Biyernes, Nobyembre 25, 2016

         


                     Kahalagahan ng Disiplina sa Sarili


    Ang bawat nilalang ng Diyos ay mayroong sapat na disiplina sa sarili para mahubog at palaguin ang kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin. Pangkalakasan man o pangkahinaan basta't makakatulong para mapagtagumpayan ang isang pagsubok.Ang disiplina sa isang tao ay nagiging gabay at kalakasan sa pagsulong sa panganib.Gaano nga ba kahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili?
    
     Disiplina sa sarili ay isang katangian na natutunan natin sa ating paglaki.Kung ating aanalisahin,ang pagkakaroon ng disiplina sa ating pagkatao ay napakaimportante at napakahalaga sapagkat ito ay may malaking ginagampanan  sa ating sarili,sa pagtulong o sa paghubog ng ating pagkatao.Hindi mo mauunawaan ang kahalagahan nito kung hindi mo natutunan sa iyong paglaki sapagkat nagmumula o natututunan na disiplinahin ang ating sarili sa ating mga magulang.Magulang na nagdidisiplina kung mayroon man tayong ginawang pagkakamali.

        Ayon nga sa inilathala ng Hataw Tabloid noong October 19,2014. Ang pagdidisiplina sa sarili ay isang napakahalaga at napakausefull skill na dapat meron ang bawat isa. Ito ang nagiging daan para magkaroon tayo ng magandang hinaharap sa ating buhay.Napagtatagumpayan  at nalalampasan natin ang ating pagsubok o inaasam kung disiplina ang magiging gabay sa pagkamit ng ating hinahangad o minimithi sa buhay.Mas lalong maiintindihan at mauunawaan ang mga bagay-bagay sa paligid kung ang sarili mo ay mayroong disiplina para magsilbing daan sa paggawa ng kabutihan at makontrol ang ating sarili sa pagintindi ng tama o mali para sa ikakabuti ng nakararami.

          Ayon naman kay Hiromi-paclipan na kanyang ipinost noong Agosto 12,2013, ang isang tao o nilalang, gaano man siya kagaling, gaano man man siya katalino wala pa rin siyang silbi kung wala naman siyang disiplina sa sarili.Hindi natin mapapakinabangan ang ating magandang katangian o magandang pag-uugali  kung wala  tayo nito, ang DISIPLINA.Dahil sa pagkakaroon nito, mas lalong mapakikinabangan at maisasakatuparan ang ating ninanais kung ating palalaguin at idedevelop ito para mapayabong at maging matibay sa ating isipan ang pagdidisiplina sa ating sarili. Nagkakaroon ng magandanng resulta ang pagiging disiplinado sapagkat nakakatulong ito sa pagintindi ng tama at mali, pagiging success sa buhay at pagpapaunlad ng ating sarili.

            Ang disiplina sa ating sarili ang nagbibigay ng magandang halimbawa para magkaroon ng importansiya sa buhay. Ayon nga sa mga nakakatanda, disiplinahin mo ang iyong sarili para hindi ka disiplinahin ng iyong kapwa.Unahing alamin at disiplinahin nang at6ing sarili para magkaroon ng hinaharap. 




                                                                    Impormatibong teksto ni : JERO N. NUELAN ABM-A





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento