Sabado, Nobyembre 26, 2016

Epekto ng Pagbabago ng Klima


Malakas na ulan at mainit na sinag ng araw. Mga super typhoons kung tawagin at El Niῆo’t El Niῆa phenomena na ating mga nararanasan.
Ang Panahon ay ang kondisyon ng isang lugar o kapaligiran sa loob lamang ng maikling oras, halimbawa ay ang mainit at malamig na panahon at mga araw na maulan. Ang climate change o pagbabago ng klima naman ay ang pagdami o pagbawas ng pagdagsa ng ulan kada taon sa isang lugar. Ito rin ay maaaring isang pagbabago sa karaniwang temperature ng isang lugar para sa isang buwan o taon. Ayon rin sa mga eksperto, ang klima sa mundo ay laging nagbabago, ang temperatura ay tumataas sa halos 1 degree Fahrenheit sa loob ng 100 taon. Maliit man kung ating iisipin ngunit ito’y nagdudulot ng malaking pagbabago  sa ating mundo. (Global Warming)
Maraming epekto and naidudulot ng pagbabago ng klima sa ating kapaligiran, at ganon na rin sa ating mga  pamumuhay. Pagtaas ng temperatura sa mundo at pagtunaw ng niyebe at yelo sa north at south pole ay isa sa mga epekto nito, dahilan upang tumaas ang lebel ng tubig sa mga karagatan at tiyempo ng paglago ng mga halaman. Dulot ng matinding init, nagbabago ang precipitasyon na nag sasanhi ng mahinang pag-ulan o di naman ay ang malamig at malalakas na pagbugso at buhos ng ulan. (Klima2015)
Ngunit higit na nagbibigay ng malaking epekto sa pagbabago ng klima ay ang Green House Gasses. Dahil dito unti-unting nang nabubutas an gating atmospera. Konsentrado na nito ang atmospera na naka pagpapabago-bago sa lagay ng panahonat temperatura. Narito ang pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan na paunti-unting sinansakop ang mallit na pulo, pagbabago ng alat ng tubig sa dagat na nakaaapekto sa mga nabubuhay na nilalalang sa tubig (Khevinyu). Apektado lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng mundo. Maging halaman, hayop, at lalong-lalo na ang buhay nating mga tao. Mga taniman sa bukid au gumuguho dahjlan sa mga marurupok na lupa na nagsasanhi ng pagkasira ng iba’t-ibang imprastraktura, at ang pagtutuyo ng mga inumang tubig (Khevinyu).  Dala rin ng pagbabago ng klima ay ang pagdami ng nga sakit na natutuklasan. Pagtatae dulot ng maruming tubig, mga insekto tulad ng lamok na may dalang malaria o degue at leptopirosis  galing sa dagadulot ng mga pagbabaha at ang huli ay ang malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at mga pangkabuhayan (Climate Change) .
Tao o mga makababong imprastraktura man, lahat tayo ay may pananagutan sa mga pagbabagong ating mga nararanasan. Di man natin alam kung paano at saan sisimulan, ating umpisahan sa ating mga sarili upang ang pagbabago ay hindi man natin mapigilan atin man lang malitis at malutasan.


Isinulat ni:
Joan P. Natividad ABM-A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento