Kabataan: Pag-asa pa ba ng bayan?
Isinulat ni: Janet Cleofas
Kabataan ang tinuturing na pag-asa ng ating bayan ang Susi sa pag unlad ng ating bansa, ang tutularan ng mga susunod na henerasyon, ang mag babago sa ating bayan, mag papatuloy ng mga na simulan ng ating bayani. Kamusta na nga ba ang mga kabataan ngayon?sila pa nga ba ang pag-asa ng ating bayan?
Kabataan ang pag-asa ng ating bayan ang salitang binitawan nuon ni Dr. Jose Rizal at kaniya ring sinabi "ang kabataan ang taniman ng mga binhing mag bubunga ng masarap at masaganang prutas na dapat arugain,paka ingatan at akayin sa maliwanag na landas ng Banal na mithiin". Isa lamang yan sa mga salitang binitawan nuon ni Dr. Jose Rizal. Mga salitang nagsasaad na ang kabataan at ay dapat na ituwid at wag pabayaan na mdala nang agos at gawing modelo ang kabataan sa mga susunod na henerasyon.
Ayon sa the Filipino servant " children today are tyrants, they contradict their parents ,gobble their foods,and tyrannize their teachers"~socrates. Sinasaad sa impormasyon na ito na ang kabataan ngayon ay kakaiba na at nakakabahala na ang ugali at kilos mga kabataang mga mapupusok,matatapang,walang takot na nilang inihahayag at ipaskil ang kanilang kataohan katulad ng mga bata na nasa murang edad na Tito ng ilantad ang kabadingan na noon ay tinatago pa hanggat maaari .Mga kabataang nadadawit na run sa mga iba't ibang krimen katulad na lamang ng snatcher,jumper boys, o batang hamog,ginagamit narin ng mga sindikato ang mga kabataan upang mag tula ng droga at ang iba sakanila at ang siyang na mumuno narin sa mga krimeng nangyayari. Hindi sila natatakot dahil sa batas natin na umiiral(RA9344-juvenille Justice and welfare Act of 2006), sinasaad sa batas na dipa maaaring ikulong ang mga minor de edad. Laganao na rin sa ngayon sa "social media" mga larawan ng mga babaeng walang takot na inihahayag ang kanilang larawang Hindi ka aya-ayang tingnan. Ibang iba na nga ang kabataan ngayon.
Maraming nag sasabi ibang iba na ang kabataan noon at ngayon napaka layo ng agwat. Sa bawat pag bago ng henerasyon mga kabataan umiiba narin. Noon Hindi nakaka pag salita ng pabalang ang mga kabataan. Mayroon silang respeto sa matatanda ngayon ang mga kabataan Dina marunong rumespeto at marunong ng sumagot ng pabalang. Noon pinahahalagahan ng mga kabataan ang edukasyon nila pero ngayon nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw parin pag butihin ang pag-aaral. Siguro nga dahil Ito sa moderno nating panahon na kung saan pati ugali ng mga kabataan ay na aapektohan narin. Masarap balikan ang nuon kumpara ngayon. Noon mga kabataan mababait at masunorin, at ngayon matitigas na ang ulo.
Ako'y kabilang sa mga kabataang unti-unti naring nilalamon ng teknolohiya at unti-unti ng na aapektohan ngunit alam Kong Hindi lang ako ang nakakaranas ng ganto kung Hindi pati mga kapwa ko kabataan. Sabi ng iba Sana bumalik ang kabataan noon. Para sa kapwa kabataan ko wag nating hayaan na ma apektohan tayo ng teknolohiya pilitin natin ibalik ang dating kabataan na tutulong para umunlad ang ating bayan. Meron akong na basa sa social media ang sabi "kabataan raw ang sisira sa bayan" Sana Hindi Ito magka totoo, itayo nating mga kabataan na "ang kabataan ang pag-asa ng bayan".
Sanggunian:
https://theFilipinoservant.WordPress.com/2012/08/28/kabataan-pagasa-pa-ba-ng-bayan
https//raalk.WordPress.com//2009/01/08/ang-kabataan-noon-at-ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento