Vigan,Ang
Makasaysayang Lugar
Tunay ngang napaka yaman ng bansang Pilipinas dahil hindi
lamang likas na yaman ang ipinagmamalaki nito
kundi pati narin ang iba’t-ibang lugar dito.Napaka dami nating mga lugar
na madalas puntahan ngunit sa lahat ng ito mayroong nakakaagaw ng pansin o
interes natin.Sa bawat lugar na ito iba-iba ang nakaksalamuha natin,may iba-iba
rin silang tradisyon at kultura.Maaaring maakit tayo sa mga magaganda nitong
kapaligiran at magagandang estruktura ng guali sa lugar, lalong-lalo na ang mga
makasaysayan.Ang mga lugar na io ay natatangi sapagkat mayroon ang mga lugar na
ito na hindi matatagpuan sa iba.May iba’t-ibang dahilan ang tao kung bakit sila pumupunta sa isang lugar ,ang
mangalap ng impormasyon , makapag libang , at
makatuklas ng mga bagong karanasan.
Ang lungsod ng Viganay matatagpuan sa hilagang kanlurang
bahagi ng baybaying lalawigan ng Ilocos Sur.Ito ay kilala dahil sa
makasaysayang mga bahay at guali na anggang ngayon ay buhay na buhay parin.Ito
ay tinaguriang ‘World Heritage City’ ayon sa UNESCO World Heritage Sites.Ayon
sa kasaysayan,ang lungsod ng Vigan ay naging kilala bilang pook-pangkalakalan ngating
mga katutubo at mga dayuhang Intsik bago pa man dumating ang mga Kastila.Dito
sila nagpalitan ng mga produkto.Ang mga gusaling itinayo dito ay may
impluwensiyang Asyano,Europeo at Latino Amerikano.Isa sa mga kilalang lugar at
madalas puntahan ay ang Calle Crisologo na humigit kumulang ay may 150 na bahay
na bato.Ang bahay na bato ay matitibay kaya nakatatagal sa lindol at bagyo na
madalas tuumama sa rehiyon.Sa kasalukuyan ay maayos parin ang kalagayan ng mga
gusali dahil sa pag-iingat ng mga mamayan nito kaya aang iba rito ay ginawang
tindahan , kainan, museo at iba pa.Mas popular sa mga dayuhan ang pasg sakay ng
kalesa habang naglilibot sa lugar.Ang Museo Crisologo ng Vigan ay nag-iingat ng
mga orihinal na kagamitan mula sa mgadating bahay.Ang St.Paul Metropolitan
Cathedral ay ipinatayo noong 1790-1800
ng mga Agostino at may estilong Baroque dahil sa pagtama ng lindol ditto noon
na sa hanggang ngayon ay napapanatili parin ang kabuuan nito.Ang pinakaulo ng
Cathedral ay hugis octagon ajt matatagpuan sampung metro mula sa timog nito.Ito
rin ay may tatlong nabe at labin-dalawang altar na nakakadagdag sa kagandahan
nito.At ang Museo Nueva Segovia na naa loob ng palasyo ng Arsobispo ay may
koleksiyon ng mga mamahaling antigong kgamitang pansimbahan at relikya mula sa
rehiyon ng Ilocos.(viganilocossur.blogspot.com).
Karaniwang ipinagdiriwang ang pista ng lungsod sa araw ng Enero hanggang sa Enero 25 bilang
paggunita ng simbahan sa Conversion of St.Paul the Apostle.Iba-iba ang
itinatampok bilang pakikiisa sa
ppagdiriwang kagaya ng parada , sayawan sa kalye , pagpapalabas sa kulturang
Vigan at hindi mawawala ang pinakatampok
ng pagdiriwang ang Longganisa Festival.
Ang iba pang attraction dito ay ang
paglulunsad nito ng mga cultural activities tulad ng Zarzuela ,mga makalumang
sayaw sa lansangan o kalye,repaso parade ukol sa kasaysayan ng siyudad,pagtutula
ng mga matatanda at iba pang aktibidad.Kilala ang longganisang Vigan sa lugar ,kaya
tuwing buwan ng Enero ay ipinag diriwang nila ang Longganisa Festival .Napaka
daming produkto ang Vigan kabilang na ang bibingka at Abel Iluko.Isa ang Vigan
Heritage Mansion bilang kumportableng lugar para kainan ng kanilang bagnet ,
dinengdeng,longganisa at pinakbet.
Ang mga atraksiyon sa Vigan na nabanggit ay magbibigay ng
impormasyon sa mga taong hindi pa
nararatin ang lugar.Ayon sa anak ni Mayor Eva Marie Singson-Medina ‘Ang
Heritage Village na mayaman sa kultura at historia ang ipinagmamalaki ng mga Ilokano na main
attraction ng mga turista.’ Nakakahanga ang makulay na kasaysayan ng lugar
hindi lang dahil sa kagandahan nito kundi narin dahil sa kaaysayan ng bawat
anggulo nito.Sa pagpasyal sa lugar na ito ay para ka na rin nasa panahon ng
pananakop ng mga Kastila.Nawa’y mapanatili pa ang kaayusan , kalumaan, at
kagandahan nitonang sa gayon ang mga
susunod pang henerasyon ay masilayan kung ano ang meron ito ngayon.
Mga Sanggunian
Isinulat ni:
Dianne A. Agnas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento