EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MA KABATAAN
Sa bawat henerasyon ng
makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating
pamumuhay araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social networking sites ay
isa sa naging produkto ng makabagong panahon. Napabibilis nito ang
komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja(1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang
kasangkapan upang maangkin ang bawat nilikha, ang kakayahang maipaliwanag nang
buong linaw ang kaniyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang
matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging
bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at
nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag
tayong mga tao sa maaaring dulot o epekto nito sa atin.
Ayon sa pag-aaral may
malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang-asal ng mga
estudyante ang social networking sites na maaring makatulong sa mga kabataan.
Nahuhubog ang mga kabataan sa maraming kaalaman kaakibat ang mga naidudulot ng
makabagong teknolohiya. Nabubuhay sila sa kakaibang mundo, mundong punong-puno
ng pagbabago kung ikukumpara sa pamumuhay noong panahon, mundong patuloy na
naghahanap o nag iimbento ng mga kakaibang bagay upang maiba ang takbo ng
pamumuhay ng bawat tao sa mga darating pang bukas. Ating alamin kung ano ba ang
impluwensiya ng social media sa mga kabataan at kung paano ito nagiging epektibong gamitin sa kabutihan at kung
paano ito makakasama sa bawat taong gumagamit nito ng sobra.
Ayon sa Abante Tonite, noong dekada 70 at 80,
ang media ay binubuo lamang ng tri-media. Ang peryodiko o print media at ang
radyo o telebisyon bilang broadcast
media. Ngunit dahil sa napakalawak na kaalaman ng mga tao itoy naging mas
umunlad at nagamit upang makatulong na mapadali ang pakikipagkomunikasyon ng
mga tao sa buong mundo. Malaki ang impluwensya ng social media sites sa bawat kabataan sa larangan napakikipagkapwa-tao.
Kung ating susuriing mabuti, malaki ang deperensiya ng mga kabataan noon kaysa
sa ngayon. Kalimitan lamang sa mga kabataan noon ay ang mayroong cellphone at
kompyuter, ngunit itoy nagagamit nila sa paggawa ng mahahalagang bagay lamang
kya nagkakaroon pa sila ng maraming oras na gawin ang mga gawaing-bahay na naiaatang
sa kanila ng kanilang mga magulang. Noon kapag may takdang araling ibinibigay
ang guro sa mga mag-aaral, pupunta agad sila sa silid-aklatan upang maghanap ng
impormasyon. Kung ating susuriin mas magandang
maghanap ng mga impormasyon sa mga aklat dahil ang mga makukuha nating
impormasyon dito ay tama, kaysa impormasyon na makikita natin ngayon sa
internet na hindi lahat ay totoo.
Ayon din sa Abante Tonite,
ang mga kabataan ngayon ay mas binibigyang pansin ang mga social media site
gaya ng facebook, Twitter , Google, YouTube at Instagram. Ang mga ito ay may
positibo at negatibong naidudulot sa mga kabataan. Ang positibong naidudulot
nito sa mga kabataan ay kapag may hahanapin silang mahalagang impormasyon mula
sa Google, isang click lang ay ayon na at nasa harapan na nila ang gusto nilang
malaman tungkol sa mga bagay- bagay, napapadali ang paggawa nila ng kanilang
takdang aralin at mga proyekto at dahil
dito napalalawak ang kanilang kaalaman at nagkakaroon sila ng kamalyan kung
anong nangyayari hindi lang sa sarili nilang bansa kundi pati rin sa mga
kaganapan sa buong mundo. Sa paggamit ng face book, Twitter, YouTube at
Instagram, ang mga sites na ito ay hinahayaan ang ating mga kabataan na makita
kung sino at ano ang nais nilang makita, halimbawa nito ang kanilang pamilya at
mga kaibigan. Sa Youtube naman, kapag nag upload ng video ay may posibleng
magtrending dahil sunod sa uso at ang iba ay nagiging sikat. Ang negatibong
epekto naman ay ang mga kabataan ay magiging tamad sa kanilang mga gawaing bahay,
nababalewala ang mga aklat sa pagsasaliksik ng impormasyon at minsan nagagmit
ito sa kasamaan para manloko ng kapwa.
Ang kabataan ay kailangang
maging mabusisi at maingat sa paggamit ng mga social media. Maging matalino sa
paggawa ng mga bagay-bagay gamit ang social media, alamin ang bawat
kahihinatnan ng bawat sasabihin o gagawin at hindi lahat ng bagay kailangang
sabihin at maipaalam sa ibang tao. Huwag
hayaang kontrolin ang bawat kabataan ng makabagong pakikipagkomunikasyon, gawin
lamang itong libangan at gamitin sa mahahalaga at mabubuting
pakikipagkapwa-tao.
maraming salamat po.
TumugonBurahinTalagang nakakatulong ito.
TumugonBurahin