Linggo, Nobyembre 27, 2016

Maagang Pagbubuntis

“MaagangPagbubuntis”

                        Maraming tao ngayon ay nababagabag na sa ating populasyon. Hindi lingid sa kaalaman nang mga may katandaan narin dito sa mundo na ang mga makabagong kabataan ay totoong napakalayo na ng ugali, kaysa noong sila ay mga bata pa. Nababagabag din ang mga magulang sa kanilang mga anak at baka makasangkot ito sa maling gawain, mas lalo na ang mga anak nilang mga babae. Natatakot ang magulang na baka mabuntis o makabuntis ang kanilang anak. Bakit kaya nila naman ito naiisip? Alam ba nang mga magulang na hindi tama ang pagpapalaki nila sa kanilang anak, kaya nila ito naiisip?

                        Maraming kabataan ngayon ang nagsasabing gusto nilang malaman ang mga bagay-bagay, kaya sila nakakagawa nang mga hindi nararapat sa kanilang taong gulang. Maraming mga kabataan na lalaki ang palaging naglalasing at minsan o madalas pati narin ang mga babae. Ang katuwiran nila na “Nacucurious lang naman kasi kami, kaya nag try kami nang kunti lang”. yan ang naririnig nang mga kaibigan nila. Ang hindi nila alam ay may nangyari pala sa kanila na hindi kanais-nais. Sila’y gumawang labag sa batas nang tao at labag sa batas ng Diyos, ang magsipi silang dalawa.
                     Sa nakalap ko na impormasyon sa internet ay nagsasaad na ang maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot itong peer pressure o nag pagpapadala sa mga nakapaligid sa isang tao, hindi paggamitng contraceptives, relasyon sa magulang at iba pang kapamilya at medya (GUTTMACHER INSTITUTE, 2005). Ang SEVENTEEN MAGAZINE ay nakasaad sa isa nilang artikulo na, 76% an babae at 58% na lalaki ang nag sasabi na ang kabataang kababaihan ang nakikipag-seks, dahil sa kagustuhan ng kanilang kasintahan, ang mga lalaki, (1996). Ayon naman sa surbey na isinagawa ng KAISER FAMILY FOUNDATION, na 1 sa 3 binata na nasa edad 15 hanggang 17 ay nakikipag-seks dahil sa presyur ng mga kaibigang lalaki na makipag-seks sila. Maari din na ang maagang pagbubuntis ay dulot ng hindi at maling paggamit ng contrceptives, gaya ng “condom” at “oral contrceptives’’, dahil narin sa kakulangan sa “Sex Education” (2003). Sa isa naming surbey ay 66% na babaeng kabataan ang nagsasabing tumataas daw ang bilang ng kabataa ng nabubuntis kapag ang magulang ay walang pakialam, pabaya at hindi marunong magdisiplina ng kanilang anak(PARADE). Sa  surbey naman na isinagawa ng mananaliksik, itinanong kung paano nakakaapekto ang medya sa paglaganap ng sekswal na gawain na nagdudulot ng maagang pagbubuntis, ito ang nagging resulta: 50%- mga bold films at bold magazine, 30%- telebisyon at 20%- kanta o musika.
                Ang ibang mga kabataan na nakaranas nito ay nagsisisi at meron parin na mga matitigas ang ulo, mas malala pa sa pagiging palalo at inuulit parin nila. Ang isasabi para daw sa “exploratory” na mga bagay-bagay, kaya nila ito uulitin. Ginagawa nila ang pre-marital sex o ang extra marital sex,kahit may asawa na sila na malaking kabastusan sa batas ng Diyos. Alam naman natin na ang mag-asawa lang ang may karapatan na gumawa nang mga bagay na tulad nito,  pero ibinabaliwala lang nila.


                        Kaya, ang unang-unang nananagutan dito ay ang kani-kanilang mga magulang, mayroong kasalanan ang mga magulang kung bakit nagiging biktima ang kani-kanilang mga anak sa maagang pagbubuntis, dahil hindi tama ang pagpapalaki nila dito. Ang mga kabataan naman ay totoong mang-mang, alam nila na may masamang bunga ang masamang gawain. Habang tumatagal  ay lumalaki na lalo ang popolasyon ng tao sa mundo at ang mundo ay nagiging dilikadong lugar naito, dahil din sa kagagawan ng mga tao. Ngayon na alam na ninyo ang mga simple pero totoong makakatulong sa iyong buhay na mga dapat na iwasan at layuan. Ang mga bagay naito ay hindi lamang mga babala kundi ito ay mga gabay. Sa huli, nakasalalay parin sa mga desisyon ng mga kabataan ang mga mangyayari sa kanilang buhay.


Carlo R. Faurillo ABM A

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento