Linggo, Nobyembre 27, 2016

Mark Irvin E. Dongon ABM-A

“Kalamidad at sakuna, Saan Nagmula”

            Sa panahon ngayon, kataka-taka na at hindi na pang karaniwan ang mga kalamidad at sakuna na dumarating sa mundo natin. Halos araw-araw ay lumilindol sa iba`t-ibang panig ng mundo. Idagdag pa ang mga malalakas na uri ng bagyo.
            Kung matatandaan natin noong nanalasa ang Bagyong Sendong. Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na kalamidad na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo. Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao. Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipino ang ilang katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka ang lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?
            Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo: nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha. Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang nakalipas, dumating ang mas malupit na delubyong hatid ng Bagyong Sendong. Dinulot ng iligal na pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang pagkasira ng kalikasan at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng mga ilog. Nakaharang din siguro sa natural na daloy ng tubig ang ilang istrakturang gawa ng tao.
            Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat ang pamahalaang Aquino, dahil hinayaan nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang malalaking kompanya sa ating bansa: Pinahihintulutan ng gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at ng kapatid nitong gahamang dayuhan. Pinahihintulutan ng gobyerno na gahasain ng magkapatid ang ating likas na yaman kapalit ng konting kita at pamumuhunan ng mga ito. Laganap din ang kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya, jatropha, saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang grupo na Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa National Institute of Geological Sciences, ang CdO ay lalong nagiging bulnerable sa baha dahil sa kumbersyon ng 2,000 ektarya ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed upang gawing taniman ng pinya ng Del Monte Philippines—isa sa pinakamamaking exporter ng pinya sa buong mundo.
            Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na banggitin ang isang geo-hazard na pag-aaral na ginawa ng Unibersidad ng PIlipinas, kung saan tinukoy ang mga kakulangan ng gobyerno sa nangyaring trahedya. Ayon sa isang pahayag ni  Phillip Romualdez, Pangulo ng CMP. “Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau na walang nagaganap na malakihang operasyon ng pagmimina sa Cagayan de Oro at Iligan…,”

Hindi man ito ang panahon para sa magsisihan, dapat matukoy ang mga pananagutan. Sa ibang bansa, gaya ng bansang Hapon, naging bukal sa loob ng mga opisyales na pasanin ang responsibilidad at magbitiw sa tungkulin. Sa kasamaang palad, wala tayong ganoong tradisyon. Pinapaubaya ko na sa mga itinalaga ng Pangulo upang mag-imbestiga sa nangyari, bagamat mas obhektibo sana kung isang hiwalay na komisyon ang gumagawa ng imbestigasyon. Gayunpaman, anuman ang kanilang mahanap, hinihiling ko na magsampa sila agad ng kaukulang kasong kriminal, sibil at administratibo sa mga opisyales na nagpabaya. Nais kong makitang maisuplong ang mga opisyales na nagbigay pahintulot sa mga aktibidad kaya't lalong lumala ang naging pinsala, o di kaya ‘yung mga taong may impormasyon at kapangyarihan upang maiwasan ang sakuna (subalit pinili na pabayaan ito).






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento