Sabado, Nobyembre 26, 2016



STRESS sa Makabagong Kabataan




source https://www.google.com.ph/
              Kabataan raw ang pinakamagandang parte ng buhay ng isang tao. marami ang nagsasabi na sa parte ng buhay nating ito, marami tayong mararanasang magaganda at masasayang bagay. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba at ng nakakarami, maraming kabataan ang hindi nakakaranas ng masasayang pangyayari sa kanilang buhay dahil sa nararanasan nilang presyur na kalauna'y nagiging stress. Sa kabilang dako marami ring pag-aaral ang nakapag bigay ng ideya kung paano ito malalampsan at kung ano ang mga rason ng mga kabataan kung bakit nila ito nararanasan.

             
              Ayon kay Rebecca Treacy sa isang artikulo niya sa campus.ie, bawat isa sa mga mag-aaral ay nakakaranas ng stress, sa paghabol ng deadline, sa mga proyekto at nagiging sanhi nkung bakit nahihirapan silang gawin ang mga bagay bagay at nahihirapan silang unahin ang mga gawain na kailangan na nilang tapusin. Sa depinisyon naman ng HSE o Health Safety Executive ng united Kingdom ang stress ay ang pakiramdam ng sobrang mental at emosyonal na presyur. At ang presyur na ito at nagiging stress pag hindi ito naagapan. Sa kabilang banda ang pagkaranas ng stress ay isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng depresyon, dahil dito, nagmumula ang mga suicide attempt ng isang kabataan na nakakaranas nito, mula sa doctor of psychology na si Alice Boyes sa isang artikulo sa Psychology Today at sa isang artikulo sa Bachelor degree online na may pamagat na 15 serious facts about high school stress.


Source https://www.google.com.ph/search?q=stress+pictures
Marami na ring pag-aaral ang mga isinagawa upang malaman ang kadahilanan ng stress sa mga kabataan at kabilang na dito ang sarbey na ginawa sa mga mag-aaral ng American Psychological Association, sa pamumuno ni Norman Anderson, kung saan inilahad sa pag-aaral ang epekto ng stress sa kanila. Isinaad sa pag-aaral na 30% ng kabataan ang nagsasabi na stress sila at 31% ang nagsasabing overwhelmed sila. May mga kabataan ding sumagot na nakakapagdulot sa kanila ng pagkapagod ang stress na may 36% at ang iba naman ay nagsasabing nakapagdudulot ito sa kanila ng kawalang gana sa pagkain na may 26%. Sa kalahatan ng pag-aaral, ipinakita roon na mas mataas ang stress level ng mga kabataan kaysa sa mga nakatatanda sa kanila na nagpapakita na sa 10 pint scale, 5.8 ang sa mga kabataan at 5.1 naman sa mga nakatatanda sa kanila. dahil dito, nagpahayag ng pagkabahala ang CEO ng American Psychological Association na si Norman Anderson at isinaad din na para hindi na patuloy na maulit ang ganitong pangyayari ay kailangan ng mga magulang na bigyan ng suporta ang kainalng mga anak at pagmamahal. Sa pananaliksik naman sa Baltimore City sa Amerika sa artikulo na may pamagat na teen stress statistics, sinasaad na may 5 stressor kung bakit nakakaranas ng stress ang mga kabataan. Una na rito ang gawain sa paaralan na may 78% at 68% naman ang nagsasabi na magulang, 64% naman sa problema ng kaibigan at pinakahuli na may 64% na nagsasabing ang mga nakababata nilang kapatid. Sa kabuuan inilahad din ang mga porsyento ng mga kabataang lalaki at babaeng tinanong kung paano nila pakitunguhan ang stress.Inilahad na mas nais ng mga lalaking kabataan ang iwasan at hindi pansinin ang stress na may 25% at sa mga kabataang babae naman ay mas nais nila na maghanap ng paraan upang maiwasan ito o kaya ay humingi ng suporta sa kanilang pamilya at mga kaibigan na may 45% at 22%.

                Subalit may mga paraan din upang mabawasan ang stress, kung saan ang tamang lebel ng stress ay nakakaudyok sa mga kabataan sa kanilang paglaki at sa pag-abot sa kanilang pangarap ayon sa students and stress article, mula sa IPFW. Si Jeanette Moninger ng webmd.com naman ay nagbigay ng mga paraan upang mabawasan ang stress sa buhay na may pamagat na 10 relaxation techniques that zap stress fast. Ilan sa mga paraan na ito ay ang mga sumusunod : Una, Magnilay o mag isip-isip, ang sandaling katahimikan at konsentrasyon ay nakakadulot upang baguhin ang neural pathway ng utak ayon sa pag-aaral. Pangalawa Huminga ng malalim, ang paghinga ng malalalim ay sinasalungat ang epekto ng stress ayon sa pag-aaral ni Judith Tutin. Pangatlo Magdahan-dahan, ayon kay moringer ang stress ay nakakadulot sa iyo upang hindi makapagpokus sa isang bagay kaya dapat isa isa lang para mabawasan ang iyon stress. Pang-apat Makipag-ugnayan, ang mga kaibigan mo ay makakatulong upang medyo mabawasan ang iyong stress.Panglima tingnan ang iyong sarili isipin mo kung ano ang mali sa io at makakatulong ito para mabawasan ang nararamdaman mong tensyon. Pang-anim, Decompress, kung saan maglalagay ka ng mainit na tuwalya sa pagitan ng leeg mo at balikat, saka ka hihiga ng patihaya payo pa ni Moninger. Pang-pito Tumawa ka ng malakas, ika nga Laughter is the best medicine. Pang-walo, Makinig ng Musika, nakakatulong ito upang mabawasan ang tensyon mo.Pang siyam, Gumalaw galaw ka para mabawasan ang tensyon sa katawan mo. At huli magpasalamat ka, kahit nakakaranas ka ng stress, ipagpasalamat mo pa rin ito at ang mga bagay na mayroon ka sabi pa ni moringer.  Iyan ang mga paraan ayon sa artikulo ni Jeanette Moninger. 

            Ayon namn kay Dr. Jack Singer, "Ang stress ay isang katotohanan sa buhay, kasi gusto natin palaging nasa kontrol tayo, na lahat nay nasa maayos na paraan, na ang sobra ay nakakasama." Kailangan natin isipin na hindi lahat ng bagay kaya nating kontrolin, ang stress ay parte na ng buhay natin ika nga ni Dr. Singer, gustuhin man natin o hindi, ang mahalaga malampasan natin ito at hindi na makapag-dulot ng masama sa buhay mo. marami pang bagay ang mararanasan natin dahil bata pa tayo, ngunit kung simula pa lang ay marunong na tayong harapin ang mga ganiton sitwasyon, mapunta man ulit tayo sa ganitong kalagayan, handa na natin iton harapin. maraming paraan para maging masayaat maging stress free tayo sa buhay. Ang mahalaga matuto tayo sa bawat hakbang na gagawin natin patungo sa pangarap natin  at sa pag-aaral natin. 


Isinulat ni : Mary Grace A. Concina



       Mga Sanggunian 

The students in stress ni Treacy, Rebecca
Health Safety Executive, United Kingdom
What is stress? ni Dr. Alice Boyes ng Psychology Today
15 serious facts about high school students ng bachelor degree online
American Psychological Association
Teen stress Statistics ng Teenhelp website
Students and stress ng IPFW website
10 relaxation techniques that zap stress fast ni Jeanette Moninger 
Conclusion ni Dr. Jack Singer
                
             






3 komento: