Sabado, Nobyembre 26, 2016

Marvin T. Contante

                Epekto ng Computer Games

            Ang larong online ay nilalaro kadalasan ng mga kabataan. Madaming mga kabataan ang sadyang nalululong o naaadik sa kompyuter games. Sa paglalaro ng kompyuter, naaapektuhan nito ang isipan ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng pantasya ukol dun sa nilalaro niya. 

               Ang Dota ay isang uri ng war craft game kung saan mayroon isang karakter na nasa isang mundo at didipensahan mo ang isang lokasyon kasama ang iba pang mga manlalaro. Ngunit hindi lamang ito simpleng laro, maraming epekto itong naidudulot, tulad ng hindi na sila kumakain para makapaglaro at mabantayan ang kanilang nilalaro at para hindi siya matalomatalo, madalas naaapektuhan ang pag-aaral at nawawalan na ito ng galang sa kanilang mga magulang. 

              Ayon kay Dr.Jose George Los Baños, isang psychiatrist, maituturing itong isang adiksyon na nagdudulot ng masamang epekto sa isang tao. Dagdag pa niya, malaki rin ang epekto ng online games sa pag-uugali ng tao. Aniya, "nagiging bayolente talaga sila, bayolente kahit sa magulang". At dahil sa kompyuter games ay naapektuhan din ang kanilang marka sa kanilang mga asignatura. May mga bagsak sila at wala silang pakialam.

             Ang katagang online gaming para sa maraming mga grupo ay mahigpit na tumutukoy sa mga laro na hindi kasangkot ang pustahan, bagaman marami paring gumagamit ng termino na online gaming bilang kahalintulad sa online na pagsusugal. Matapos ang dot.com bubble noong 2001, maraming mga site na umaasa sa advertising ay humarap sa matinding kahirapan. Sa kabila ng pagbabago ng kakayahang kumita ng mga website ng online gaming, may mga ilang site ang nakapagpatuloy sa pabago-bagong merkado ng advertisements sa pamamagitan ng paggamit ng cross promote para sa paghimok ng mga bisita sa web upang bisitahin pa ang ilang website ng kompanya upang mapababa ang pagkalugi ng mga tagapamahala ng mga online games.
        
         Madami man ang epekto ng kompyuter games pero kung Sabay sabay tayong magtutulungan walang imposible. Sarili natin ang ating tulungan para sa ating magandang  kinabukasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento