Linggo, Nobyembre 27, 2016

Global Warming!

             Anu na ba ang nagawa mo para sa mundong ito? Sumira ng kalikasan? O kaya naman kasali ka sa mga taong may pagmamahal sa mundong iyong kinalakihan? Mundo’ng sa ngayo’y namimiligro dahil sa kagagawan nating mga tao. Malamang isa ka sa mga nakakaramdam ng mga pagbabago dito sa mundo, mga pagbabagong tila’y hahamakin ang katatagan mo. Mga pagbaha, malalakas na mga bagyo, ulan- na tila’y walang katapusang papatak dito sa mundo. Ilan lamang yan sa mga sinyales ng Pagbabago ng Panahon o mas tinatawag na Global warming. Anu nga ba ito? Bakit kailangan nating tuonan ng pansin ang phenomena na ito? Anu ba ang mga epekto nito sa atin hindi lang sa tao pati na sa kalikasan? Tayo ay dapat lamang na magkaroon ng ideya o kaalaman sapagkat napapanahon ang pagsagawa ng kilos para masulosyonan ang suliraning ito.
Ang Pag-init ng Daigdig o “Global Warming” ayon sa Wikipedia ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang nararanasang paginit nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng mga produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng paginit ng mundo. Ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga paguulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag tuyot, bugso ng init, bagyo at buhawi. Ang paginit ay makaapekto sa bilang at tindi ng mga ito. Gayunman, ang mga pagaaral ay nakatuon sa panahon hanggang taon 2100 na ang pag-init ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 o carbon dioxide ay may mahabang buhay sa himpapawid.          
Ang klima ay patago-tago sa pamamagitan ng mga prosesong “panloob” gayundin sa tugon sa pabago bagong  panglabas ma puwersang gawa at di-gawang tao kasama ang pagkilos ng araw, pagputok ng bulkan at ng greenhouse gases. Tanggap ng klimatologo o mga nagaaral sa klima na tumaas ang temperatura ngunit ang sanhi ng pagbabagong ito ay kontrobersyal lalo na sa labas ng komunidad ng mga siyentipiko. Sinasabing ang kasalukuyang klima ng mundo ay wala sa kapanatagan kasama ang pwersang dulot ng pagtaas ng mga greenhouse gases  dahil sa enersiyang termal ng mga karagatan at mabagal na pagtugon ng ibang di tuwirang mga epekto- ito’y ayon sa Association of British Insurers Financial Risks of Climate Change noong Hunyo 2005.
Ang bansang Pilipinas ay isa rin sa mga nagkokontibusyon sa tinatawag na Global Warming sapagkat narito rin sa atin ang mga aspetong nagdudulot ng pagtaas ng temperatura ng mundo –mga sasakyang dulot ay maitim na kausukan, mga pabrikang nagsisi- pagkompitensyahang dulot ay pagdami ng Carbon Dioxide sa atmospere at mga aktibong Bulkan o mga likas na sanhi ng Climate change. Ang pag pabaya sa kalikasan ay nagdudulot ng kapahamakan sa mundong ating kinalalagyan.     
Ang Global Warming ay nagpapabahala sa ating buhay sapagkat ito ay pwedeng magdulot ng kapahamakan, mga mas kakaibang mga pangyayari dito sa mundo, kagaya na lamang ng mga malalakas na bagyo at pag init ng matagal na araw. Masusugpo natin ang bagay na ito kapag tayo ay nagkaisa, kapag magtutulong tulong ang lahat ng mga bansa upang paunti unting mabawasan ang mga piligrong ating nararanasan. Masusulosyanan lang ito kapag mismong tayong mga tao ang gumawa ng paraan para ang problema ay ating mawakasan.

          https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig
-Joshua P. Alarcon

                   

2 komento:

  1. Akala ko ba Global Warming ba't mga pagbaha at ulan yung laman ng teksto? Haha. It should be climate change.

    TumugonBurahin
  2. can you do Tekstong Impormatibo about sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig na kinahaharap ang problema kaugnay ng Pandemyang Covid-19?Please kailangan ko po

    TumugonBurahin