Sabado, Nobyembre 26, 2016

KALAMIDAD
            Sa panahon ngayon, maraming pagbabago ang nagaganap sa ating kapaligiran. Ang kalamidad ay mapaminsala, kaya nitong sirain ang mga bahay, mga ari-arian, mga pananim at iba pa. Dahil sa mga ito, maraming buhay ang nasisira. Ang lahat ng ito ay hindi natin maiiwasan, pero kayang paghandaan.
            Ang ilan sa mga kalamidad ay natural ngunit ang iba ay nangyayari dahil sa kagagawan ng tao. “Kung ano ang ayaw mong gawin saiyo ng kapwa mo, ay wag mong gagawin sa iba”, kung ang kalikasan ay ang kapwa mo, wag mo itong sisirain dahil doble ang balik nito saiyo. Isang halimbawa nito ay ang landslide o ang pagguho ng lupa dahil mahina na ang pundasyon nito. Maraming dahilan kung bakit ito nangyayari, isa na dito ay ang kawalan o kakulangan ng punong-kahoy sa isang partikular na lugar lalo na sa mga lugar na madalas magka-landslide. Ang pagputol ng mga punong-kahoy na siyang sumisipsip sa sa tubig na dulot ng labis na ulan at siyang nagpapatibay sa lupa o bundok para maiwasan ang landslide o soil erosion ay hindi magandang gawain.Laganap na sa iba’t-ibang lugar ang patuloy na pagpuputol ng mga kahoy, at sunod-sunod na rin ang mga pagbaha o landslide. Hindi lamang ito ang nararanasan ng mga tao.
 Bagyo! Isa ang bagyo sa hindi maiiwasang mangyari dahil ito ay isang natural na kalamidad ngunit maari itong mapaghandaan. Ayon sa disaster report ng Citizens’ Disaster Response Center academia.edu.html(2011), nangunguna ang pilipinas sa talaan ng most disastrous na mga bansa sa mundo sa taong 2011 mula sa pagiging pangatlo nito noong 2010. Bilang isang arkipelago na bansa ang pilipinas, ay direktang nasa bukana ito ng Karagatang Pasipiko at madalas tamaan ng bagyo na namumuo sa nasabing karagatan bago pa maranasan ng iba pang karatig bansa. Marami na ang dumaang bagyo sa bansa ng pilipinas, at malaki na rin ang nagiging epekto nito sa mga kabuhayan ng mga tao o ng isang komunidad. Nasisira ang mga pananim, kabahayan, mga imprastaktura, at iba pa, bumababa rin ang ekonomiya ng bansa. Ayon kay Ginoong Tetangco, naniniwala sila sa Bangko Sentral na magiging panandalian lamang ang epekto ng mga kalamidad na ito sa buong larawan ng ekonomiya ng bansa at hindi gaanong makakapaggalaw o magpapabulusok sa pangkalahatang aspeto ng ekonomiya partikular sa panig ng inflation.
Bukod pa rito, ang pilipinas ay nasa tinatawag na Pacific Ring of Fire kung saan madalas ang paglindol. Tinatayang nasa average na limang lindol ang nararanasan ng bansa araw-araw. Nasa 22 aktibong bulkan ang mayroon sa Pilipinas mula sa datos ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology. Bagamat marami ang sumusubaybay sa galaw ng lupa ay hindi ito katulad ng isang bagyo o alinmang kalamidad na nalalaman at naipaparating sa mga mamamayan bago pa ito mangyari, dahil ito ay maaaring mangyari kahit anong oras na walang binibigay na babala.
Sari-saring kalamidad ang ating nararanasan, ngunit ang mga epekto nito ay mababawasan kung lahat ng tao ay may disiplina. Para kay Mesina, ang kalamidad ay isang produkto ng panlipunan, pang-ekonomiya at political na aspekto, hindi lamang tungkol sa geograpikal na aspekto. Kung saan ang mga mahihirap, doon ang pinakabulnerable na tamaan ng kalamidad. Maraming government policies ang nakapokus sa going back-to-normal, at hindi tugunan ang ugat ng mga kalamidad. Ang gusto lang niya, bumalik sa ‘normal’ na buhay ang mga tao. Kung karpintero ka, maging karpintero ka uli. Hindi niya binibigyang ang mas mahalagang aspekto kung bakit mas bulnerable ang mga tao sa disaster.

Kaya naman, kahit na may masamang naidudulot ang mga kalamidad sa pisikal na kaanyuan, maging daan sana ito upang magkaroon ng hinuha ang bawat isa na ang kalamidad ay hindi basta-basta.


Isinulat ni: Florleen N. Raposon

Sanggunian: academia.edu.html

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento