Lunes, Nobyembre 28, 2016

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

                 Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng lahat ng tao, isa ito sa mga mabibigat na suliranin ng ating bansa. Kahirapan! Saan nga ba ito nagmumula? Ano nga ba ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito? Sino ba ang dapat nating sisihin tungkol sa nararanasang kahirapan n gating bansa?

                Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa tulong ng internet, sa kasalukuyang panahon, madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, ngunit ang katanungan ay, “Sila nga ba an may kasalanan at dapat sisihin tungkol sa isyung ito o tayong mga Pilipino mismo?’’ sinasabi ng iba, kaya sila nakararanas ng paghihirap ay dahil saw ala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabaho ang nakalaan, ngunit mapili lang talaga ang mga Pilipino. Marahil sa panahon ngayon mahirap ang maghanap ng trabaho, ngunit hindi iyon ang sapat na dahilan para tumigil na sa paghahanap ng trabaho. Ayon ditto sa impormasyong nakalap mula sa internet, kailoangan nating magsikap upang mabawasan ang nanunudyong suliranin sa ating bansa. Ito ay mayroong sanhi o dahilan kung bakit natin nararanasan ang ganitong problema.
                Ang sapilitang pangingibang bayan ang mga Pilipino upang maghanap ng trabahoay nagging parte na ng kultura ng Pilipino. Dala ng labis na kahirapan, ito ang siyang nagging tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Ang salitang ‘’kapit sa patalim’’ ay maaring maiugnay sa bagay na ito. Maraming dahilan kung bakit nawawalay sa pamilya at linilisan ang sariling bayan upang makipagsapalaran sa ibang bansa ng dahil sa hirap ng buhay. Isa na ditto ang corruption: ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga perang nakalaan sana para sa kapakanan ng mga mamamayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.
              Ang isyung ito ay hindi na iba para sa mga Pilipino. Ito ay maituturing na kanser ng lipunan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga politico para sa sariling interes. Dahil sa mga maling Gawain ng mga politico, maraming mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan dahil sa talamak na suliraning ito. Sunod na dahilang ito ay nagmumula rin sa magulang na hindi pinagtutuunan ng pansin ang kanil;ang mga anak. Isa rin itong dahilan marahil sa katamaran ng mga Pilipino na maghanap ng trabaho. Ang isa pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding kapabayaan ng likas na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na magiging sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, gumagamit ng dinamita na siyang sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti-unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.

                Ang kahirapanay sa sa mga mabibigat na problema n gating bansa. Kung hindi natin ito malusutan, paano na lang tayong Pilipino na nakararanas nito? Sa ganitong sitwasyon, kailangan nating magsikap para sa ikauunlad n gating bansa. Huwag nating sisihin ang gobyerno marahil hindi sa lahat ng pagkakataon sila palagi ang sisisihin kundi ang mga sarili rin natin, dahil sa pagiging tamad ng mga Pilipino. ‘’katamaran ang katunbas ng kahirapan’’ huwag nating pairalin ang katamaran dahil walang ibang hindi maganda ang maidudulot nito kundi ang kahirapan. Sa kasalukuyang panahon, kailangan nating magsikap at magtulungan para sa ating bansa. Huwag mawalan ng pag-asa sa paghanap ng trabaho, basta magtiwala lamang sa sarili na kaya natin ito. Para sa huli maging maunlad tayo, at ang kasabihan na maaaring maiugnay sa mga Pilipino ay ‘’ang kasipagan tungo sa pag-unlad’’


anamae p. manlangit abm-a

18 komento:

  1. Ano ba ang dahilan kung bakit naghihirap ng nga pilipino?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ayon sa aking nabasa na napakalinaw ang nais ipabatid. May dalawang dahilan ang paghihirap ng mga pilipino ito ay ang pagiging tamad ng ilan sa mga kapwa pilipino at ang isa ay ang pagiging korup ng ilan sa mga taong namumuno sa ating bayan.

      Burahin
    2. marahil nahihirapan ang maraming pilipino dahil sakanilang pagiging tamad, kase kung kung matyaga ka o masipag ka hnde ka maghihirap.

      Burahin
    3. DAHIL May Mga gobernador na corrupt

      Burahin
  2. Ano ba ang dahilan kung bakit naghihirap ng nga pilipino?

    TumugonBurahin
  3. Si Kristine Marie Palmitos Jardeleza ito!!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  4. weeeee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    TumugonBurahin
  5. Ano po ang maaring ilagay na sanggunian?

    TumugonBurahin