Sabado, Nobyembre 26, 2016

Marianne G. Boral ABM-A -- Batas Laban sa Bullying


Batas Laban sa Bullying


                   Nakakapangilabot at nakakaalarma ang tumataas na kaso ng pambu-bully lalo pa nga minsan itoy nauuwi sa pagkasira ng buhay ng biktima at pagkitil ng sarili nitong buhay. Ayon sa sarbey ng mga nagbabantay sa kaso ng bullying, mataas ang ranggo ng Pilipinas sa larangan ng pambu-bully sa buong bansa. Ayon  sa WikiFilipino sinasabing  30 porsyento ng kabataan ang nakaranas na mapag-iwanan, 45 porsyento ang pinagawa ng mga bagay na labag sa kanilang kalooban , 36 porsyento ang nagsasabing silay sinaktang pisikal, 39 porsyento ang nakaranas ng manakawan, at 57-58 porsyento ang nakaranas ng mapagtawanan at gawan ng katatawanan ng ibang bata.
                   Ayon sa WikiFilipino , Ika-6 ng Hunyo 2013 nang ipasa ng mataas na kapulungan o Senado ng ika-15 Kongreso ang Senate Bill 2667 o mas kilala bilang Anti-Bullying Act of 2011. Enero 2012 naman nang ipasa sa ikatlong pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 5496, o Anti-Bullying Act of 2012. Ayon sa batas na ito ang pambubully ay nangangahulugan ng kahit anong paraan ng pangigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa, pisikal man, berbal o mental na nagiging dahilan ng kawalang gana o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cuber bullying.
                   Ayon sa GMA online noong  Septembre 18, 2013 ang ating  dating Pangulo na si  Benigno Aquino III ay nagbigay pahintulot sa pabibigay aksyon patungkol sa tumataas na kaso ng bullying  sa ating bansa. Isang batas ang kanyang ipinatupad na naglalayong ipagbawal ang bullying sa  mga paaralan sa buong bansa. Nilagdaan ni Aquino ang Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act 2013 noong Septyembre 12 ngunit itoy isinapubliko  o ipingbigay  alam sa mga tao, higit limang araw na ang nakakaaraan.
                   Sa ilalim ng nasabing batas ang lahat ng paaralan sa elementarya at hayskul ay kinakailangan gumawa ng mga polisiya laban sa kani-kanilang institusyon.  Ang kopya ng mga nasabing polisiya ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila. Layon ng batas na maging pangangailangan sa lahat ng elementarya at hayskul sa buong bansa na pagkaroon ng mga polisiya upang mahadlangan at magawan ng karampatang aksyon ang mga kaso ng pambu-bully sa kanya-kanyang institusyon.
                   Alinsunod sa batas, ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying at ang paghigantihan ang mga taong nagsuplong o nagbigay ng impormasyon  tungkol sa insidente ng bullying. Inuutos ng RA 10627 ang mga paaralan na parusahan ang mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang suamailalim sa rehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan. Nakasaad naman sa batas na kailangang gawing “confidential” ang pagkakakilalan sa nasangkot  sa bullying. Binibigyan din ng batas na ito ang Kagawaran ng Edukasyon ng kapangyarihang magpatupad ng kaukulang parusa sa mga indibidwal o eskwelahang lalabag sa batas.
                  


Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Anti-Bullying_Act
         

         

                   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento