Sabado, Nobyembre 26, 2016


Natatagong kwento ng Pilipinas sa likod ng Magagandang Tanawin 

                Hindi makakailang sobrang ganda ng ating bansa, ang Pilipinas. Isa sa mga dahilan kung bakit nasasabing maganda ang Pilipinas dahil sa mga dayuhan na palaging bumibisita dito. Kilala ang ating bansa dahil isa ito sa mga bansa na may magagandang tanawin. Dahil na rin sa mga responsableng taong pinapangalagaan ang ating kalikasan. Sagana ang ating bansa sa mga likas na yaman, katulad na lamang ng yamang tubig dahil ang Pilipinas ay may 7,107 na isla. Dito sa Pilipinas matatagpuan ang matabang lupa, yamang lupa, talampas, lambak, kapatagan at iba pa. Ano nga ba ang mga kwentong natatago sa nagagandahang tanawin na ito? Kailan nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas? 
                Ayon sa wikipedia o ang malayang ensiklopedya, nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas ng dumating ang sinaunang tao sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tulay na lupa 30,000 na ang nakalipas. Ayon sa unang tala ang unang taong bumisita sa ating bansa ay si Ferdinand Magellan sa pulo ng Homonhon, sa timog-silangang Samar noong Marso 16, 1521. Nagtayo ng mga permanenteng buhay sa Cebu, kasabay nito ang ekspidisyon ni Miguel Lopez de Legazpi noong !565, at mas pinarami ang mga kolonyalista sa pook ng Maynila sa pulo ng Luzon. Nagtatag ng isang syudad sa Maynila at dito nagsimula ang panahon ng kolonyalisasyon ng Espanya na nagtagal ng tatlong siglo.
                Nagkaroon ng ebolusyon laban sa Espanya noong Abril ng 1896, na pagkaroon ng dalawang taon ay humantong sa proklamasyong kalayaan ng mga Pilipino at ang pagtatag ng unang republika ng Pilipinas. Ngunit ang kasunduang Paris, na naganap sa katapusan ng digmaang Espanyol at Amerikano, ay naglipat ng pamamahala ang Pilipinas sa Estados Unidos. Sinimulan ng Estados Unidos ang kolonyal sa pamamahala sa Pilipinas noong 1905. Ang parsiyal na pagsasarili mula sa Estados Unidos ay iginawad noong 1935 bilang paghahanda ng isang ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos noong 1945. Makalipas ang !0 taon ay nilusob ng Hapon ang Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig. Ito ang huling pagbabalik ng mga sundalong Pilipino at Amerikano para sa kampanya ng pagpapalaya sa Pilipinas.
                Ayon pa rin sa wikipedia, isa pang sikat na kwento ng ating bansa ay ang mga karansan ng ating mga ninuno. Pamilya tayong mga Pilipino sa prinsipal na mamamayan ng Pilipinas ang Negrito, Indones at Malay. Naganap pa ang mga migrasyon ng ating mga ninuno. Sa isang barangay may isang datu, timawa, maharlika, at ang mga alipin, pamilyar tayo sa pagsamba sa mga anito.
                Dahil dito masasabing maganda talaga ang Pilipinas bukod sa natatanging kwento nito ay dahil na rin sa mga taong may mabubuting loob. Sa Pilipinas marami ang pagsubok na nangyayari kaya nabuo ang bayanihan.

Isinulat ni: Camille M. Palacio 

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasaysayan_ng_Pilipinas 
                               

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento