Huwebes, Nobyembre 24, 2016

Pawis ng paghihirap

                        Mga ngiti ko sa labi di maalis sapagkat aking bulsa ay maylaman kahit na ito ay limang piso lamang, pambili ng isang tinapay, na tiyan ko’y busog na busog, kahit sa hirap na aking pinagdaanan sa pangangalakal sulit na man sa isang pirasong tinapay na aking kinakain sa ngayon. Ayon sa batang manggagawa (child labor). Mga paghihirap ng mga batang manggagawa (child labor) paano gagawan ng aksyon?sapagkat dumarami na ang mga bata na di pumapasok sa paaralan.
                        Ayon sa International Labor Oraganizationo (ILO), mahigit sa kalahati o 53 porsyento ng 210 milyong batang manggawa sa buong mundo na nasa lima(5) hanggang 15 taong gulang ang nagtratrabaho sa mga mapanganib na industriya. Ito ay nagpapahiwatig lamang na  nasa sobrang hirap ng kabuhayan ng mga kabataamg kinakailangan na magbanat ng buto upang matulungan ang kanilang mga pamilya sa paghahanap ng pagkaing maihahain sa kanilang mga lamesa. Lahat ng mga batang manggagawa (child labor) ay may kanya-kanyang kwento tungkol sa kanilang buhay, masaya man o malungkot  man ito ay lahat pinagdaraanan ng mga batang iniwan ng kanilang magulang at mga batang kinakailanggan magtrabaho upang makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya. Iba’t iba man ang kanilang kwento sa buhay ,ang mga batang ito ay mas nanaisi ang magkapera kumita kaysa mag-aral sa mga paaralan.
                        Ayon sa convention 138(minimum age convention) at convention 182(worst forms of child labor convention ng International Labor Oraganizationo o (ILO), ang mga batang manggagawa(child labor) ay mahigit pa nilang mga karapatan,tulad ng karapatang mag-aral, manatiling malusog at ligtas sa panganib. Subalit sa panahon ngayon wala ng iniisip ang mga bata sa mga ipinagbabawal na ito dahil sa kahirapan kinakailangan nilang lutasin sa pamamagitan ng pagtrabaho para magkaroon sila ng pagkain. Sabi ng ng iba “pagwalang laman ang tyan ng isang bata aylahat gagawin para makakuha ng perang pambili ng pagkain. Halimbawa nito ay ang mga batang lansanggan na naglilinis ng jeep 0 nagpupunas ng mga salamin ng sasakyan, ng titinda ng mga candy ,nangangalakal sila ,kaya sa panahon ngayon sa murang edad ng mga bata ay nakakasubok na sila ng paghihirap sa paghahanap ng kikitain. Huwag ipasawalang bahala ang mga batang ito na sila naman ang susunod na mamumunuhan  sa ating bansa o sa mga susunod na henerasyon.
                        Magandang pagnilayan ang sinabi ni Constance Thomas2011, director ng  International Labor Oraganizationo o (ILO) para sa kanilang programa sa pagwaksi ng mga batang manggagawa(child labor). Ayon sa kanya, simple lamang ang kasagutan sa problemang ito; iyon ay ang paniniguradong may pagkakataong makapasok sa paaralanang mga batang napipilitang magtrabaho o kinakailanggan nila magtrabaho para sa kinilang pamilya . ang pag-aaral nga naman ng mga kabataan ang silang makakpagtapos, malaki ang kanilang maitutulong sa pag-unlad ng kanilang pamilya , sarili , at bayan ,sapagkat sila ay makakahanap ng mga magandang trabaho o ikabubuhay sa kanilang paglaki na nasa mabuting pamamaraan ng trabaho. ngunit hindi sapat na pagnilayan lamang natin ang kanyang mga sinabi . sapagkat sa ganitong isyu ng lipunan, kay langgan ng gawa upang matulunggan ang bawat batang manggagawa(child labor) ng pagkalinga ng iasang magulang na kayang pangalagaan ang gampanin sa anak o mga anak. at aksyon mula sa gobyerno na bigyan ng trabaho ang lahat nang mga pilipinong may pamilyang binubuhay kunggayong hindi na ang kanilang mga anak ang nagbabanat nag buto para sa kanilang pamilya.
                        Kung kaya’t ating tingnan ang bayang sinilanggan puno ng mga problema sa mahihirap. Huwag tayong makuntento sa karangyaang dulot sa iyong pamumuhay. Isipin mo din ang iyong mga kababayan at ituring silang iyong mga kapatid, at tiyak na darating ang araw na ang pilipinas ay matagumpay na nalutas ang masasamang bunga ng pagkakaroon ng mga batang manggagawa.

                                                                                      Joelyn Joy D. Malumbay
                                                                                               ABM-A


Mga Sanggunian

Mga Kwento ng Batang Manggagawa ni Amaryllis T. Torres
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/3267/3064)
Child Labor;tagapagdulot ng matinding panganib sa kabataan at sa lipunan akda ni rspc4admin(http://spaef06.blogspot.com/2011/12/child-labor-tagapagdulot-ng-matinding.html)
Dumadami ang mga batang manggawa ulat ng the Philippine star(http://www.philstar.com/opinyon/2012/06/28/822087/editoryal-dumadami-ang-mga-batang-manggagawa)
                                                  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento