Huwebes, Nobyembre 24, 2016

“Social Media at ang Modernong Kabataan”

                            

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang-araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang mga social media ay isa sa naging produkto ng makabagong panahon, at kasabay nito ang pagusbong ng modernong kabataan .
Ang social media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon sa ating pakikipagkomunikasyon sa mga taong nasa malalayong lugar. Ano nalang ang buhay kung walang social media? Maraming kabataan ang natutulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito, tulad na lamang ng mga kabataang hindi masyadong outgoing, mga taong gustong magtipid sa entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income (online shop), mga naghahanap ng bagong impormasyon at mga gustong magpasikat (Residentpatriot, October 7.2012).
Hindi kapani-paniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga kabataan. Pinagtitibay nito ang isang aspeto ng kultura natin,  ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan. Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipagtalastasan sa mga online forums at pagtatambay sa Friendster. Ngayon naman ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook, at iba pang social media’s,kung kaya’thindi nakapagtataka na napakataas ngporsyento ng mga online na pinoy sa social networks (Gabnadateblog.February 2016).
Dahil sa pagkauso ng mga social media mas lalo nitong naimpluwensyahan ang nakararami tulad nalang ng mga kabataan ngayon na lubos na nahuhumaling dito, kaya wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na websites ngunit ano nga ba ang epekto ng social media sa paguugali natin? partikular sa mga kabataan ngayon? (Eloisa Cassandra E. Emi).
Ang mga katanungan na nasawalat sa inyong isipan ay aking bibigyan ng kasagutan. Ang social media at ang modernong kabataan, dahil ang mga modernong kabataan ang syang nagpausbong at mas lalo pang naging uso sa mga mata ng mga tao sa ating mundo. Napakalaking impluwensya ng social media sa panahong ito lalong lalo na ang facebook, siguro parte na ng ating buhay ang mag-log in araw-araw dito. Isa sa mga mabuting epekto ng social media sa kabataan ngayon ang easy acess o madaling paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng suspension ng klase, mga balita tungkol sa showbiz at mga babasahin na marami tayong matututunan.  Ang social media ay tulay na nagdudugtong sa atin sa kasalukuyan dahil ito ang nagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan, at dinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng mga impormasyong tungkol sa makabagong teknolohiya, mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap at mga matutunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa ating kinabukasan.
Isinulat ni:
Annie Rose P. Pastorco

16 (na) komento:

  1. maganda ngunit ang gumawa ay hindi makilala.

    TumugonBurahin
  2. Sobrang nakakatulong ito sa transfer task ko. Salamat kung sino man gumawa!

    TumugonBurahin
  3. Nakakahanga ng iyong gawa! ako ay napapatakbo tatalon sisigaw ang pangalan mo~

    TumugonBurahin
  4. napakaganda! napakaganda...........................................................................................................................................................ko talaga!

    TumugonBurahin
  5. Pashout out po kay Marianne Angelyn Salawit Saura!!!!! aNg g@leNg m0 hayP kaaa!

    TumugonBurahin
  6. Kristine Marie Jardeleza
    Marianne Angelyn Saura
    Shannel Desiree Martin
    Mharie Mharlheslee Cortina
    Lyka Manzano!!
    Pa add po sa peysbukk! salamaattttttttttttt

    TumugonBurahin
  7. Sa elalem ng poteng elaw sa delaw na bwan

    TumugonBurahin
  8. Your work is nice.But I hope you put your name to add credits with your name. To showcase your worth

    TumugonBurahin
  9. Hiramin ko po sana ito kung pwed?
    Gagawa lng po ako ng pagsusuri tungkol sa mga elemento ng pagtataya sa teksto at ito po sana yung gusto kung pagtuunan ng pansin..
    Salamat po:)

    TumugonBurahin