Pawis ng paghihirap
Mga
ngiti ko sa labi di maalis sapagkat aking bulsa ay maylaman kahit na ito ay
limang piso lamang, pambili ng isang tinapay, na tiyan ko’y busog na busog,
kahit sa hirap na aking pinagdaanan sa pangangalakal sulit na man sa isang
pirasong tinapay na aking kinakain sa ngayon. Ayon sa batang manggagawa (child
labor). Mga paghihirap ng mga batang manggagawa (child labor) paano gagawan ng
aksyon?sapagkat dumarami na ang mga bata na di pumapasok sa paaralan.
Ayon
sa International Labor Oraganizationo (ILO), mahigit sa kalahati o 53 porsyento
ng 210 milyong batang manggawa sa buong mundo na nasa lima(5) hanggang 15 taong
gulang ang nagtratrabaho sa mga mapanganib na industriya. Ito ay nagpapahiwatig
lamang na nasa sobrang hirap ng
kabuhayan ng mga kabataamg kinakailangan na magbanat ng buto upang matulungan
ang kanilang mga pamilya sa paghahanap ng pagkaing maihahain sa kanilang mga
lamesa. Lahat ng mga batang manggagawa (child labor) ay may kanya-kanyang
kwento tungkol sa kanilang buhay, masaya man o malungkot man ito ay lahat pinagdaraanan ng mga batang
iniwan ng kanilang magulang at mga batang kinakailanggan magtrabaho upang
makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya. Iba’t iba man ang kanilang kwento
sa buhay ,ang mga batang ito ay mas nanaisi ang magkapera kumita kaysa mag-aral
sa mga paaralan.
Ayon
sa convention 138(minimum age convention) at convention 182(worst forms of
child labor convention ng International Labor Oraganizationo o (ILO), ang mga
batang manggagawa(child labor) ay mahigit pa nilang mga karapatan,tulad ng
karapatang mag-aral, manatiling malusog at ligtas sa panganib. Subalit sa
panahon ngayon wala ng iniisip ang mga bata sa mga ipinagbabawal na ito dahil
sa kahirapan kinakailangan nilang lutasin sa pamamagitan ng pagtrabaho para
magkaroon sila ng pagkain. Sabi ng ng iba “pagwalang laman ang tyan ng isang
bata aylahat gagawin para makakuha ng perang pambili ng pagkain. Halimbawa nito
ay ang mga batang lansanggan na naglilinis ng jeep 0 nagpupunas ng mga salamin
ng sasakyan, ng titinda ng mga candy ,nangangalakal sila ,kaya sa panahon
ngayon sa murang edad ng mga bata ay nakakasubok na sila ng paghihirap sa
paghahanap ng kikitain. Huwag ipasawalang bahala ang mga batang ito na sila
naman ang susunod na mamumunuhan sa
ating bansa o sa mga susunod na henerasyon.
Magandang
pagnilayan ang sinabi ni Constance Thomas2011, director ng International Labor Oraganizationo o (ILO)
para sa kanilang programa sa pagwaksi ng mga batang manggagawa(child labor).
Ayon sa kanya, simple lamang ang kasagutan sa problemang ito; iyon ay ang
paniniguradong may pagkakataong makapasok sa paaralanang mga batang
napipilitang magtrabaho o kinakailanggan nila magtrabaho para sa kinilang pamilya
. ang pag-aaral nga naman ng mga kabataan ang silang makakpagtapos, malaki ang
kanilang maitutulong sa pag-unlad ng kanilang pamilya , sarili , at bayan
,sapagkat sila ay makakahanap ng mga magandang trabaho o ikabubuhay sa kanilang
paglaki na nasa mabuting pamamaraan ng trabaho. ngunit hindi sapat na
pagnilayan lamang natin ang kanyang mga sinabi . sapagkat sa ganitong isyu ng
lipunan, kay langgan ng gawa upang matulunggan ang bawat batang
manggagawa(child labor) ng pagkalinga ng iasang magulang na kayang pangalagaan
ang gampanin sa anak o mga anak. at aksyon mula sa gobyerno na bigyan ng
trabaho ang lahat nang mga pilipinong may pamilyang binubuhay kunggayong hindi
na ang kanilang mga anak ang nagbabanat nag buto para sa kanilang pamilya.
Kung
kaya’t ating tingnan ang bayang sinilanggan puno ng mga problema sa mahihirap.
Huwag tayong makuntento sa karangyaang dulot sa iyong pamumuhay. Isipin mo din
ang iyong mga kababayan at ituring silang iyong mga kapatid, at tiyak na
darating ang araw na ang pilipinas ay matagumpay na nalutas ang masasamang
bunga ng pagkakaroon ng mga batang manggagawa.
Joelyn Joy D. Malumbay
ABM-A
ABM-A
Mga
Sanggunian
Mga Kwento ng Batang Manggagawa ni Amaryllis T. Torres
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/3267/3064)
(http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/view/3267/3064)
Child Labor;tagapagdulot ng matinding panganib sa kabataan at
sa lipunan akda ni rspc4admin(http://spaef06.blogspot.com/2011/12/child-labor-tagapagdulot-ng-matinding.html)
Dumadami ang mga batang manggawa ulat ng the Philippine star(http://www.philstar.com/opinyon/2012/06/28/822087/editoryal-dumadami-ang-mga-batang-manggagawa)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento