Lunes, Nobyembre 28, 2016

Rape Case sa Pilipinas
ni: Josie Valenzuela ABM-A

Ang panggagahasa, ayon sa Batas ng Pilipinas ay itinuturing na isang kriminal na pagkakasala sa lipunan ng mga Pilipino, ito ay isang kasuklam-suklam na kreming napaprusahan ng pag kakabilanggo habang buhay. Ayon sa American Medical Association 1995 ang sekswal na karahasan lalo na ang panggagahasa ay pinakamadalang maulat ng pang gagahasa kumpara sa ibang marahas na krimen. Ang panggagahasa ay maaring maging sahi ng pisikal na pinasala at karagdagang resulta ulad ng sakit na nakukuha sa pag tatalik o pagbubutis. Higit pa rito, pagkatapos mangyari ang panggagahasa maaring harapin ng karahasan o pagbabanta sa biktima mula sa nanggahasa at sa ilang kultura, mula sa pamilya at mga kamag anak ng biktima.
Ayon sa istatistika ng Philippines National Statistical Coordination Board (PNSCB) ng taong 2002 ay may 7 kababihan ang napagsasamantalahan sa bawat araw. Ayon din sa pag aaral ng PNSCB ay mayroong 3,913 na panggagahasa ang naisampa sa korte noong Enero hanggang Septyembre nang taong 2003 lamang. Tinutukoy din sa istatistikang ginawa na sa bilang na 478 na isinampa sa korte ay may apat na pung porsyento (40%) nito ay nangyayari sa sarili nilang pamamahay, dalawangput-siyam na porsyento (29%) ay nangyayari sa sarili nilang pamamaha, dalawangpung porsyento (20%) ay kakilala ng biktima o ng mga magulang nito  ay salarin , labing limang porsyento (15%)ay sariling ama o tumatayong ama at walong porsyento (8%) naman ay kaibigan. Sinasabi naman ng Women’s Legal Bureau noong 1995 na ang pinakabatanng biktima ay 8 buwang sanggol at pinakamatanda naman ay 67 taong gulang .
Maliit na bilang pa rin kung tutuusin ang istatistikang lumalabas sa kadahilanang marami sa mga biktima ang nasasawalang kibo  na lamang. Ayon sa Asian Women’s Resource Exchange (AWORC)  iasng internet based service ay may datos silang lumalabas sa bilang na 794 na panghahalay ang naganap sa unang apat na buwan lamang ng traong 1997
Sa unang semester ng taong 1999 pa lamang ay may report si8lang 2,393 sa mga batang nakakaranas ng aktwal na kahalagahan, muntik ng panggagahasa, panghihipo o act of lasciviousness at prostitusyon. Sa taonng 2006 ay may datos na nakalap sa PNP na 685 bilang panghahalay at ilan  pa rito ay nangyayari sa presinto o pangangalaga mismo ng kapulisan. Mga kababaihanng nahuhuli sa maliliit na kaso tulad ng pagnanakaw, panluluko, prostitusyon o mga kababaihang may mababang antas ng kalagayan sa buhay.
Sa batas ng pilipinas  ang sinumang nasa posisyon ng pamahalaan, mga nagpapatupad ng bats tulad ng kapulisan at militar na mapapatunayang nagkasala sa panggagahasa sa kababaihan ay mapapatawan ng pinakamabigat na parusa o kamatayan.
At kadalasan sa mga kababaihan ay hindi nabibigyan hustisya dahilan sa mas pinapanigan ng korte  ang mga suspek na may kakayahang kumuha o magbayad ng malaki sa kanilang abugado na mapatunayanna sila’y walang kasalanan sa ginawa niyang krimen at dahilan rin sa mga kababaihan ang kahirapan kaya nila kayang kumuha ng abugado para mapatunayan na siya ay hinalay o ginahasa.

http://www.filipinowriter.com/artikulo-sekswal-na-pang-aabuso-sa-mga-kababaihan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento