Huwebes, Nobyembre 24, 2016

EDUKASYON


                       Edukasyon, isang salita subalit marami ang kahulugan. maraming tao ang nagsasabi na edukasyon ang pinakamahalaga sa buhay ng isang tao. Sa pamamagitan ng edukasyon, nagkakaroon ang tao ng malawakang pag iisip, nadadagdagn ang kaalaman at ito ang nagiging daan tungo sa tagumpay.
                      Lahat ng tao sa mundo ay nangangailangan ng edukasyon para sa sariling kapakanan. bawat isa ay may karapatang tumuntong sa paaralan dahil edukasyon ang nagsisilbing gabay at sandata sa lahat ng pagkakataon. Alam natin na napakalaki ang naiaambag nito sa ating buhay pati na sa lipunan. Ito ang pinakaimportante sa lahat ng bagay sapagkat dito nakasalalay ang buhay para sa hinaharap. Edukasyon ang tanging paraan para masuklian ang paghihirap at sakripisyo na dinanas ng ating mga magulang.
                       Ayon sa inilathala ni Nani sa internet noong araw ng Miyerkules, ika-30 ng Enero taong 2013, napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng sarili at maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tanging maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral ng mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon ang pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman. 
                      Ayon sa inilathala ng Nuffnang sa blogger noong taong 2011, ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila ng kanilang mga inaasam na mithiin. Ang unang layunin ng dukasyon ay ang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran. 
                        Ang pagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral ay biyaya na hindi maaaring sayangin, pabayaan at ipagbalewala. Sa pamamagitan ng edukasyon, maraming natututunan ang isang tao at napupukaw ang kanyang isipan sa mga bagay-bagay. Natututong dumiskarte sa buhay at nagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang problema. Maraming magandang naidudukot ang edukasyon na siyang tutulong at gagabay sa dako ng ating buhay.



                                                                                                                   Tekstong impormatibo 
                                                                                                                   ipanaskil ni Claire B. Pielago

2 komento:

  1. Napakahusay Ng mga impormasyon na inyong inilagay💓💕maraming salamat makatulong sa akin Ng marami😇😇☺️God bless po💓💕

    TumugonBurahin