Sabado, Nobyembre 26, 2016

Rosemarie cayanan--Kagandahan ng Gensan

                                           Kagandahan ng Gensan
                                 
                                     Isinulat ni: Rosemarie Cayanan
       
        Pagsanjan Falls,boracay island,Chocolate hills,mBanue Rice terraces, Mt. Mayon, Rizal park at caramoan island, yan at iilan lamang sa mga magagandang tanawin mayaman ang aging bansa kundi pati na rin sa mga produkto na inilalabas mula sa ating bansa. Sadyang masayahin at mapagbigay din ang mga Pilipino na kung saan makikita din ang kanilang pagmamahal sa kanilang kultura. Iba-iba man ang kinagisnang kultura't tradisyon ng mga mamamayan sa bawat lalawigan sa pilipinas pare-pareho naman itong mababait lalong lalo na sa mga turistang bumibisita sa kani-kanilang lugar na tulad na lamang ng mga naninirahan sa gensan na sadyang mababait.
       Ayon sa wikipedia kilala bilang Tuna capital of the Philippines at matatagpuan sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang lungsod General Santos o Lungsod Heneral Santos, Na isa sa lungsod ng lalawigan ng Timog Cotabato. Ayon sa senso noong 2015, ito ay may populasyon na 594,446 kaya ito ay ika-15 sa malalaking populasyon sa ating bansa. Nagmula din ang ang Pilipinong boksingerong si Manny Pacquiao sa Brgy. Labangal na kung saan isa ito sa mga dahilan kaya kilala ang lungsod ng Gensan di lamang sa dito sa ating bansa kundi pati narin sa ibang bansa at tinagurian ding home of the Champions ang Gensan.
       Ang isa naman sa pangunahing produkto ng General Santos City ay ang pangingisda ng isdang tuna, ito ay isa sa kilalang pinagkukunan ng kabuhayan sa Gensan kaya tinagurian itong Tuna Capital of the Philippines. Sagana sa yamang dagat ang General Santos City kaya naman malaki ang mga tuna ditong makukuha na inilalabas at ginagawang negosyo't produkto tulad sa mga hotel at restaurant dito sa lugar ng General Santos. Bilang pagbibigay pugay sa kahalagahan ng industriya ng tuna sa kanilang lugar, ay ipinagdiriwang nila ang Tuna Festival tuwing buwan ng Setyembre. Sa pamamagitan ng iba't ibang mga gawain at aktibidades ay naipakita ang pangunahing pinagmumulan ng pinagkakakitaan mula sa tuna ng mga residente ng naturang lugar at ang ilan sa mga mangingisda ng Gensan ay umaawit ng kanilang theme song na siyang nagbibigay ng katatagan sa mga mamamayan. Ipinagdiriwang din nila ang kalilangan Festival tuwing ika-23 ng Pebrero at ang mga naninirahan sa lugar na ito ay tinatawag na Generals.
         Ayon naman sa Trip Advisor Philippines ay mas magandang gawin at puntahan ang General Santos City Fish Pork Complex na kung saan ito ay isang malinis na "Wet Market", Plaza Heneral Santos na makikita ang isang kahoy ng dadingas (Turkey Berry),SM City General Santos,KCC Mall na tinaguriang "Big Cheap Mall", Queen Tuna Park, Saanggani Island na maganda't mainam na pasyalan, T'boli Settlement, Balut Island, Christ The King Cathedral, Sanchez peak, Gift & Specialty Shops, Kalaja Cave, Bunga Spring, Abeking Waterfalls, lesson & Workshops at marai pang iba na maaari mong puntahan dito sa Gensan.
         Malinis at maganda, yan ang General Santos na nagmula pa sa pangalan ni Heneral Paulino Santos(na dating dadiangas) bilang papugay sa kanya. Iba-iba man ang kinagisnan nating lugar, maging Pilipino ka man o taga ibang bansa, Generals ka man o hindi, tiyak na magagandahan ka sa kamangha manghang taglay ng Gensan at siguradong mapapa-"wow!!Gensan" ka talaga.


Sanggunian:
wikipedia,https//en.wikipedia.org/wiki/General_Santos at Trip Advisor Philippines
 https//www.tripadvisor.com.ph/attractions-g317125-activities-General_Santos_South_Cotabato_Province_Mindanao.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento