Katarungan
Ang pamahalaan ang isa sa institusyong
nagbibigay ng pampublikong serbisyong legal sa mamamayan para sa ikagagaan ng
kanilang buhay. Binubuo ito ng iba’t ibang sangay na may kanya-kanyang
tungkuling gingampanan. Sa mahigit apat na buwan ng panunungkulan ng bagong
administrasyon maraming pagbabago ang naganap simula sa transaksyon ng
pamahalaan, sa uri ng pamumuno, isyu patungol sa pinag-aagawang territoryo, mga
bagong appointed officials isama na rito ang mga opisyal ng pamahalaang
nadadawit sa anumang uri ng katiwalian. Ngunit ang pinakabago sa lahat at alam
ng karamihan na pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan ay ang usapin sa droga. At halos lahat ng
mamamayan ay hati ang opinion patungkol rito.
Ang
pamahalaan higit sa lahat ang inaasahan na susunod at magpapaigting ng
pagbibigay ng tapat at malinis na hustisya na walang kinikilingang lahi, antas
sa buhay, kulay, o maging relihiyon man. Lahat pantay-pantay sa mata ng batas.
Subalit sa nakalipas na apat na buwan ng maigting na pagpapatupad ni Pangulong
Rodrigo Duterte ng masisinang operasyon ng pamhalaan laban sa droga, mahigit sa
libo na ang bilang ng namamatay na may koneksyon sa usaping ito. Na halos yan
nalang ang laman ang paulit-ulit na ibinabalita sa ABS-CBN, GMA, TV5 at iba
pang nagbabalita. Ngunit karamihan ng napatay ay sinasabing nanlaban, ang iba
ay namatay sa operasyon, and iba naman
ay napagkamalan lang. Sa madaling sabi ang karamihan ay walang malinaw na
paliwanag at lahat ay naghahangad ng katarunagn lalong-lalo na ang kanilang
pamilya.
Ayon
sa balita ng ABS-CBN katulad ng bansang Columbia and Pilipinas sa kasalukuyan
ay labis na lamang ang pagpapaigting ng kanilang operasyon para sugpuin ang
talamak na bintahan at paggamit ng droga sa kanilang bansa. Ayon sa pahayag ng
bansang Columbia kahit labis ang pagpapaigting ng kanilang adhikaing wakasan
ang problema sa droga ay bigo pa rin sila sapagkat ang isyung ito ay hindi
lamang kinakasangkutan ng kanilang bansa subalit ng lahat, na hindi lamang ang
kanilang mamamayan o bansa ang kasangkot bagkus ang kalapit at ibang bansa ay
kasali rin. Kung kayat hindi nila masugpo ang mga taong gumagamit at nagbibinta
ng ipinagbabawal na gamot. Subalit magkagayon man ang ating pamahalaan ay
masugid pa ring iniisa-isa at pinagtutuunan ang problemang ito maging anuman
ang paraan.
Sa
mga nangyayaring sunod-sunod na patayan patungkol sa usaping ito hindi maalis
sa publiko ang pagdududa sa pamahalaan ngunit hindi lang sibilyan ang kasangkot
at namamatay isama na rito ang awtoridad. Subalit ang mas mahirap ay hindi
lamang ang mamamayan ang kasangkot sa mga ganitong operasyon sapagkat maging
mga opisyal ng pamahalaan ay naidadawit. Kung kaya’t at mga mamamayan ay labis
na lamang ang kanilang panglulumo sa mabagal na usad ng hustisya sa ating
bansa. At sa huli ang laging dihado sa laban ay ang mga taong nasa ibaba o nasa
laylayan ika nga kung tawagin ni V-President Leni Robredo.
Hindi
maiaalis ng pamahalaan na hindi lamang sila ang kasali sa usaping ito o maging
ang mga taong gumagamit at nagbibinta ng mga ipinagbabawal na droga bagkus
lahat tayo ay kasangkot at lahat ay apektado sa usaping ito. Hindi madali ang
pagsugpo sa sakit lalo na kung nasa malala na itong kaso subalit kung kaya rin
naman itong iwasan ay bakit hindi. Ang pamahalaan higit kanino man ay dapat
huwaran ng mamayan, ito ang institusyong inaasahang magbubungkal ng tiwala ng
taong bayan. Subalit papaano pa ba makasisiguro ang mamamayan kung ang pamahalaan
na mismo ang gumagawa ng mga hakbanging ikakatakot at ikawawala ng tiwala ng taong
bayan.
Mga Sanggunian: News abs-cbn.com
Tvpatrolnewstv.com
Isinulat ni: CAtherine S. Portacio ABM-A
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento