Sabado, Nobyembre 26, 2016


Teorya tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig

                      Ang  lahat ng mga bagay-bagay ay may kanya-kanyang paliwanag kung saan, kailan at paano nagsimula o nabuo ito. Kagaya din sa pinagmulan ng daigidig na may iba't ibang paliwanag at teorya kung paano ito nabuo. Ang daigdig na kinatatayuan natin sa kasalukuyan ay ang ikatlong planeta mula sa araw at ito din ang tanging planeta kung saan lang maaring mabuhay ang mga tao, mga iba't ibang klase ng hayop at iba pang nabubuhay.  May iba't iba pang teorya ang nakapagbigay ng paliwanag tungkol sa pinagmulan nito.
                    Ayon sa site sa internet na eteves101.wordpress.com may iba't ibang teorya ang nakapagbigay ng kapaliwanagan ukol sa pinagmulan ng daigdig. Isa na dito ang teoryang nebular na pinanukala nina: Immanuel Kant at Pierre Laplace na sinasabi dito, ang daigdig ay nagmula sa mga namuong gas at alikabok, ang nebula na makikita sa kalangitan sa pamamagitan ng mga radyasyon na ultra violet na nagmula ito sa mga maiinit na bituin. Nagkaroon ng interaksyon ang mga ion sa mga malayang electron sa ulap at ito ang naging dahilan sa pagsabog ng liwanag sa lahat ng direksyon, ang ion ay isang grupo ng atom na nagkakaroon ng negatibo o positibong charge. Sinasabing mabilis na nagpaikot-ikot sa sansinukob o sa sandaigidigan, ang nebula sa loob ng ilang milyong taon at pagdaan ng panahon unti-unti itong bumagal sa pag-ikot. Ito ang naging dahilan ng paglamig at pagtigas ng nasabing masa hanggang sa unti-unting natiklop ang mga ibabaw nito. Subalit nagpatuloy pa rin ito sa pag-ikot dahil sa lakas ng centrifugal. Ayon sa merriam- webster  dictionary ang centrifugal o sentripugal ay ang paggalaw palayo sa gitna.
                    Ayon sa pagpapaikli o pag summarize ni eteves101 ng eteves101.wordpress.com ang tungkol sa nebular hypothesis na ang iba't ibang bahagi ng solar system ay nagmula sa pinakamalaking ulap na kung tawagin ay solar nebula - labi ng sumabog na bituin at ito ay pagpapaikot-ikot hanggang limit dahil sa sariling gravity nito at nagdulot ito sa pagpatag ng ulap na parang disc at sa loob daw ng mala disc na ito unti-unting nabuo ang planeta kabilang na dito ang ating daigdig. Ang Big Bang Theory na sinasabing ang mundo ay galing sa nagsiksikan at naginit na kalagayan 14 bilyong taon na ang nakakalipas. Sumabog ito 20 bilyong taon na ang nakakalipas at nagbigay daan upang ito ay kumalat nang magkalayo at mabilisan, ang kasalukuyan at sariling tulin nito ang bunga ng pagsabog nito. Ang teoryang big bang ay ayon sa iba't ibang pag aaral ng mga siyentista kagaya nina George Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz. Noong !992 ipinahayag ni  George F. Smoot  ang resulta nang pag aaral tungkol sa teoryang ito at sa resultang iyon sinasabing lumitaw na napakaliit ng pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng maiinit malalamig na rehiyon sa unang bahagi ng pagkakabuo ng kalawakan. Na ang dahilan ay ang pagsabog o ang big bang theory. 
                    Isa pang teorya na galing din sa site na ito, ang teoryang panrelihiyon na pinanukala ng mga katolikong siyentista na sinasabi dito na ang paniniwala na ang mundo ay ginawa ng panginoong Hesu Kristo o ang ating Diyos sa loob ng pitong araw. Ayon sa aklat ng Genesis sa lumang tipang bibliya, ang mundo ay nilikha ng Diyos sa pitong araw. Sa unang araw nilikha ng Diyos s liwanag at dilim, na nagsisilbing araw at gabi, sa pangalawang araw ay ang paglikha ng kalawakan, ang tubig sa taas, ito ang mga ulap at himpapawid at tubig sa baba kagaya ng mga yamang tubig. At sa ikatlong araw ay nilikha ng Diyos ang  mga nagbubungang puno't halaman. Sa ika-apat na araw ay nilikha ang tanglaw, mga bituin, araw at buwan, sa ika-limang araw ay ang paglikha ng Diyos ng mga hayop sa himpapawid kagaya ng mga ibon at ang mga hayop sa tubig kagaya ng mga isda. Sa ika-anim na araw ay nilikha ng Diyos naman ng mga hayop sa lupa, mga hayop na maiilap at maaamo  at ika-pitong araw at panghuli nilikha ng Diyos ang tao, kawangis niya babae at lalaki. 
                    Ayon sa merriam-webster dictionary ang teorya ay galing lamang sa mga siyentista na kaya tinawag na teorya dahil isa lamang itong eksperimento o isa itong ideya na nagpapaliwanag ng katotohanan o pangyayari. 


Ipinasa ni: Roxel Ray C. Delgado 

Sanggunian: https://esteves101.wordpress.com/2010/06/26/mga-teorya-tungkol-sa-pinagmulan-ng-daigdig/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento