Kabagungtauhan
ni Lorens A. Pellejena
Ipinanganak tayo sa mundo hindi tumigil ang oras. Ngunit maaari para sa mga talisik na tao, kung aalisan ng baterya ang orasan. Subalit talaga bang napatigil ang oras? Hindi. Sapagkat ang panahon ay patuloy wala pa namang taong naka imbento ng "Time Machine" sa wikang ingles, isang makina na kung saan may kakayahan ang tao na bumalik sa nakaraan at pumunta sa hinaharap. Ang panahong lumipas ay mananataling isang alaala, alaala na parang isang larawan sa ating nakaraan kung saan ang maari na lamang nating gawin ay ang titigan pero di na natin maaaring balikan.
"Kabagungtauhan" isang salitang sa tingin ko'y bago rin sa inyong pandinig
Ito ay ang lebel ng katauhan ng tao, ang lebel mula sa batang kaisipan patungo sa isang responsableng kaisipan. Ayon sa wikipideang tagalog, ang "kabagungtauhan" ay ang pagbibinata o pagdadalaga, isang proseso na pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami ng "sekswal" simula sa pagka-panganak, tayo ay mulat sa mga pagbabago na dumarating di lamang sa mental na aspeto, ngunit pati na rin sa pisikal. Kaugnay nito tayo ay dapat na makasabay sa paunti-unting pag-usbong ng ating isipan sa mga kaalamang nararapat lamang nating maunawaan. Subalit ang mga pagbabagong ito'y kadalasang hindi pa gaanong nauunawaan ng iilan sa atin. Kung kaya't madalas sa mga pagkakataon tayo'y napapasama. Kung minsan nama'y mulat na tayo sa mga usapin tungkol dito, pero di naman alam kung paano mapanghahawakan upang makasabay sa mga pagbabagong ito sa ating sarili. Ang kailangan natin ay magkaroon ng sapat nakaalaman upang sapat na makaunawa. Ayon parin sa wikipediang tagalog, ang pagbabago ito sa ating sarili ay pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak patungo sa gonad: ito ay ang mga obaryo para mga babae at testes naman para sa lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng hormones na nag uudyok ng libido kalamnan , dugo , balat , dibdib at ari. Ang pisikal na paglaki taas at timbang ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
Patuloy nito , karaniwan ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11. Samantala ang mga lalaki ay nagsisimula namang sa gulang 11 hanggang 12 . Ang mga babae ay karaniwan ring dumadaan sa ganap ng pagdadalaga sa gulang 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na nagbibinata na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng pagdadalag ang menarche, ito ay ang panimulang regla, na karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13; para sa mga kalalakihan ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng simelya na karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika 21 na siglo ang karaniwang gulang kung saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan , na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung ihahambing sa ika 19 na siglo , kung saan 15 ang gulang ng babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay maaring dulot ng isang salik , kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa matuling paglaki ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya'y pagkababad sa endocrine disruptors tulad ng yenoestogens , na maaring dahil sa pagkunsumo ng pagkain o iba pang pangkapaligirang salik, Ang pagdadalaga o pag bibinatang na mas maagang magsimula ay tinatawag ding precocious puberty. Samantala ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay tinatawag na delayed puberty.
Mahalaga sa morpolohiyang pagbabago sa sukat , hugis , nilalaman, at pagkilos na lumaking katawan ang pagsibol ng pangalawang pansekswal na katangian ang "pagpuno" sa katawan ng bata mula sa batang babae tungo sa kadalagahan, mula sa batang lalaki tungo sa pagbibinata. Nagmula sa latin puberatum(gulang nga pagbibinata o pagdadalaga), ang salitang puberty ay tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago tungo sa pangsekswal na pagsibol, hindi ang sikososyal at kultura na paglaki na tinutukoy ng salitang "adolescent development" sa kulturang pang kanluran , kung saan ang adolescence ay ang panahon ng mental na pagbabago mula pagkabata patungo sa pagtanda na kadalasang nasasapawan ang panahong paglaki ng katawan.
Ang mga pagbabagong nabanggit ay dapat nating sapat na maunawaan upang mas lalong maintindihan na normal lamang sa atin ang mga di madalas maintindihang pagbabago sa ating sarili sa tingin ko'y lahat naman tayo'y nakakaalam nasa mga ganitong bagay , subalit di alam kung ano minsan ang dapat na gawin. Di tayo dapat na mangamba sa mga inaasahang maisakatuparan natin sa ganitong edad , sapagkat kahit ang mga guro ay ipinapayo na ito ang pinakamahirap na lebel sa pagbabago sa sarili. Mula sa dating mga bata nilalaro patungo sa mga responsableng gawain na ating dapat naisasakatuparan. Di dapat matakot, imbis isipin natin ito sa positibong paraan. Upang sa positibo rin mag resulta at hindi sa mga masamang kinahihinatnan ng mga kabataan sa kasulukuyang panahon.