Sabado, Nobyembre 26, 2016

Alternatibong sasakyan sagot sa matinding trapiko”

Isinulat Ni: Klarence Maridee A. Ramos
SRNHS ABM-A


            Nakakalungkot isipin na araw-araw hindi nababawasan ang pahirap ng trapiko na dinaranas ng milyun-milyong motorista. Ito ang pinakamalalang problema na kinakaharap ng mga nakatira sa mga lungsod lalo na kung usad-pagong na ang daloy nito na nagpapasikip sa mga kalsada at nagpaparumi ng hangin. Tumitindi ang pagsisikip ng trapiko halos sa lahat ng lugar sa mga lungsod, malaki man o maliit. Sinasabi rin na hindi talaga makabuo ang mga awtoridd ng angkop na solusyong lulutas sa lumalalang pangagailanagn ng mga  bagbibiyahe sa mga lungsod. 

Sa mga panahong may pinakaabalang oras sa umaga at gabi ay mabilis na nagsisikip ang mga malalapad na daan. Halos hindi na mawala-wala ang trapiko sa mga lungsod at mas lalo pa itong tumitindi.

Sa panahon ngayon parami nang parami ang mga gumagamit ng sasakyan habang pasikip ng pasikip ang mga daanan, “sa kalaunan”, paliwanag ng aklat na Stock in traffic-coping with peak-hour traffic congestion, “ hindi na makakatulong o makakabawas sa tindi ng pagsikip ng trapiko ang pagsagawa ng mga bagon kalsada o pagsasaayos ng mga dati nang daa”. Dahilan din sa pagsikip ng trapiko ang kawalan ng sapat na paradahan. Dapat nang sukatin ang mga nasasayang na oras na dulot ng pagsikip ng trapiko.

Ayon sa biblia na sinulat sa Mateo 7:12, Sinabi ni Jesu-Kristo na “gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo.”Ito ay maaaring makatulong para malutas ang ilan sa mga problema sa trapiko na kinakaharap sa ngayon. Ngunit kung ang iisipin lamang ng bawat isa ay ang kaniyang sariling kaalwanan, mabibigo lamang ito. Mayroong ilang mungkahi na pwedeng makatulong na mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa mga lungsod. Kung malapit lamang ang pupuntahan, mainam na maglakad o mamisikleta na lamang. Sa maraming kalagayan, alinman dito ay mapatutunayang mas mabilis, mas madali, at mas nakatutulong sa kalusugan. Kung malayo naman ang pupuntahan, mabuti sigurong mamamasahe na lamang.

Sinisikap ng maraming lunsod na paghusayin pa ang serbisyo ng kanilang mga bus, subwey, at tren upang maakit ang mga tao na huwag nang magdala ng sasakyan. Nakatitipid din kung sasamantalahin ang ganitong mga serbisyo. Kahit na kailangan mong magdala ng sasakyan papunta sa istasyon, maaari ka namang sumakay sa pampublikong sasakyan para makarating sa sentro ng lunsod. Kung kailangan mo talagang magdala ng sasakyan, baka naman maaari kang magsakay ng iba pang magbibiyahe (carpooling). Ito ang isa sa pinakaepektibong paraan upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa pinakaabalang mga oras.

Sa kabila ng maraming pagsisikap na makahanap ng solusyon, lumalala ang problema sa trapiko. Kung hindi tayo gagawa ng malalaking pagbabago sa ating sistema ng transportasyon, ang pagsisikip sa trapiko ay hahantong sa pagkaparalisa ng mga lunsod sa susunod na dekada. Makatotohanang sabihin na tila wala pa ring ganap na solusyon sa problema sa trapik hanggang sa ngayon. Ganito ang naging konklusyon ni Anthony Downs, awtor ng aklat na Stuck in Traffic—Coping With Peak-Hour Traffic Congestion: “Anuman ang pampublikong patakaran na ipatupad upang lunasan ang pagsisikip ng trapiko sa hinaharap, malamang na lumala pa ito sa halos lahat ng panig ng daigdig.

Ang railway system pa rin umano ang pinakamabilis at ligtas na paraan ng pagbiyahe at paghahatid ng mga produkto. Sa railway system ay nakakapag sakay ng mas maraming mananakay kumpara sa isang bus o jeepney, kung kaya't ias ito sa mas epektibo para makabawas sa trapiko. Vice-President Siim Kallas, European komisyonado responsable para sa transportasyon, sinabi: "Rail ay may makabuluhang mga potensyal na bilang isang berde at sustainable paraan ng transportasyon. Maaari ito ang sagot sa tanong kung bakit lumalala ang trapiko sa ating bansa.




Mga Sanggunian:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento