"Martial Law"
Ilang taon na ang nagdaan pero buhay na buhay parin ang alaalang naiwan ng Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon ng kaniyang pamumuno.Sa kabila ng pagpapatupad niya ng Batas Militar o Martaial Law.Anu-ano ba ang nangayri sa panahong Marcos sa ilalim ng Batas Militar?
Ang Martial Law sa ilalim ng pangulong Ferdinand Marcos ay ipinatupad noong ika-21 ng Setyembre 1972.Ideneklara ni Marcos ang Proclamation no.187 o ang Batas Militar.Ang pagdeklara nito ay isinapubliko at napanuood ng karamihan.Matapos itonf ipatupad sa dalawang araw na pagpapatibay ng batas na ito ay ipinaaresto ang mga demonstrador,ipinsara ang telebisyon,radyo at ang palimbagan ng dyaryo.Naghigpit rin ang mga seguridad at nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan.
Sa ilalim ng batas na ito ay mas lalong mapanganib.Raid dito,raid doon, kahit sino pweding dakpin.Walang korteng paglilitisan dahil guilty sinumang lumaban kay Marcos.(Ito ay ayon kay Ricky Lee).
Sa Batas Militar mas lalong tumindi ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ng komunista kaya maraming inosente ang namatay.Ang mga mamahayag ay napagbintangan na silay kasapi ng mga grupong NPA.Kaya marami ang kaso ng Extra Judicial Killing sa panahon ng panunungkulan ng Pangulong Marcos.Maski ang mga ordinaryong tao ay pinagbintangan ang iba sa kanila ay pinatay,sinaktan a ipinahiya sa harap ng mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno.
Sa panunungkulan rin ng pangulong Marcos hangad nito na ang Bagong Lipunan sa pagpapatupad ng Batas Militar.Nabago nga ang lipunan ng dahil sa takot ng mga Pilipino sa kanya. Maraming nabago sa kalagayang pang kalusugan at pang kalinisan, nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis at napanatiling maayos ito na mga Pilipino.Higit sa lahat nabawasan ang mga pasyalang ipinagbawal lalo na sa Maynila.Nagakaroon ng karapatan at katahimikan sa mga pook na dati ratiy may ligalig at karahasan.Sa ilalim ng Batas Militar ay napaloob ang programa ng reporma ng pamamahala ng pamahalaan sa salitang "PLEDGES" na ang ibig sabihin ay Peace and Order (Kapayapaan at Kaayusan)
Land Reform (Reporma sa Lupa)
Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan) Development of Moral Values Government Reform (Mga Pagbabago Sa Sistema Ng Edukasyon ) Social Service ( Serbisyong Panlipunan).Ngunit ang repormang naipangako ay hanggang papel lamang.Nagdulot lamang ang mga bagong lipunan ng pangamba at takot sa mamamayan.
Ngunit hanggang ngayon ang pamumuno ng Pangulong Marcos sa pagpapatupad ng Batas Militar ay buhay na buhay parin sa alaala ng mga nabiktimang Pilipino.Ika nga magsilbi itong arak na kung saan ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.Higit sa lahat ay unawain ang mga sigalot na pamumuno ng gobyerno.Hindi lang para sa sarili kundi para sa bansa na na nabalot ng karahasan sa ilalim ng Pangulong Marcos.Na ito ay magsisilbing aral at ating imulat ang ating mata sa katotohanang nagaganap sa ating bansa sa pamamalakd ng gobyerno.
Mga Sangguniaan:
Joel Lamangan at Ricky Lee
Inquirer Net.Com
Maria Roselyn G. Concina Abm-A
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento