Sabado, Nobyembre 26, 2016

                  Baguio City: Tinaguriang summer Capital ng Pilipinas.

                  Ang baguio city ay kilala sa buong mundo. Ito ang tinaguriang summer capital ng Pilipinas noong Hunyo 1,1903. Maraming mga turista ang bumabalik-balik dito sa kadahilanang mayroon itong espesyal na katangian na hindi nila matatagpuan sa ibang lugar. Kilala rin ito dahil sa pagkakaroon ng malamig na klima na siyang dahilan kung bakit ito dinarayo. Ayin sa aking nasaliksik na impormasyon bukod sa malamig na simoy ng hangin isa pa sa nakakadagdag atraksyon sa lugar ay ang maganda nitong kapaligiran at mga pasyalan na patok para sa pamilya, magbabarkada at iba pa na nais maglibang. 

                     Ang lungsod ng baguio ay matayagpuan sa bulubundukin ng cordillera Central sa hilagang Luzon. Ito ay napapaligiran ng probinsya ng benguet. Ayon sa website na http//itsmorefuninbaguio.blogspot.com/, ang lungsod ay may sukat na kabuuang 57.5 kilometro kwadrado, ang temperatura sa lungsod ay mas mababa kumpara sa pansin ang lungsod noong panahon ng pamamahala ng mga kastila, pero sa paglipas ng panahon hindi napigilan ang pag-usbong ng lungsod at unti-unti itong nakilala at naging sentro ng turismo.
                      Kasabay ng pag usbong ng lungsod ay unti-unti ring lumitaw at nakilala ang mga magagandang tanawin dito. Isa na diyan ang kennon Road na naging daan para mapadali ang paglalakbay patungo sa lungsod. Isa sa mga palatandaan na makikita sa kahabaan ng kennon's Road ay ang Lion's Head na ipinagawa ng mga kasapi ng Lion's club. Ito ang unang nakakaagaw pansin ng mga turistang papuntang baguio. Kung pasyalan lang din naman ang pag-uusapan, mayaman ang baguio diyan. Isa na rito ang Burnham Park na paboritong pasyalan ng mga turista, bukod kasi sa magandang tanawin marami pa ditong pwedeng ibang gawin tulad ng pag upa ng bangka, pagkain sa mesang bato, mag jogging, maglaro ng football at iba pa. Ang Burnham park ay isinunod sa pangalan ng isang American architect and urban planner na si daniel Hudson Burnham. Botanikal garden o igorot village naman ang matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod ng Baguio, dito natin makikita ang mga replika ng mga tirahan ng mga katutubong igorot at bukod diyan maraming magagandang halaman ang nakatanim dito. Ayon sa aking nasaliksik na impormasyon hindi raw kumpleto ang pamamasyal ng mga turista sa baguio kung hindi sila pupunta sa La trinidad para makita ang strawberry fields. Ayon kay Dwight Daodao, municipal tourism officer ng Capital town ng benguet, ang higit na kinagigiliwan ng mga turista ay ang strawberry picking. Ayon din sa, kaniya nagsimula ang produksyon ng strawberry noong taong 1900 sinimulan ito ng mga Amerikano. Napakarami pang pasyalan ang pwedeng puntahan sa Baguio tulad ng Wright Park, Mines view Park, The Mansion at iba pa.

                 Sa kabila ng maraming pagbabago sa lungsod masasalamin parin ang kanilang kultura. Ayon sa website na http://327471306470665032.weebly.com/home/baguioang-ipinagmamalaking-kulturang-lungsod ang pista ng panagbenga o ang Baguio flower Festival na ipinagdiriwang tuwing buwan ng pebrero. Dito masasalamain ang kasaganaan ng mga bulaklak sa baguio gayundin ang mayamang kultura nila kung kayat maraming turista ang dumarayo rito upang makidalo sa pagdiriwang. Ang salitang panagbenga ay nangangahulugang "panahon ng pagyabong, panahon ng pamumulaklak". Sa panahon ng kapistahan maraming mga pagsasaya ang nagaganap tulad ng parade of floats and bands, street dancing competitions, landscapes competitions at marami pang iba.

                 Sa pag-usbong ng isang lugar inaasahan natin na maraming mababago. Pagbabago sa kapaligiran, kabuhayan at iba pa, subalit panatilihin natin na huwag mabago o mawala ang ating kultura o tradisyon dahil ito ang nagsisilbing kaluluwa sa isang lugar. Pagyamanin natin ito at huwag kalimutan.   
     
                                                                               Isinulat ni: Lanivie Seprioto

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento