Christine Mae F. Mata
Abm- A
K-12:
SUSI SA PAG-UNLAD NG LITERASIDAD
SA
BAWAT MAG-AARAL
Hindi natin
maikakaila ang kakulangan ng edukasyon sa Pilipinas. Ika nga, ang edukasyon ang
susi sa pag-abot ng ating mga pangarap. Iba’t-ibang paraan ang ginawa ng ating
pamahalaan upang magkaroon ang Pilipinas ng sapat na edukasyon , upang sa
pagdating ng makabagong panahon, mabawasan ang karukhaan mayroon ang ating
bansang sinilangan. Isa sa mga paraang ito, ang implementasyon ng K-12 Program.
Ayon
sa Anakbayan Up Los Baňos noong taong 2012 ang K-12 program ay sinimulang
ipinatupad ng pamahalaan noong school year 2012 na naglalayong baguhin ang
sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa programang ito, ginawang sapilitan ang
pagpasok ng mga bata sa kindergarten, nagkaroon rin ng junior high school na
nagsisimula grade 7 hanggang grade 10 at senior high school na mayroon lamang
dalawang taon, ang grade 11 and 12. Ayon sa DepEd ang K-12 ay para rin sa dumaraming bilang ng
out-of-school youth at solusyon daw sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa
elementarya at sekundarya.
Ayon naman
kay Tecson, Jollina Gayle noong 2014, bago humantong sa
positibong layunin, may mga negatibong reaksyon ang karamihan sa pag
iimplementa nito. Ang pagpapatupad ng K-12 ay upang makalikha ng mga semi-skilled na
manggagawa upang matugunan ang pangangailangan ng mga dayuhang korporasyon at
dayuhang pamilihan ng paggawa. Dahil na rin sa maaari nang makapagtrabaho ang
mga kabataan pagkatapos ng hayskul, iilan na lamang ang nanaising makapagtapos
ng kolehiyo dahilan upang babaan ang badgyet sa edukasyon. Hindi daw ang
pagpapatupad ng K-12 ang solusyon sa mababang kalidad ng edukasyon sa ating
bansa, ayon nga kay Trillanes, “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi
muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga
problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan
at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang
mababang sahod”.
Bagama’t may mga negatibong reaksyon
nanaig pa rin ang kagustuhang ipatupad ang programang ito ng ating pamahalaan
sa layuning mapataas ang kalidad ng edukasyon at paunlarin ang ekonomiya ng
bansa sa mga susunod na henerasyon. Layunin din nito na mas ihanda ang mga
kabataan sa pagtatrabaho, kapag natapos ang mga kabataang ito sa high school,
nasa sapat na silang gulang (18 taong gulang) at sapat na kakayahan upang
maghanap ng magandang trabaho. Sa katunayan, ang programang ito ay naglalayong
ang mga nagsisipagtapos sa K-12 ay maari nang ituring na mga propesyunal at may
mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat.
Ang K-12 program ay isa lamang sa
paraan upang mapaunlad ang edukasyon sa bansa, paraan upang mabigyan ng
panibagong pagkakataon ang bawat mag-aaral upang madagdagan ang kanilang
kaalaman at mapaghandaan ang magiging buhay nila sa hinaharap. Subalit na sa
atin pa rin ang kagustuhan at paraan kung paano tayo matututo dahil kahit ano
mang paraang ipatupad ng pamahalaan ay nasa satin pa rin ang aksyon kung paano
natin ito gagamitin at kung paano tayo nito matutulungan. Ika nga, “ang
pagbabago ay magsisimula sa ating sarili”.
(Tecson, Jollina
Gayle 2014)
(Anakbayan Up Los Baňos 2012)
(Department of
Education 2015)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento