Huwebes, Nobyembre 24, 2016


Katarungan

           Ang pamahalaan ang isa sa institusyong nagbibigay ng pampublikong serbisyong legal sa mamamayan para sa ikagagaan ng kanilang buhay. Binubuo ito ng iba’t ibang sangay na may kanya-kanyang tungkuling gingampanan. Sa mahigit apat na buwan ng panunungkulan ng bagong administrasyon maraming pagbabago ang naganap simula sa transaksyon ng pamahalaan, sa uri ng pamumuno, isyu patungol sa pinag-aagawang territoryo, mga bagong appointed officials isama na rito ang mga opisyal ng pamahalaang nadadawit sa anumang uri ng katiwalian. Ngunit ang pinakabago sa lahat at alam ng karamihan na pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan  ay ang usapin sa droga. At halos lahat ng mamamayan ay hati ang opinion patungkol rito.
Ang pamahalaan higit sa lahat ang inaasahan na susunod at magpapaigting ng pagbibigay ng tapat at malinis na hustisya na walang kinikilingang lahi, antas sa buhay, kulay, o maging relihiyon man. Lahat pantay-pantay sa mata ng batas. Subalit sa nakalipas na apat na buwan ng maigting na pagpapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng masisinang operasyon ng pamhalaan laban sa droga, mahigit sa libo na ang bilang ng namamatay na may koneksyon sa usaping ito. Na halos yan nalang ang laman ang paulit-ulit na ibinabalita sa ABS-CBN, GMA, TV5 at iba pang nagbabalita. Ngunit karamihan ng napatay ay sinasabing nanlaban, ang iba ay  namatay sa operasyon, and iba naman ay napagkamalan lang. Sa madaling sabi ang karamihan ay walang malinaw na paliwanag at lahat ay naghahangad ng katarunagn lalong-lalo na ang kanilang pamilya.
Ayon sa balita ng ABS-CBN katulad ng bansang Columbia and Pilipinas sa kasalukuyan ay labis na lamang ang pagpapaigting ng kanilang operasyon para sugpuin ang talamak na bintahan at paggamit ng droga sa kanilang bansa. Ayon sa pahayag ng bansang Columbia kahit labis ang pagpapaigting ng kanilang adhikaing wakasan ang problema sa droga ay bigo pa rin sila sapagkat ang isyung ito ay hindi lamang kinakasangkutan ng kanilang bansa subalit ng lahat, na hindi lamang ang kanilang mamamayan o bansa ang kasangkot bagkus ang kalapit at ibang bansa ay kasali rin. Kung kayat hindi nila masugpo ang mga taong gumagamit at nagbibinta ng ipinagbabawal na gamot. Subalit magkagayon man ang ating pamahalaan ay masugid pa ring iniisa-isa at pinagtutuunan ang problemang ito maging anuman ang paraan.
Sa mga nangyayaring sunod-sunod na patayan patungkol sa usaping ito hindi maalis sa publiko ang pagdududa sa pamahalaan ngunit hindi lang sibilyan ang kasangkot at namamatay isama na rito ang awtoridad. Subalit ang mas mahirap ay hindi lamang ang mamamayan ang kasangkot sa mga ganitong operasyon sapagkat maging mga opisyal ng pamahalaan ay naidadawit. Kung kaya’t at mga mamamayan ay labis na lamang ang kanilang panglulumo sa mabagal na usad ng hustisya sa ating bansa. At sa huli ang laging dihado sa laban ay ang mga taong nasa ibaba o nasa laylayan ika nga kung tawagin ni V-President Leni Robredo.
Hindi maiaalis ng pamahalaan na hindi lamang sila ang kasali sa usaping ito o maging ang mga taong gumagamit at nagbibinta ng mga ipinagbabawal na droga bagkus lahat tayo ay kasangkot at lahat ay apektado sa usaping ito. Hindi madali ang pagsugpo sa sakit lalo na kung nasa malala na itong kaso subalit kung kaya rin naman itong iwasan ay bakit hindi. Ang pamahalaan higit kanino man ay dapat huwaran ng mamayan, ito ang institusyong inaasahang magbubungkal ng tiwala ng taong bayan. Subalit papaano pa ba makasisiguro ang mamamayan kung ang pamahalaan na mismo ang gumagawa ng mga hakbanging ikakatakot at ikawawala ng tiwala ng taong bayan.

 Mga Sanggunian: News abs-cbn.com
                    Tvpatrolnewstv.com


                               Isinulat ni: CAtherine S. Portacio ABM-A





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento