Linggo, Nobyembre 27, 2016

Laforteza, Jay Bryan G.

Ang tunay na Pilipino
Ni; Laforteza, Jay Bryan G.
Pag titiwala sa panginoon, pagiging magalang, pag tutulungan at mabuting pamilya; ilan lamang yan sa mga katangian ng mga Pilipino. Maraming mga tao ang nag sasabing sila ay Pilipino, nginit may mga nag sasabing ikaw ay matatawag na isang tunay Pilipino  kung tina-taglay mo ang  mga katangiang dapat ay nasa mamamayan ng bansa nito. Ang mga Pilipino ay kinikilalang isa sa mga masipag at matyaga. Ang salitang masipag at matyaga ay ang nag sasabing kung ang isang  tao tunay na mamamayan ng bansang Pilipinas . Yan ang ating pag kakakilanlan. Ang mga mga Pilipino ay minsan ding tinawag na indio na ang ibig sabihin ay mangmang at walang alam. Ang mga pinoy nga naman ay sadyang sikat sa maraming tawag, mapa negatibo man o positibo.
Ayon sa librong bayanihan 2 ni Priscilla B. Dizon, maraming katangian ang mga Pilipino na dapat ipagmalaki, isa na doon ang pag titiwala natin sa Panginoon. Para sa mg Pilipino ang pag titiwala sa Diyos ay ang pinaka mahalaga’t pinaka magandang katangian na dapat ipag malaki. Tayo ay naniniwalang ang panginooon ang tumutulong at gumagabay sa lahat ng ating mga ginagawa at gagawin. Pinapatnubayan nya ang kanyang mga anak na niniwla sa kanya. At yan ang nag papalaks ng loob nila. Nag kakaisa ang mga Pilipino sa pag samba at pag bigay galang sa poong may kapal.
Ang pag mano o pag halik sa kamay ng matatanda ay halimbawa lamang ng pag galang, ngunit dahil dyan ay nakikilala ang mga Pilipino, dahil tayo lamang ang nag mamano  sa mga nakakatanda. Walang ibang lahi ang gumagawa nito. Ang pag mano o pag halik sa kamay ng matatanda ay kadalasang ginagawa matapos mag dasal ng orasyon, pag kagaling sa simbahan bago umalis at pagdating sa bahay,  pag may dumating o may bumisitang kamag anak o kapag nakita o nakaslubong ang ninong at ninang. Tunay ngang ang mga Pilipino ay lahi ng mga magagalang.
Pagiging matulongin ng mga Pilipino ay isang kaugaliang nakakabagbag ng damdamin, bukal sa ating kalooban ang tumalong sa mga matatanda at mga nag hihirap. Likas sa kalooban ng mga kabataanng pinoy na tulungan ang sino mang nahihirapan tulad na lamang kapag may nakitang matandang tatawid o may bitbit na mabigat na dalahin, bukal sa ating loob na tulongan sila. Isang halimbawa nito noong hindi pa kongkreto ang mag bahay, tuwing may masisiran at kailangang buhatin ang buong mag kakabarangay ay nag tutulong tulong sa pag buhat nito.  Masasalamin ang pagiging matulongin ng Pilipino sa loob ng bahay o sa isang pamilya, ang mga mag anak ay nag tutulong-tulong sa mga gawaing bahay. Nag tutulongan din ang mag kakapit bahay sa ika uunlad ng kanilang pamayanan.  Iyan ay likas at maipag mamalaking katangian ng mga tunay na Pilipino.
Ang mga Pilipino ay kilala sa mga magagandang ugali, maraming Pilipino ang nakikilala sa ibangbayan dahil  sa angking kagandahan ng kanilang katangian. Ang mga ito ay sadyang maipagmamalaki ng mga Pilipino. Kilala rin tayo sa pagiging malikhain at matyaga sa pag-gawa. Ang pagiging Pilipino ay hindi dapat ikahiya bagkus ipag malaki mo ito, ikaw ma’y taawaging indio.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento