Biyernes, Nobyembre 25, 2016

Vigan,Ang Makasaysayang Lugar

Tunay ngang napaka yaman ng bansang Pilipinas dahil hindi lamang likas na yaman ang ipinagmamalaki nito  kundi pati narin ang iba’t-ibang lugar dito.Napaka dami nating mga lugar na madalas puntahan ngunit sa lahat ng ito mayroong nakakaagaw ng pansin o interes natin.Sa bawat lugar na ito iba-iba ang nakaksalamuha natin,may iba-iba rin silang tradisyon at kultura.Maaaring maakit tayo sa mga magaganda nitong kapaligiran at magagandang estruktura ng guali sa lugar, lalong-lalo na ang mga makasaysayan.Ang mga lugar na io ay natatangi sapagkat mayroon ang mga lugar na ito na hindi matatagpuan sa iba.May iba’t-ibang dahilan ang tao  kung bakit sila pumupunta sa isang lugar ,ang mangalap ng impormasyon , makapag libang , at  makatuklas ng mga bagong karanasan.
Ang lungsod ng Viganay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur.Ito ay kilala dahil sa makasaysayang mga bahay at guali na anggang ngayon ay buhay na buhay parin.Ito ay tinaguriang ‘World Heritage City’ ayon sa UNESCO World Heritage Sites.Ayon sa kasaysayan,ang lungsod ng Vigan ay naging kilala bilang pook-pangkalakalan ngating mga katutubo at mga dayuhang Intsik bago pa man dumating ang mga Kastila.Dito sila nagpalitan ng mga produkto.Ang mga gusaling itinayo dito ay may impluwensiyang Asyano,Europeo at Latino Amerikano.Isa sa mga kilalang lugar at madalas puntahan ay ang Calle Crisologo na humigit kumulang ay may 150 na bahay na bato.Ang bahay na bato ay matitibay kaya nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas tuumama sa rehiyon.Sa kasalukuyan ay maayos parin ang kalagayan ng mga gusali dahil sa pag-iingat ng mga mamayan nito kaya aang iba rito ay ginawang tindahan , kainan, museo at iba pa.Mas popular sa mga dayuhan ang pasg sakay ng kalesa habang naglilibot sa lugar.Ang Museo Crisologo ng Vigan ay nag-iingat ng mga orihinal na kagamitan mula sa mgadating bahay.Ang St.Paul Metropolitan Cathedral  ay ipinatayo noong 1790-1800 ng mga Agostino at may estilong Baroque dahil sa pagtama ng lindol ditto noon na sa hanggang ngayon ay napapanatili parin ang kabuuan nito.Ang pinakaulo ng Cathedral ay hugis octagon ajt matatagpuan sampung metro mula sa timog nito.Ito rin ay may tatlong nabe at labin-dalawang altar na nakakadagdag sa kagandahan nito.At ang Museo Nueva Segovia na naa loob ng palasyo ng Arsobispo ay may koleksiyon ng mga mamahaling antigong kgamitang pansimbahan at relikya mula sa rehiyon ng Ilocos.(viganilocossur.blogspot.com).
            Karaniwang ipinagdiriwang  ang pista ng lungsod  sa araw ng Enero hanggang sa Enero 25 bilang paggunita ng simbahan sa Conversion of St.Paul the Apostle.Iba-iba ang itinatampok bilang  pakikiisa sa ppagdiriwang kagaya ng parada , sayawan sa kalye , pagpapalabas sa kulturang Vigan  at hindi mawawala ang pinakatampok ng pagdiriwang ang Longganisa Festival.

            Ang iba pang attraction dito ay ang paglulunsad nito ng mga cultural activities tulad ng Zarzuela ,mga makalumang sayaw sa lansangan o kalye,repaso parade ukol sa kasaysayan ng siyudad,pagtutula ng mga matatanda at iba pang aktibidad.Kilala ang longganisang Vigan sa lugar ,kaya tuwing buwan ng Enero ay ipinag diriwang nila ang Longganisa Festival .Napaka daming produkto ang Vigan kabilang na ang bibingka at Abel Iluko.Isa ang Vigan Heritage Mansion bilang kumportableng lugar para kainan ng kanilang bagnet , dinengdeng,longganisa at pinakbet.
Ang mga atraksiyon sa Vigan na nabanggit ay magbibigay ng impormasyon sa mga taong  hindi pa nararatin ang lugar.Ayon sa anak ni Mayor Eva Marie Singson-Medina ‘Ang Heritage Village na mayaman sa kultura at historia  ang ipinagmamalaki ng mga Ilokano na main attraction ng mga turista.’ Nakakahanga ang makulay na kasaysayan ng lugar hindi lang dahil sa kagandahan nito kundi narin dahil sa kaaysayan ng bawat anggulo nito.Sa pagpasyal sa lugar na ito ay para ka na rin nasa panahon ng pananakop ng mga Kastila.Nawa’y mapanatili pa ang kaayusan , kalumaan, at kagandahan nitonang sa gayon ang  mga susunod pang henerasyon ay masilayan kung ano ang meron ito ngayon.

Mga Sanggunian
  
Isinulat ni: 
Dianne A. Agnas

            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento