ng paghihirap ay dahil saw ala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ang nakalaan, ngunit mapili lang talaga ang mga Pilipino. Marahil sa panahon ngayon mahirap ang maghanap ng trabaho, ngunit hindi iyon ang sapat na dahilan para tumigil na sa paghahanap ng trabaho. Ayon ditto sa impormasyong nakalap mula sa internet, kailoangan nating magsikap upang mabawasan ang nanunudyong suliranin sa ating bansa. Ito ay mayroong sanhi o dahilan kung bakit natin nararanasan ang ganitong problema.
                Ang sapilitang pangingibang bayan ang mga Pilipino upang maghanap ng trabahoay nagging parte na ng kultura ng Pilipino. Dala ng labis na kahirapan, ito ang siyang nagging tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Ang salitang ‘’kapit sa patalim’’ ay maaring maiugnay sa bagay na ito. Maraming dahilan kung bakit nawawalay sa pamilya at linilisan ang sariling bayan upang makipagsapalaran sa ibang bansa ng dahil sa hirap ng buhay. Isa na ditto ang corruption: ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga perang nakalaan sana para sa kapakanan ng mga mamamayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.
              Ang isyung ito ay hindi na iba para sa mga Pilipino. Ito ay maituturing na kanser ng lipunan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga politico para sa sariling interes. Dahil sa mga maling Gawain ng mga politico, maraming mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan dahil sa talamak na suliraning ito. Sunod na dahilang ito ay nagmumula rin sa magulang na hindi pinagtutuunan ng pansin ang kanil;ang mga anak. Isa rin itong dahilan marahil sa katamaran ng mga Pilipino na maghanap ng trabaho. Ang isa pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapabayaan ng likas na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na magiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, gumagamit ng dinamita na siyang sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti-unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.

                Ang kahirapanay sa sa mga mabibigat na problema n gating bansa. Kung hindi natin ito malusutan, paano na lang tayong Pilipino na nakararanas nito? Sa ganitong sitwasyon, kailangan nating magsikap para sa ikauunlad n gating bansa. Huwag nating sisihin ang gobyerno marahil hindi sa lahat ng pagkakataon sila palagi ang sisisihin kundi ang mga sarili rin natin, dahil sa pagiging tamad ng mga Pilipino. ‘’katamaran ang katunbas ng kahirapan’’ huwag nating pairalin ang katamaran dahil walang ibang hindi maganda ang maidudulot nito kundi ang kahirapan. Sa kasalukuyang panahon, kailangan nating magsikap at magtulungan para sa ating bansa. Huwag mawalan ng pag-asa sa paghanap ng trabaho, basta magtiwala lamang sa sarili na kaya natin ito. Para sa huli maging maunlad tayo, at ang kasabihan na maaaring maiugnay sa mga Pilipino ay ‘’ang kasipagan tungo sa pag-unlad’’


anamae p. manlangit abm-a

Linggo, Nobyembre 27, 2016

Ang Buhay ng Bitwin

By: Ralph F. Sabenorio


Tuwing tumitingala tayo sa langit, madalas nating makita ang mga bitwing kumikislap. Halos gabi-gabi na natin itong nakikita at nagiging ordinaryo na ang mga bagay na ito. Subalit, nagtataka ka ba kung ano ang buhay ng isang bitwin? Gaano ba ito nagtatagal? Namamatay ba ito?
Ang mga 'maliliit'na nakikita natin na para bang mga alitaptap na nakadikit sa langit ay hindi maliliit, kundi mga higanteng bola ng gas. Kasinlaki ba ng buwan? Hindi. Kasinlaki ba ng daigdig? Hindi. Ang mga bolang ito ay napakalaki na ang isang medium-sized ay di-hamak na mas malaki kahit pagsama-samahin pa ang mga planeta sa Solar System. Subalit nagmumukha itong maliit sa ating mga mata dahil sa sobra nitong layo. Ngunit tulad ng iba pang bagay sa sa kalawakan, ang mga bitwin ay may pinagmulan.
Ang buhay ng isang bitwin ay magmumula sa sa isang nebulae, isang ulap ng gas. Ang nebulae ay magsisimulang magsama-sama dahil sa atraksyon ng gravity, at ang magiging kalalabasan ay isang bitwin. Sa puntong ito, naipanganak na ang bitwin! Ang temperatura sa pinakaloob nito, sa core, ay napakataas na nagiging dahilan upang ang mga elemento ay magsailalim ng isang reaksyon, ang fusion. Ang fusion ay ang 'pagsanib' ng mga elemento upang makabuo ng iba pang elemento. Tuwing magkakaroon ng fusion, matinding dami ng enerhiya ang nalalabas. Ang mga enerhiyang ito ay nasa anyo ng init at liwanag. patuloy na magkakaroon ng fusion hanggang sa maubos ang suplay ng mga elemento, kadalasang mga hydrogen at helium. depende sa mass o laki ng bitwin ang itatagal ng buhay nito. Kapag mas malaki ang bitwin; kapag mas malaki, mas madaling mamatay. Kapag naubos na ang suplay ng hydrogen sa core, ang star ay lalawak o lalaki. Para sa mga bitwin na kasinlaki ng Sun o Araw, ang mga ito ay magiging Red Giant. Para sa mga mas malalaki sa Araw, ang bagong anyo ay tinatawag na Red Supergiant.
Ang mga bagong anyong ito, ang Red Giant at Red Supergiant, ay malapit ng mamatay. Kapag naubos na ang mga elemnto sa core, ang Red Giant ay maaring maging Wite Dwarf, isang  maliit na bitwin (halos kalahati ng araw) na hindi na nagsasailalim ng fusion. Ang Red Supergiant naman ay sasabog ng napakalakas. Matapos ang pagsabog, dalawa ang maaaring patunguhan nito: maaaring isang Neutron Star isang Black Hole. Ang Neutron Star ay isang bitwin kung saan ang electron at proton ay nagsanib upang maging neutron. Ang electron ay may negatibog charge at ang proton naman ay maypositibong charge kaya ang mabubuo ay walang charge or neutral. Ngunit, maaari pang magpatuloy ang neutron star sa pag-collapse at maging isang black hole. Ang black hole ay isang madilim rehiyon na may napakalakas na gravity na walang anuman ang nakakaalis sa pwersang ito, maging ang liwanag. Kayang higupin ng black hole ang numang bagay na malapit dito, maging ang mga bitwin.
Ang mga bitwin ay mga pabrika ng mga elemento sapagkat dito nabubuo ang iba't-ibang uri ng elemento dahil sa nangyayaring fusion. Ang mga nabuong elementong ito ay gagamitin upang maging mga baging bagaytulad ng bitwin, planeta, o maging mga nilalang. Ang mga bitwin ay nabubuhay at namamatay upang magbigay ng pagkakataon sa iba upang mabuo.




Maagang Pagbubuntis

“MaagangPagbubuntis”

                        Maraming tao ngayon ay nababagabag na sa ating populasyon. Hindi lingid sa kaalaman nang mga may katandaan narin dito sa mundo na ang mga makabagong kabataan ay totoong napakalayo na ng ugali, kaysa noong sila ay mga bata pa. Nababagabag din ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka makasangkot ito sa maling gawain, mas lalo na ang mga anak nilang mga babae. Natatakot ang magulang na baka mabuntis o makabuntis ang kanilang anak. Bakit kaya nila naman ito naiisip? Alam ba nang mga magulang na hindi tama ang pagpapalaki nila sa kanilang anak, kaya nila ito naiisip?

                        Maraming kabataan ngayon ang nagsasabing gusto nilang malaman ang mga bagay-bagay, kaya sila nakakagawa nang mga hindi nararapat sa kanilang taong gulang. Maraming mga kabataan na lalaki ang palaging naglalasing at minsan o madalas pati narin ang mga babae. Ang katuwiran nila na “Nacucurious lang naman kasi kami, kaya nag try kami nang kunti lang”. yan ang naririnig nang mga kaibigan nila. Ang hindi nila alam ay may nangyari pala sa kanila na hindi kanais-nais. Sila’y gumawang labag sa batas nang tao at labag sa batas ng Diyos, ang magsipi silang dalawa.
                     Sa nakalap ko na impormasyon sa internet ay nagsasaad na ang maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot itong peer pressure o nag pagpapadala sa mga nakapaligid sa isang tao, hindi paggamitng contraceptives, relasyon sa magulang at iba pang kapamilya at medya (GUTTMACHER INSTITUTE, 2005). Ang SEVENTEEN MAGAZINE ay nakasaad sa isa nilang artikulo na, 76% an babae at 58% na lalaki ang nag sasabi na ang kabataang kababaihan ang nakikipag-seks, dahil sa kagustuhan ng kanilang kasintahan, ang mga lalaki, (1996). Ayon naman sa surbey na isinagawa ng KAISER FAMILY FOUNDATION, na 1 sa 3 binata na nasa edad 15 hanggang 17 ay nakikipag-seks dahil sa presyur ng mga kaibigang lalaki na makipag-seks sila. Maari din na ang maagang pagbubuntis ay dulot ng hindi at maling paggamit ng contrceptives, gaya ng “condom” at “oral contrceptives’’, dahil narin sa kakulangan sa “Sex Education” (2003). Sa isa naming surbey ay 66% na babaeng kabataan ang nagsasabing tumataas daw ang bilang ng kabataa ng nabubuntis kapag ang magulang ay walang pakialam, pabaya at hindi marunong magdisiplina ng kanilang anak(PARADE). Sa  surbey naman na isinagawa ng mananaliksik, itinanong kung paano nakakaapekto ang medya sa paglaganap ng sekswal na gawain na nagdudulot ng maagang pagbubuntis, ito ang nagging resulta: 50%- mga bold films at bold magazine, 30%- telebisyon at 20%- kanta o musika.
                Ang ibang mga kabataan na nakaranas nito ay nagsisisi at meron parin na mga matitigas ang ulo, mas malala pa sa pagiging palalo at inuulit parin nila. Ang isasabi para daw sa “exploratory” na mga bagay-bagay, kaya nila ito uulitin. Ginagawa nila ang pre-marital sex o ang extra marital sex,kahit may asawa na sila na malaking kabastusan sa batas ng Diyos. Alam naman natin na ang mag-asawa lang ang may karapatan na gumawa nang mga bagay na tulad nito,  pero ibinabaliwala lang nila.


                        Kaya, ang unang-unang nananagutan dito ay ang kani-kanilang mga magulang, mayroong kasalanan ang mga magulang kung bakit nagiging biktima ang kani-kanilang mga anak sa maagang pagbubuntis, dahil hindi tama ang pagpapalaki nila dito. Ang mga kabataan naman ay totoong mang-mang, alam nila na may masamang bunga ang masamang gawain. Habang tumatagal  ay lumalaki na lalo ang popolasyon ng tao sa mundo at ang mundo ay nagiging dilikadong lugar naito, dahil din sa kagagawan ng mga tao. Ngayon na alam na ninyo ang mga simple pero totoong makakatulong sa iyong buhay na mga dapat na iwasan at layuan. Ang mga bagay naito ay hindi lamang mga babala kundi ito ay mga gabay. Sa huli, nakasalalay parin sa mga desisyon ng mga kabataan ang mga mangyayari sa kanilang buhay.


Carlo R. Faurillo ABM A

Ang Death Penalty


Ang Death Penalty sa Pilipinas
     Sa paglaganap ng krimen at di matapos tapos na drugs, mulin nabuksan ang isyu tungkol sa pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Itong mga krimen na siyang dahilan upang bumaba ang porsyento ng mga dumarayo sa Pilipinas ng dahil sa takot at pangamba. Isa sa mabisang solusyon ang muling pagbabalik ng parusang death penalty, ngunit ano nga ba talaga ito? Makakatulong nga ba ito sa pagpuksa ng lumalaking krimen sa bansa?
     Ayon sa Republict Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa gumagawa ng mga kagimbal gimbal na krimen. Ilan sa mga halimbawa ng mga krimen na maaaring humantong sa kaparusahang kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing. Nauna na itong naipatupad taong 1521-1898 sa panahon Kastila. Ayon sa Codigo Penal ng 1848 ipinataw ang sestensyang kamatayan sa mga Pilinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Sa panahon ng Amerikano naman, ginamit ang parusang bitay sa kampanyang "pacification" ng mga Amerikano at upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga Pilipino. Sa ilalim ng pamumuno ng Pangulong Marcos ay muli naman itong ipinatupad at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan. "Detterence"ang naging opisyal na kadsahilanan sa pagpataw ng death penalty. Tinapos ang parusang sa ilalim ng Saligang Batas 1987 sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Corazon Aquino.
      Pinaniniwalaang ito ang mabisang solusyon upang mapuksa ang lumalalang krimen sa bansa. Ayon kay Bato sa isang report, kailangang maibalik ang Death Penalty na batas dahil kahit marami na ang namamatay at natutumba, nagdadala parin sila ng maraming drugs. Sa report naman ng GMA News Online, June 22, 2016, sinabi ni Duterte na ang death penalty ay hindi ipapatupad upang gawing panakot sa kriminal kundi pambayad sa mga kasalanan ng kanilang ginagawa.
     Sa isang post ng Resident Patriot sa the Pinoy site, sinabing kailangang maibalik ang death penalty sa bansa dahil sa ilang mga kadahilanan. Una ay dahil hindi natatakot sa batas ang mga kriminal at mas dumarami pa ito na siyang dahilan upang magkulang ang mga pasilidad at nababawasan ang resources ng bansa sa pag-aaruga ng mga kriminal sa kulungan. Sunod ay hindi naman lahat ng kriminal ay nagdudusa kahit hatulan at hindi humihinto sa kasamaan habang nabubuhay sila dahil lumilikha sila ng bagong kriminal. Nagagawa ring baguhin ng tiyak na kamatayan ang perspektibo ng isang tao. Ngunit sa kabilang banda, maaaring hindi magiging epektibo ang death penalty sa bansa dahil ang mga pinuno mismo ang siyang nangunguna sa paggawa ng katiwalian.
     Walang nakakaalam kung talaga nga bang magiging epektibo ang death penalty. Nasa kamay parin nating lahat ang magiging kahihinatnan nito. Dahil kung patuloy parin na maghihirap at hindi matatakot ang mga mamamayan at kung ang ating mismong pinuno ay hindi sumusunod sa batas, wala rin namang mangyayari at patuloy paring darami ang krimen at bilang ng patayan sa bansa.

Sanggunian:
https://www.wattpad.com/14695710-death-penalty-solusyong-walang-epekto
http://asianjournalusa.com/ang-death-penalty-p10509-129.htm
http://philrights.org/ang-sestensyang-kamatayan-death-penalty-sa-pilipinas/
http://newsinfo.inquirer.net/84459/bato-wants-revival-of-death-penalty-sa-pilipinas
http://www.gmanetworks.com/news/story/570978/news/ulatfilipino/duterte-death-penalty-di-panakot-sa-kriminal-kundi-pambayad-sa-kanilang-kasalanan


Isinulat ni:
Christine Jean Panuelos
FELIX DEMETRIO L. PLAZO   ABM-A

ANG MAAGANG PAGBUBUNTIS


                              Ang pagbubuntis na wala sa tamang edad o tinatawag na pagbubuntis na hindi sinasadya o hindi handa ay ang karaniwang nangyayari sa mga kabataan o ang kontrobersyal ngayon na pinag-uusapan na "teenage pregnancy". Hindi man dapat nating silang husgahan agad agad dahil siya ay may mg mabigat na problema sa buhay at naghahanap ng pagmamahal kaya nagagawa nila ang mga ganitong bagay. Sila rin ay tao, sila rin ay nasasaktan.
                              Ang"Teenage pregnancy"ay ang pagbubuntis ng isang babae na may edad na dalawampu pababa. Ayon sa United Nations Populations Fund(UNDFA). Ang mga nabubuntis na babae na may edad na labing walo ay maaaring makaranas ng iba't ibang problema. Maaaring nalalabag nito ang karapatan nila bilang isang babae. Ayon sa http://pagbubuntis.com/maaagang-pagbubuntis isang websites may hindi mabuting naidudulot ang maaagang pagbubuntis sa pamilya ng babaeng nagdadalang tao. Maaaring makaranas ng pagkabigo ang mga magulang at iba pang malapit sa kanya.
                               Ang mga babaeng maagang nagdadalang tao ay maraming may problema na kinahaharap. Kadalasan humihinto sa pag-aaral ng hayskul o kolehiyo, sila ay kadalasang hindi nagkakaroon ng sapat na edukasyon na nagreresulta naman sa kawalan ng trabaho. Ang nakakasam pa ay maraming batang ina ang hindi nakatanggap ng sustento mula sa ama ng kanyang anak na nakakdedepende na lamang sila sa kanyang magulang para mabuhay. Sa sanggol naman na ipinanganak ng isang babae maagang nabuntis ay kadalasang ipinapanganak na kulang sa timbang at sakitin mas mataas din ang kanilang posibilidad na may karoon ng komplikasyon o karanasan ang mga bata na ipinanganak ng babaeng maaagang nabuntis. Ayon din sa http://pagbubuntis.com/maagang pagbubuntis.
                              Mayroong paraan para maiwasan ang maagang pagbubuntis.Ang mga magulang ng mga kabataan ay kailangang laging nandiyan upang gumabay sa kanilang mga anak, sa mga kaibigan naman, mahalagang salik ang pagkakaroon ng matinong kaibigan. Kapag ang iyong kaibigan ay hindi nakapagbibigay ng magandang impluwensiya sa iyo mas tataas ang tsansa na malulugmok ka sa malalang problema. Bilang mabuting kaibigan payuhan mo ang iyong kaibigan na huwag magpadalos-dalos sa kaniyang desisyon. Sa Boypren o kasintahan ng babae, bilang lalake kailangan mong matutunan ang salitang respeto, kung mahal mo talaga ang babae matutunan mong maghintay hanggang sa maging mag-asawa na kayo. Sa Babae naman upang maiwasan ang maagang pagbubuntis, bilang isang babae kailaangan mong respetuhin ang iyong sarili at ipakita mo na ikaw ay karespe-respeto. Huwag magpakita ng motibo upang hindi ka madala sa kapahamakan. Huwag mong ibibigay basta basta na lamang ang nasasaiyo. Hindi basehan ang pakikipagtalik anupat nagbibigay ito ng senyales na nag inyong relasyon ay may kawalan ng respeto hayaan mong maghintay ang lalake at makikita ang halaga dahil matibay ang inyong determinasyon ukol sa bagay na ito. Ayon pa rin sa http:// pagbubuntis.com/maagang pagbubuntis.
                             Sa mga kabataan na maagng nabuntis huwag kayong mawawalan ng pag asa. Hindi dahil sa nabuntis kayo iyon na ang katapusan ng iyong buhay, magsumikap ka. Gawin mong inspirasyon ang iyong karanasan upang mapagtagumpayan mo ang nais mong makamit sa buhay at ang Diyos na ang magpupuno sa iyong pagkukulang.

Jessa O. Pamada

Kawalan ng Katarungan
Ni; Jessa O. Pamada
Gaano man ang kapangyarihan, kayamanan o impluwensya ng isang tao, sya tao lamang at hindi nya malulunasan ang kanyang kawalang katarungan at ang bawat pangako na kahit sino man ay dapat mabigyan ng katarungan ay napapako lamang. Ang totoo, kahit ang taong makapangyarihan ay dumaranas din ng kawalang katarungan, tumanda at mamatay.
                Ayon kay Ferdinand “bongbong” Marcos Jr. nabitin lamang ang pangakong tulong para sa pamilya ng SAF (Special Action Force) 44 at kawalan ng hustisya para sa mga nasawi ay sapat na dahilan para sa muling pag bubukas ng imbistigasyon sa senado noong January 25, 2015 Mamasapano Massacre. Halus isang taon na mahigit an gang nakaraan matapos ang insidente pero hanggang ngayona ay patuloy tayong nakaririnig ng daing mula sa pamilya ng mga nsawing SAF44 na wala silang natatnggap na tulongsa kabila ng pangako sa kanila ng gobyerno.
Tinukoy nya din ang ulat ng dalawang byuda ng SAF44, sina Vergie Viernes at Merlyn Gamutan, na prehong nag sabing wala pa silang natatanggap na ipinapangkong ayuda ng gobyerno. Sabi pa ni Marcus taliwas ang ga sinabi ng mga biyuda sa pinalabas na pahayag ng PNP (Philippine National Police) noong nakaraang hulyo na umanuy nakapagbigay na sila ng aabot sa 80 million pesos bilang tulong sa pamilya ng SAF44 maliban pa sa mga scholarship pra sa mga anak ng mga nasawing pulis. Pero ang talagang hinihiling ng pamilya na mula sa gobyerno ay katarungan mula sa gobyerno para sa mahal nila sa buhay. Ang masaklap hanggang nagyon ay wla ni isang kasong naisampa sa korte para usigen ang mga respoonsabli dito, ayon  pa it okay Macus.
                Marapat lamang na mabigyan natin ng lnaw ang isyung ito para sa pamilya ng SAF44 at may pagkakaton tayong gawin ito sa mnling pag bubukas ng imbestigasyon ng senado. Simula ng mangyari ang insidente patuloy nag panawagan ni Marcus na bilisan ng Department of Justice ang imbestigasyon nila para maisampa sa korte ng karampatang kasoat masimulan ang proseso ng pag bibigay ng sending imbetigasyon sa Masasapno Massacre ayon sa motion ni minority leader, Sen. Juan Ponce Enrile, na humuling nito noon pang Oktobre dahil umano sa mga bagong ebidensyang natuklasan nya.
Sa mga tong hanggang ngayon na hindi pa nabibigyan ng hustisya hindi dapat kayo mawalan ng pag-asa, maging matatag para harapin ang kahit na anumang pagsubok na mararanasan at sabi pa sa Jeremiah 10:23 “ hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kanyang   hakbang kung tatanggapin natin ang mga salitang iyan hindi tayo panghihinaan ng loob kapag nabibigo ang mga pagsisikap ng tao.
Nakalap ang mga inpormasyon sa:






Laforteza, Jay Bryan G.

Ang tunay na Pilipino
Ni; Laforteza, Jay Bryan G.
Pag titiwala sa panginoon, pagiging magalang, pag tutulungan at mabuting pamilya; ilan lamang yan sa mga katangian ng mga Pilipino. Maraming mga tao ang nag sasabing sila ay Pilipino, nginit may mga nag sasabing ikaw ay matatawag na isang tunay Pilipino  kung tina-taglay mo ang  mga katangiang dapat ay nasa mamamayan ng bansa nito. Ang mga Pilipino ay kinikilalang isa sa mga masipag at matyaga. Ang salitang masipag at matyaga ay ang nag sasabing kung ang isang  tao tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas . Yan ang ating pag kakakilanlan. Ang mga mga Pilipino ay minsan ding tinawag na indio na ang ibig sabihin ay mangmang at walang alam. Ang mga pinoy nga naman ay sadyang sikat sa maraming tawag, mapa negatibo man o positibo.
Ayon sa librong bayanihan 2 ni Priscilla B. Dizon, maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki, isa na doon ang pag titiwala natin sa Panginoon. Para sa mg Pilipino ang pag titiwala sa Diyos ay ang pinaka mahalaga’t pinaka magandang katangian na dapat ipag malaki. Tayo ay naniniwalang ang panginooon ang tumutulong at gumagabay sa lahat ng ating mga ginagawa at gagawin. Pinapatnubayan nya ang kanyang mga anak na niniwla sa kanya. At yan ang nag papalaks ng loob nila. Nag kakaisa ang mga Pilipino sa pag samba at pag bigay galang sa poong may kapal.
Ang pag mano o pag halik sa kamay ng matatanda ay halimbawa lamang ng pag galang, ngunit dahil dyan ay nakikilala ang mga Pilipino, dahil tayo lamang ang nag mamano  sa mga nakakatanda. Walang ibang lahi ang gumagawa nito. Ang pag mano o pag halik sa kamay ng matatanda ay kadalasang ginagawa matapos mag dasal ng orasyon, pag kagaling sa simbahan bago umalis at pagdating sa bahay,  pag may dumating o may bumisitang kamag anak o kapag nakita o nakaslubong ang ninong at ninang. Tunay ngang ang mga Pilipino ay lahi ng mga magagalang.
Pagiging matulongin ng mga Pilipino ay isang kaugaliang nakakabagbag ng damdamin, bukal sa ating kalooban ang tumalong sa mga matatanda at mga nag hihirap. Likas sa kalooban ng mga kabataanng pinoy na tulungan ang sino mang nahihirapan tulad na lamang kapag may nakitang matandang tatawid o may bitbit na mabigat na dalahin, bukal sa ating loob na tulongan sila. Isang halimbawa nito noong hindi pa kongkreto ang mag bahay, tuwing may masisiran at kailangang buhatin ang buong mag kakabarangay ay nag tutulong tulong sa pag buhat nito.  Masasalamin ang pagiging matulongin ng Pilipino sa loob ng bahay o sa isang pamilya, ang mga mag anak ay nag tutulong-tulong sa mga gawaing bahay. Nag tutulongan din ang mag kakapit bahay sa ika uunlad ng kanilang pamayanan.  Iyan ay likas at maipag mamalaking katangian ng mga tunay na Pilipino.
Ang mga Pilipino ay kilala sa mga magagandang ugali, maraming Pilipino ang nakikilala sa ibangbayan dahil  sa angking kagandahan ng kanilang katangian. Ang mga ito ay sadyang maipagmamalaki ng mga Pilipino. Kilala rin tayo sa pagiging malikhain at matyaga sa pag-gawa. Ang pagiging Pilipino ay hindi dapat ikahiya bagkus ipag malaki mo ito, ikaw ma’y taawaging indio.




Myla P. Moreno "Bisyo ng Kabataan ,Paano Mapipigilan?"

Bisyo ng Kabataan ,Paano Mapipigilan?

 
          Sa panahon ngayon,karamihan sa mga kabataan ay nahuhumaling sa iba't-ibang bisyo na siyang nagiging dahilan ng paunti-unti nilang pagbabago.Ilan sa mga bisyong ito ay ang paninigarilyo,pag-inom ng alak,pagsusugal at mas masaklap ay ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.Bakit nga ba nahuhumaling ang mga kabataan sa bisyong ito?Di ba nila inisip kung ano ang maaaring maidulot ng mga ito hindi lang sa kanilang sarili pati na rin sa kanilang kalusugan?Sino na lamang ang makakapag pigil sa kanila?
          Bilang isang estudyante at isang kabataan,nagtataka ako kung bakit ilan sa mga kapwa ko kabataan ay nahuhumaling sa mga bisyong makakasira sa kanila. Marahil sa problemang kanilang dinadala o kaya naman impluwensiya lang ng mga kaibigan nila.Gayunpaman kailangan din namang isipin nila at isaalang-alang kung ano ang kanilang kahihinatnan dahilan ng kanilang kahumalingan sa bawat bisyo.Halimbawa na lamang ang paninigarilyo.Ayon kay Roel Calma,mula sa survey,ang paninigarilyo ay ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan ngayon ng maraming kabataan.Halos kalahating porsyento sa bilang ng ating mga kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranasan nang manigarilyo.Dito sa ating bansa,ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon.Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.Isang tao kada 13 segundo,o isang milyong katao taun-taon ang namamatay dahil sa paninigarilyo.Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso,baga,kanser,diabetes,osteoporosis at marami pang iba.Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.
              
          Alam kong karamihan sa mga kabataan ngayon ay alam kung ano ang maaaring maidulot sa kanila ng masasamang bisyo.Bukod sa kahumalingan sa mga ito maaari ring maging dahilan ang kawalan ng suporta mula sa kanilang pamilya.Gaya na lamang nang gabay mula sa mga magulang na siyang pangunahing kailangan ng mga anak mula sa kanila,maaaring nawalan ng atensyon ang mga magulang kaya naman hindi na nila napapansin kung ano ang mga pinag-gagagawa ng kanilang anak,kaya't ang mga anak naman ay malayang nagagawa ang mga bagay na ito.Isa ring dahilan ang pagsama sa mga barkada o tinuturing na kaibigan.Naiimpluwensyahan ang bawat isa sa kanila lalo na't hinahayaan lang naman nila na impluwensyahan sila,kasabay na nito ang paglagay nila sa kanilang sarili maging sa kanilang buhay sa kapahamakan.Gayunpaman kailangan ng mga kabataan natin ngayon ng tamang gabay hindi lang mula sa kanilang pamilya pati na rin sa kanilang lipunan.
         Ang mga gabay na ito ay isa sa maaaring maging dahilan mg mga kabataan sa pagtigil nila sa masasamang bisyo.Ngunit sarili parin nila ang tanging makakatulong sa pag-iwas at pagtigil sa pagkahumaling rito Dahil sarili lang natin ang nakakakontrol at makakakontrol sa mga bagay na nagagawa at magagawa natin.Sabihin man nating matututo tayong umiwas sa mga bagay na maghahatid satin sa kapahamakan,isa-isip parin natin na lahat ng bagay ay may hangganan,hangganan kung saan maaari tayong maging masaya kung ito ay maaga nating naagapan o nasolusyunan ,maging malungkot kung ito ay di man lang natin nagawang solusyunan at iwasan.Sa madaling sabi sarili lang natin ang mismong makakatulong satin sa pag papaunlad ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili natin.
         Sa kabila ng lahat ng ito,nais kong ang bawat isa sa atin ay maging mabuting huwaran,maging maalam sa mga paksang may kaugnayan sa iba't-ibang bisyo kabilang narin sa mga epekto nito,maging tapat,maging bukas ang kalooban sa bawat isa nang sa gayon ay hindi tayo mahihirapan sa pagtitiwala sa kahit sino man,pagtibayin rin natin ang ating relasyon sa ating pamilya na syang handang gumabay at sumuporta saatin sa anumang bagay na tatahakin natin.Huwag tayong mag padala sa tukso na nagbibigay ng masasamang epekto sa ating buhay.Huwag nating hintayin na humantong sa pinakamalalang kondisyon at masira ang ating buhay at mauwi sa kapahamakan.Huwag tayong matakot,ipakita natin sa ating henerasyon na nagsisilbing "Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan." Sa ating pag babago at kung ano man ang ating tatahakin sa ating buhay,huwag tayong mawalan ng pag-asa.Isa-isip natin na "Habang may Buhay may Pag-asa."

Mula sa:http://roelcama.blogspot.com/?m=1
Ipinaskil noong 15:37am,Martes,Mayo 20,2014

 Myla P. Moreno ABM A
Mark Irvin E. Dongon ABM-A

“Kalamidad at sakuna, Saan Nagmula”

            Sa panahon ngayon, kataka-taka na at hindi na pang karaniwan ang mga kalamidad at sakuna na dumarating sa mundo natin. Halos araw-araw ay lumilindol sa iba`t-ibang panig ng mundo. Idagdag pa ang mga malalakas na uri ng bagyo.
            Kung matatandaan natin noong nanalasa ang Bagyong Sendong. Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na kalamidad na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo. Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao. Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipino ang ilang katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka ang lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?
            Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo: nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha. Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang nakalipas, dumating ang mas malupit na delubyong hatid ng Bagyong Sendong. Dinulot ng iligal na pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang pagkasira ng kalikasan at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng mga ilog. Nakaharang din siguro sa natural na daloy ng tubig ang ilang istrakturang gawa ng tao.
            Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat ang pamahalaang Aquino, dahil hinayaan nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang malalaking kompanya sa ating bansa: Pinahihintulutan ng gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at ng kapatid nitong gahamang dayuhan. Pinahihintulutan ng gobyerno na gahasain ng magkapatid ang ating likas na yaman kapalit ng konting kita at pamumuhunan ng mga ito. Laganap din ang kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya, jatropha, saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang grupo na Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa National Institute of Geological Sciences, ang CdO ay lalong nagiging bulnerable sa baha dahil sa kumbersyon ng 2,000 ektarya ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed upang gawing taniman ng pinya ng Del Monte Philippines—isa sa pinakamamaking exporter ng pinya sa buong mundo.
            Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na banggitin ang isang geo-hazard na pag-aaral na ginawa ng Unibersidad ng PIlipinas, kung saan tinukoy ang mga kakulangan ng gobyerno sa nangyaring trahedya. Ayon sa isang pahayag ni  Phillip Romualdez, Pangulo ng CMP. “Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau na walang nagaganap na malakihang operasyon ng pagmimina sa Cagayan de Oro at Iligan…,”

Hindi man ito ang panahon para sa magsisihan, dapat matukoy ang mga pananagutan. Sa ibang bansa, gaya ng bansang Hapon, naging bukal sa loob ng mga opisyales na pasanin ang responsibilidad at magbitiw sa tungkulin. Sa kasamaang palad, wala tayong ganoong tradisyon. Pinapaubaya ko na sa mga itinalaga ng Pangulo upang mag-imbestiga sa nangyari, bagamat mas obhektibo sana kung isang hiwalay na komisyon ang gumagawa ng imbestigasyon. Gayunpaman, anuman ang kanilang mahanap, hinihiling ko na magsampa sila agad ng kaukulang kasong kriminal, sibil at administratibo sa mga opisyales na nagpabaya. Nais kong makitang maisuplong ang mga opisyales na nagbigay pahintulot sa mga aktibidad kaya't lalong lumala ang naging pinsala, o di kaya ‘yung mga taong may impormasyon at kapangyarihan upang maiwasan ang sakuna (subalit pinili na pabayaan ito).






Global Warming!

             Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya naman kasali ka sa mga taong may pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan? Mundo’ng sa ngayo’y namimiligro dahil sa kagagawan nating mga tao. Malamang isa ka sa mga nakakaramdam ng mga pagbabago dito sa mundo, mga pagbabagong tila’y hahamakin ang katatagan mo. Mga pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na tila’y walang katapusang papatak dito sa mundo. Ilan lamang yan sa mga sinyales ng Pagbabago ng Panahon o mas tinatawag na Global warming. Anu nga ba ito? Bakit kailangan nating tuonan ng pansin ang phenomena na ito? Anu ba ang mga epekto nito sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay dapat lamang na magkaroon ng ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos para masulosyonan ang suliraning ito.
Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga paguulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay nakatuon sa panahon hanggang taon 2100 na ang pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may mahabang buhay sa himpapawid.          
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob” gayundin sa tugon sa pabago bagong  panglabas ma puwersang gawa at di-gawang tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng bulkan at ng greenhouse gases. Tanggap ng klimatologo o mga nagaaral sa klima na tumaas ang temperatura ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan kasama ang pwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases  dahil sa enersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto- ito’y ayon sa Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change noong Hunyo 2005.
Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa tinatawag na Global Warming sapagkat narito rin sa atin ang mga aspetong nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng mundo –mga sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga pabrikang nagsisi- pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng Carbon Dioxide sa atmospere at mga aktibong Bulkan o mga likas na sanhi ng Climate change. Ang pag pabaya sa kalikasan ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating kinalalagyan.     
Ang Global Warming ay nagpapabahala sa ating buhay sapagkat ito ay pwedeng magdulot ng kapahamakan, mga mas kakaibang mga pangyayari dito sa mundo, kagaya na lamang ng mga malalakas na bagyo at pag init ng matagal na araw. Masusugpo natin ang bagay na ito kapag tayo ay nagkaisa, kapag magtutulong tulong ang lahat ng mga bansa upang paunti unting mabawasan ang mga piligrong ating nararanasan. Masusulosyanan lang ito kapag mismong tayong mga tao ang gumawa ng paraan para ang problema ay ating mawakasan.

          https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig
-Joshua P. Alarcon

                   
Zika Virus: Dapat Iwasan!

               Kabi-kabila ang balita tungkol sa Zika virus. Maraming Pilipino ang nangangamba sa paglaganap ng Zika sa Pilipinas, lalo na't may nagpositibo na sa bansa na mayroong kaso ng Zika.

               Ideneklara ng World Health Organization(WHO), na isang Public Health Emergency of International Concern ang Zika virus, na ngayon ay kalat na sa 29 na bansa. Ayon sa mga ulat, ang Zika virus ay unang natuklasan sa mga matsing sa bansang Uganda noong 1947 (Amy Vittor January 26,2016). Ayon sa Communicable Disease Center ng Estados Unidos, ang Zika ay matatagpuan sa South America subalit, may naitala na kaso ang Zika virus na nagmula sa biyahe galing sa bansang French Polynesia. Posibleng nasagip nilang strain ay Asian Lineage na Zika virus. Lumitaw ang Zika virus sa bansang Brazil noong nakaraang taon at mula noon ay kumalat na sa maraming bansa sa Latin America at sa Carribean. Meron na rin umanong kaso ng Zika virus sa Southeast Asia (Loraline R. March 22,2016).

              Ang Zika ay isang sakit dulot ng Zika virus. Isang virus na hatid ng isang uri ng babaeng lamok na Aedes aegypti. Ang Zika virus ay nakukuha sa kagat ng lamok at maaring mahawa ng isang buntis ang kanyang dinadala. Karaniwang sintomas ng Zika ay parang trangkaso, makakaranas ng lagnat, pantal o rashes, pananakit ng kasu-kasuan at pamumula ng mata na parang sore eyes. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang tumatagal ng ilang araw hanggang isang linggo mula sa pagkakagat ng lamok. Ito'y sinusuri sa pamamagitan ng dugo, ihi, o laway kung positibo sa Zika virus (http://kalusugan.ph/).

            Lumilitaw sa mga bagong pagsusuri na kapag nakarating ang virus sa utak na bago pa lang nabubuo ay maaring mainfect at mapinsala ang mga selula na mahalaga sa pagpapalaki ng utak, Ayon kay Hengli Tang. Ito'y kinakabahala ng awtoridad sapagkat ang Zika ay  nagdudulot ng mga komplikasyon sa pagbubuntis gaya ng microcephaly o pagiging maliit ng ulo ng sanggol. Maari din makahawa ang Zika sa pamamagitan ng pakikipagtalik (Ramon M. Bernardo March 21,2016).

          Walang gamot sa Zika virus, kaya't kailangan mag doble ingat lalo na ang mga buntis dahil may masamang idudulot ito sa kanyang dinadala. Gawin lahat ng paraan para hindi makagat ng lamok. Ang tanging paraan upang malabanan ang Zika sa bansa at iba pang sakit dala ng lamok ay puksain ang mga ito. Kaya't kailangan natin maging malinis sa paligid. Mahalagang mayroon tayong kamalayan sa nangyayari sa ating paligid upang maiwasan at malabanan ang iba't ibang uri ng sakit. 
               
Isinulat ni:
Honey Grace C. Moreno