Sabado, Nobyembre 26, 2016

Epekto ng teknolohiya sa ating lipunan

Epekto ng teknolohiya sa ating lipunan 
Camille Kate C. Rodriguez


           Ang teknolohiya ay mayroong higit isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at palapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyera. Ito ay kadalasang iniuugnay sa mga imbento at gadget na ginagamit, kailan lamang natuklasan ang proseso at prinsipyong maka-agham. Nakikita ang teknolohiya bilang isang kasalukuyang kalagayan ng ating kaalaman kung paano pagsasamahin ang mga kakayahan upang magbunga ng ninanasang produkto. Sa gayon, nakikita natin ang pagbabago sa teknolohiya kung nadagdagan ang ating kaalaman dito.

           Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay pagbibigay ng internet at maaring makagawa ng isang indibidwal na account sa ano mang social networking site, tulad ng facebook. Alam din nating lahat na halos lahat ngimpormasyon ay nakukuha ng ngayon sa internet. Bukod sa libro na ginagamit ng mga studyante dito na rin sila kumukuha ng dagdag na impormasyon. Ito rin ay nagbibigay aliw, at nakakapagpayaman ng buhay ng tao sa pamamagitan ng mga karagdagang programa. Marami itong positibong apekto sa atin tulad ng Global networking, mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya, mas makakamura sa ibang paraan, at mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan. Ngunit meron din itong negatibong epekto tulad ng nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao, nakakasira ng mga tao, maaring gamitin sa karahasan, at ang pagiging bagsak ng marka ng mga mag-aaral.
             Sa katunayan ito rin ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, mabilis, at mabisa, kung kaya naman napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Ngunit mayroon nga bang disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa ayos ang mga dala nitong dulot? Lahat na bagay ay sumasama kapag mapasobra at isa sa mga bagay na ito ay ang teknolihiya. Masusukat natin kung gaano na kalayo ang ating nilakbay kung halos limot na ang mga bagay na kinagigiliwan natinng gawin sa mga nakalipas na panahon. Tulad ng paglalaro ng patentero at iba pa. Madaling humulas ang mga alaalang ito sa ating isipan sapagkat wala nang kabataan ngayon ang naglalaro nito. Huwag natin abusuhin ang paggamit ng teknolohiya gamitin natin ito sa tama upang hindi makaapekto sa atin.Dapat natin mas bigyan ng oras ang pag-aaral at maging responsable sa ating sarili upang magkaroon ng maayos na kinabukasan.

2 komento: